What's new

Poems Akala Ko

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,953
Solutions
6
Reaction
66,402
Points
16,632
Dati noong unang sulyap ko sayo,
akala ko ikaw ay di marunong tumawa at
sadyang suplado

yung tipong di marunong magbiro
nangangamba tuloy ako minsan
kapag ako'y kinakausap mo
di batid anong isasagot ko.


Nang kalaunan aking napag alaman
na ikay sadyang suplado lang pala
tingnan
pero kapag napadalas na ang ating usapan
marunong ka din pala sumakay sa mga biruan,


Nasanay na din ako sayo
at di na naninibago,
,mali pala ang aking akala
ikaw pala ay masaya din kasama,
Kaya siguro minsan nakakamiss
din kapag di ka nakikita.



Sana lubos pa kitang makilala,
marami pa kasing tanung na nais
kong masagot mo
mga tanong sa iyong totoong pagkatao,
ewan bakit bigla na lang
ikaw ang napag interesan
simula ng malimit nating kwentuhan,



Siguro kasi ang bilis mong makakonekta
sa mga bagay bagay
at madalas tumutugma din naman
ang sarap mo maging kaibigan
kasi sayo madami na akong natutunan.














❤️~Professora Akira~❤️
 

Similar threads

Back
Top