What's new

Closed "ang hanap-hanapin ka, kahit hindi ka naman nawawala"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
quotes.jpg


"Ang hanap-hanapin ka, kahit hindi ka naman nawawala"


Sa saliw ng musika madalas nagagawa ko ang lahat
Mga bagay na hindi man makita subalit nailalahad
Hanggang sa nasimulan ko na makita ka
Tila nagkaroon ng paninibago sa aking mga mata

Madalas akong managinip ngunit gising
Iniisip ang bawat sandali na ika'y kapiling
Na kahit alam ko sa totoong kuwento natin
Malabo namang maging tayo at di ka magiging akin

Laman ng bawat sulok ng isip ko ang letrato ng kagandahan mo
Isa sa mga dahilan kung bakit madalas inspirado ako
Kulang man ako sa tulog sisigla na muli sayo
Dahil nabubuhay ang dugo ko tuwing masisilayan ko ang tulad mo

Larawan ka ng isang bagay na magbibigay lakas sa akin
Kahit pa bawal sa batas ang mang-angkin ng di sa akin
Matagal na kitang inangkin sa isip ko lang ibinaling
Ganyan ako maglihim sa lahat ng nakapaligid sa atin

Di na yata kukumpleto ang bawat oras sa araw ko
Tuwing mawawala ka sa bawat pagpikit bukas ng mga mata ko
Yung tipong akala mo may hinahanap ka sa kung saang ibayo
Hanap ka ng hanap sa kanya kahit wala namang kayo


mad | pro


 
mas gusto ko yung dating may kasamang music vids mga gawa mo ts hehehe

edit:nasa huli pala sorry diko napansin hahahaha
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top