What's new

Closed Ako lang din pala

Status
Not open for further replies.

tikdawko

Addict
Joined
May 2, 2016
Posts
31
Reaction
9
Points
79
ang hirap pala pag mag isa ka lang
mag isang gumagawa ng paraan para ang iba'y iangat
sa lupa na kanilang binagsakan habang ako'y nasa taas
na syang tinitingala ng karamihan

ang hirap palang mag isip mag isa
di mo makuha ang kanilang mga ideya
para kang kumukuha ng kawit sa ilalim ng dagat
na alam mong wala din namang patutunguhan

ang hirap palang maghanap mag isa
sa mga bagay na mahirap makuha ng aking mga mata
sabagay mahirap din naman silang mahagilap
sa oras na ako'y natitigang at nahihirapan

ang hirap palang sumalo ng mga masasakit na bala
sa mga taong higit ang kaalaman sa isang asignatura
magbibitaw ng mga tanong na di ko kayang masagot ng aking isipan
na sa huli'y napapamukha akong katawa tawa't walang kwenta

ang hirap palang makitungo sa bawat isa sa inyo
napakahirap sapagkat sa "chat" lang tayo nagkakatagpo
kahit naman sa personal na'y ang hirap nyong magpakaseryoso
sa isang bagay na mas mahalaga pa sa pinoproblema nyo

ang hirap palang maging seryoso
dahil wala din namang silbi kahit na ako't nanlulumo
sapagkat lahat ng isip nyo ay sa iba pa nakapokus
sa halip na itong pinoproblema ko ang pinoproblema nyo

ang hirap palang umasa ng tulong
sa inyo na kasama ang inyong mga palusot
o kaya naman minsan dala ang iyong pangmamayang tulong
na napunta sa wala at ibinaon sa limot

mahirap bang magpakita ng kusa?
yan lang naman ang kailangan ko, tulad ng iba
nakakahili minsa't may isip, may kusa sila
na isa ding tulad nyo, ngunit parang kayo'y wala

mabuti pa'y nag isa na lang ako
kung alam ko lang na ganito ang sitwasyon ko
ako na gumagawa ng lahat para lang maisalba ang mga grado nyo
masasabi kong ako lang din pala ang sagot para sa kasiyahan nyo'y di maudlot

You left the group
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top