bakit minsan naging isang mahiwaga
mahirap nang isa walang bahala
ako nga lang ay natulala
sa salita pa lang talagang napahanga
bukod sa iniiwasan na kahapon
bigla na lang nagkaron ng imahinasyon
kahit san man magtungong direksyon
sa landas pa din na maliwanag ang atensyon
ikaw ba ang natatangi
kapag napapaisip ay napapangiti
nalilimot pati ang mga lumang gawi
sana ang iba ay wala nang masabi
hindi man makuha nang direkta
uukit sa damdamin ang mga dalang letra
punit man ay puno pa din ng sapat na pagasa
sa huli ikaw at ako pa din ang magsasama