Guys pa help po. Ano po kaya possibile na sira ng laptop ko?. Nung March bigla nalang hindi sya mag power on, tapos naka 3 na try lang ako na ulit nabuhay na sya. Tapos Ngayong week nagka ganun ulit may power pero hindi sya nag boboot kaya nag decide na ako na baklasin sya para linisin yung ram at tanggalin yung HDD, maraming beses ko sya inulit hanggang sa nag boot na ulit akala ko ok na tapos nung bubuhayin ko ulit hindi na naman sya nabuhay. Binaklas ko ulit sya tapos itry ko sana tanggalin yung cmos battery kaso hindi ko makita, kaya ang ginawa ko nalang ulit is linisin po ulit yung ram at yung HDD. Nag boot na ulit sya pero sa BIOS pumunta tapos inayos ko yung settings at nag boot up na sya. Para kako sure na hindi na ok na sya . Pinatay ko sya at binuhay ng 3 beses, Sabi ko ay Ok na sya kasi nakailang buhay na sya successful naman. Tapos ng bandang hapon po hindi na naman sya nabuhay hahahah. Ang weird hindi ko po alam kung ano may problem. Baka po may naka experience na sa inyo nito?
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.