What's new

Poems "ang datapwat sa buhay ko"

madpro

Forum Veteran
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,472
Reaction
1,838
met-reason-blessing-or-lesson-quote-love-pictures-pics.jpg


"Ang Datapwat sa buhay ko"



Dapat bang ipa-ubaya ko sa Diyos?
Ang mga samut-sari na kahilingan ko?
Gaya tulad ng pagiging maligaya
Nang di matapos-tapos na pagsasaya

Alindog na maituturing ang isang tulad mo
Ikaw ang nagsilbing DATAPWAT sa buhay ko
Na tuwing nanaisin ko ang isang bagay
May kaakibat pa ring PERO na nakaantabay

Oo, malinaw pa sa malinaw na tubig
Ang iminumungkahi nitong aking pag-ibig
Na minsan di ko lubos inakala
Na may isang ikaw pala ang sa akin nakatadhana

Humantong na tayo sa pagkatuluyan
Naranasan na din natin ang salitang HIWALAYAN
Nagkalayo at nagbago ng pamumuhay
Matatagpuan pa rin pala kita sa paglalakbay ng aking buhay

Kulang ang salita na kayang ilabas ng bibig
Sa aking tila hindi matapos-tapos na panaginip
Ikaw itong nagsisilbi at nagmamarka sa akin
Sa kung anong buhay ang tinatamasa ko sayo at sa atin

Aminado ako na ako'y mahilig pang maglaro
Subalit ang bawat laro ko ay di ko maikukumpara sayo
Dahil papgdating sa isang tulad mo ay seryoso ako
Na kailanman di na magbabago kahit pa magtalo pa tayo

Ngayon alam mo na kung anong DATAPWAT ka sa akin
Isa kang PERO na di ko kailanman maaalis sa akin
Kung kaya't huwag na tayo magtalo pa aking IBIG..
Kaya kitang saktan PERO di ko to sayo GAGAWIN



-Madpro


https://phc.onl/#forbidden#/jx9rtnqG6oc
 

PUTANKINNAMALL

Eternal Poster
envy naman ako sayo :)
wala LODI. kasi ako lang ang MAHAL ng MAHAL ko. ^_^
napakalalim naman ng pagpapalathala mo ng kaukulang pakiramdam na nararamdaman mo ngayon LODI.

Bagamat di ko man mapagbibigyan ang kahilingan mo.. subalit taos puso naman akong nagpapasalamat at gumagalang sa sinabi mo ^_^
ang lalim ng pagkamakata mo ts..salute nuff raspect love you hahaha akoy uupo tapos napo
 

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,594
Guests online
1,363
Total visitors
2,957

Forum statistics

Threads
1,232,072
Posts
21,634,408
Members
1,615,859
Attachments
1,735,866
Profile posts
100,300
Top