What's new

Poems Alam Mo Ba

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
26,008
Solutions
6
Reaction
66,588
Points
16,673
Alam mo ba na sobra sobrang nakakahanga ka,
yung araw araw na binibigay mong atensyon at tiwala,
yung bawat binibigay mong bulaklak at sinulat mong tula,
nagbibigay lagi ng kulay sa bawat umaga,
laging pinapadama kung gaano ako kahalaga.


Di mo man naaaninag ang mga ngiti ko sapagkat tayoy malayo sa isa't sa,
nadadama mo pa rin sa mga sinusulat kong piyesa,
di hadlang ang anumang agwat at distansya
para sa ating dalawa.


Lagi mo lamang tatandaan kahit pa madaming umaaligid
at mga nagbabadyang balakid sa paligid,
wala pa ding magbabago
tanging ikaw pa rin at ako.


Kung ano tayo sa unang pagkakilala,
aasahan mong walang magbabago ni isa,
kung isang araw tadhana man ay paglayuin tayo
kung panahon man ay di akma sa pag-iibigang ito,
lagi mong iisipin ,na may isang tulad ko
na minahal kang totoo
at sobrang pasalamat ko dahil dito tayo pinagtagpo.




💚~Professora Akira~💚
 

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 238
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
Unknown user

Online statistics

Members online
1,030
Guests online
3,369
Total visitors
4,399
Back
Top