lakas man-redtag nung iba dito, pero sila rin naman unang pipila pag namigay na ng relief goods/services ang mga NGO (Non-Government Organization ha, hindi new government organization, meaning walang kinalaman ang gobyerno at HINDI gagamit ng tax ang Angat Buhay NGO dahil ang pondo nito ay galing sa mga private donors, tulad ng iba pang mga NGO).
di na talaga matatanggal ang utak talangka ng mga pinoy, tutulong na nga lang na walang hinihinging kapalit eh, dami niyo pang kuda. kala ko ba no to negative campaigning, eh di pa nga nagsisimula yung angat buhay NGO, puro na kayo bash.
Naisip ko lang mas malawak pa ang reach ng movement nito. Posible iconvert ang kakapinks to NPA or mas malala terrorist group na nagtatago sa programang Angat Buhay Foundation. Isang Non Government Organization.
At gagamitin nila ang suporta ang mga kakapinks sa pangunguna ni Leni Robredo.
and para kay TS, if ganyan ang logic ng argument mo, pwede kong sabihin na ang iba pang NGO tulad ng UNICEF, Red Cross, etc. ay pwede ring maging NPA 2.0 dahil
1. marami silang members
2. may adbokasiya rin sila
3. anytime pwede rin sila mag-alsa at maging rebelde kasi ang bawat tao naman ay pwede naman maging rebelde.
Parang gumawa sila ng sarili nilang government na ang nakapwesto ay mga Liberal Party na alam naman natin against sa mga Marcoses. Suportado dyan ang mainstream media ang ilang corporate giants.
Dito ka nagkakamali, ts. Ang gobyerno natin, may executive, legislative, at judiciary. Hinding hindi yon mapapalitan ng Angat Buhay NGO, kasi syempre sinong papalit sa pulis? Sa senador? Sa teacher??? Eh ang Angat Buhay NGO, framework lang ng network of volunteer professionals (tulad kay Chel Diokno for legal, Leni Robredo for social good, etc.). Anong ibig sabihin nito? Hindi kailanman magiging gobyerno ang Angat Buhay NGO, kasi nga, volunteer network lang ito.
Ang Angat Buhay NGO, malawakang volunteer organization to, meaning di ka pinipilit na sumali or magvolunteer dito. Pero in return, may layunin sila na makatulong sa mga nangangailangan.
Kung may nakikita kang mali sa ginagawa nila, call them out. Report mo sa NBI/PNP dahil karapatan naman natin ito bilang isang responsableng Pilipino. Ang sa akin lang, tulad ng sinabi mo sa post mo,
Ang kailangan lang naman as pinoy maghilaan pataas. Kung makikita ko na positive ang Angat Buhay Foundation eh baka isa pa ako sa mag volunteer.
Tho sana, walang malisya
Yun lang, peace tayo dyan mga ka-PHC.
Sana, in the very near future, maging first world country na tayo. Yung di na natin kailangan ng mga NGO dahil sobrang yaman na natin. Tapos tayo na yung mga tumutulong sa ibang bansa, imbis na tayo yung tinutulungan