What's new

Closed "White sand" sa Manila Bay, maganda ba?

Status
Not open for further replies.
Dinurog daw yun na dolomite, ano ba kaya magiging positive impact niya? At negative impact din niya kung meron man?
dolomite.jpg
 

Attachments

[XX='awinahe, c: 299615, m: 58492'][/XX] Para ka naman kung sinong expert. mas magaling kapa sa mga engineers.
 
Nagpapatawa ka ba bata, so yng materyales na yan ang ginamit galing pang US..Safety data sheet po yan ng product nila na galing US..magkakaiba po ang prodokto ng bawat supplier itong produkto nila makikita mo na man nakalagay kung saan applicable nakasulat na magbasa ka hindi ito ung pure refined ito ung na pulvurize may kasamang dust
Ang hirap tlaga pag wlng alam sa mga materyales
Alam mo ba ang ibig sabihin ng safety Data sheet bata at kung ano ang purpose nito? Bkt ito kailangan?

why do you need to make 3 posts for answering one? problem ordering your thoughts? Or you just need a lot of time to try to think? Each time you post something you always do it in several posts as if you have many things to say but in reality kunting lang plus not that interesting... other gave good info about dolomite sand
i don't care about this sheet... what I am saying is that the dolomite sand put in manila bay is the one used for construction as it comes directly fom Cebu mine. Plus, it was extracted without consent of the LGU and without any impact study on the environment


Now, here the bandaid solution to avoid this "sand" to be totally washed away :mad:

1600859838271.png

Sandbags were placed along the shore of Manila Bay where the crushed dolomite were dumped as part of the DENR's beautification project.

1600860581287.png

... at basura pa more!!


I guess these sand bags is the “engineering intervention” they talked about at the start as they responded to questions on sustainability of the dolomite rocks at Manila Bay? it’s an engineering marvel!
But maybe they are not just ordinary sandbags. It can boost our immune system, enhance our senses, increase our mental capacity, with Kojic Acid, Glutathione, Papaya Extract, Guava Extract, Seaweed Extract, Salicylic Acid, Rosehip Oil, and Vitamin C.🤣
 

Attachments

Last edited:
As i said ung MSDS na ginamit dito ay iba basahin mo nga bata kung anong company ang may ari nitong safety Data sheet? Ang nakalagay Lehigh Company so in short ito ay materyales galing US gets mo ba bata? Ang dami mung cnabi anlayo namn sa usapan
 
Kung hindi mo pa alam ung Engineering intervention ipapaliwanag ko sau ng simple, Ang ginamit nila Dito ay ang tinatawag na Geotextile tube ito ay iniinstall sa paligid ng area na dapat protektahan sa malalakas na alon o kaya sa mga bagyo para itong humps na pumipigil sa malalakas na alon un ung makikita mung kulay pula na tube na nakapalibot sa manila bay..ung sand bag na pinaghihinalaan mo na un ung intervention na sinasabi mo ay temporary lng un para di kumalat ung tinambak na white sand makikita mo namn na natatanggal na diba...oh ayan tagalog na yan ha wag puro hinala aral aral dn
 
He he. Di ko masyadong pinapansin yung detalye ng mga balita ngayon pre, pero yan ba yung engineering intervention nila na sinabi sa media? Temporary sandbags na single line? Di yan yon pre! Baka land markings yan sa topography mapping at shoreline study. Pwede naman yan sa initial phase para i-check at pag-aralan yung natural flow ng beach sand transport sa kanilang present dredged shoreline sa low tide at high tide at storm surges kung sakaling may dumating. And from the study, they'll re-adjust the level again.
Ang alam kong erosion prevention ay yung adjustment ng levels ng sand dunes, at tamang combination of seawall, groins and jetties (sand traps) para ma-control yung flow ng sand levels sa area na kanilang pinupuntirya at hindi ma-expose yung "artificial" sand na ginamit, at mag-mix sa natural sand and ocean waves. Mahirap isiping maging natural dolomite-LST-looking yung beach starting from the bay water at all times unless isolated/undisturbed yung dolomite area in all natural cases (especially typhoons/hurricanes/heavy rainfall/flooding). Kung mala-Boracay yung kanilang plano, taon pa ang bibilangin. Sa akin, papalakpakan ko sila kung magawa nilang storm prone yang artificial beach na yan ng walang dagdag gastos kailanman! Yan yung challenge sa kanila.
Alam natin rin na yung Manila Bay Area ay tumataas ang sea level ng 13.2mm kada taon hanggang 2018, at mas mataas na siguro ngayon kaysa dyan or 4X daw compared sa global average. Though unrelated, Manila is also sinking due to excessive groundwater extraction - same case as Indonesia.
Doon naman sa issue ng complaints ng Cebu local government, standard naman yung payment ng mining tax na not over 10% ng market value per cubic meter of quarried material. Kargo na yan ng mining firms dahil may basbas na sila ng DENR at MGB. At di na kailangan pang magpaaalam dahil nga may permit to mine na yung DMC. Di na dapat pinahaba pa yung istorya (ng kung anu-anong rason) dahil hanggang pagtanggap lang ng tax ang responsibilidad ng local government, at yung DMC has a legal license/permit to mine the dolomite quarry from DENR/MGB up to 2030. That's how it works in reality - sorry for offending some of you. Sa minahan, yung 7000 tons of rock is a small amount if you're in the industry. Ang liit na area nyan. Pang isang araw lang yang consumption ng isang cement plant as an example. Kalokohan din yang sinisingil na P726,923.077 (for 7000 tons extracted). Ikumpara mo lang doon sa +300m peso Manila Bay project! May mali yata?
It's understandable that mining rocks affects wildlife, may create landslide etc. Kung delikadong magmina, bakit pinayagan yang DMC to mine for 25 years up to the year 2030? Di ba alam ng Cebu government yan - for what reason Gwendolyn Garcia ? Sana pinasara na nila yan noon pa if they know it is dangerous. Kapag ganito ang balita galing sa mga nakaupo sa gobyerno, dapat bigyan ulit ng briefing at di nila alam yung normal na proseso ng pangangalakal - nakakahiyang pakinggan.
 
Hindi naman magiging stable yung artificial white sand na yan dahil sa mga sandbag lang. hindi din naman pwede na nandyan lang kasi hindi kaaya aya na tignan. sayang napakamahal pa naman ng buhnagin na yan
 
fake news nanaman, di pa tapos tambakan ng white sand yang parte na yan. nakakailan na ng fake news to.
hahaha... the only thing you can to defend your poon is "fake news"!!! even if it's all over the news from all kinds of news networks!!

FYI, 90 percent of fake news come from duterte side! like this one:
screenshot-twitter.com-2020.09.25-12_19_30.png
 

Attachments

He he. As another 3rd party observer, there's always a good side and a bad side basta tungkol dyan sa Manila Bay (MB) area. Umpisa pa lang pinapansin yung pagpapaganda dyan ay inuulan na ng batikos. At least ngayon ay inumpisahan at patuloy na nating linisin. Dekada ang bibilangin kung "sakaling" maibalik man lang sa previous natural state ang Manila Bay - which is still a dream! Hanggang tolerable conditions lang ang maabot nyan dahil ang nakapaligid/nakadugtong sa area ay source of uncontrolled pollutants. It takes time to heal, eka nga. Kaya malaking pasensya ang kailangan natin para matupad yung pangarap yung kalinisan ng MB. Bantayan lang natin ang gobyerno para hindi masayang yung perang ginagastos para dyan.

At ang alam lang natin pre sa ngayon dyan sa kulay ng Manila Bay due to algae issue (?), ang pytoplanktons caused by Harmful Algal Blooms (HAB) ay seasonal at natural phenomenon sa bay area - sa malinis man o maruming kundisyon. At yung kulay ay depende na rin sa pollutants, physical/chemical properties ng tubig at reaction ng mga "involved" organisms doon, na maaari ring hindi dala ng HABs. Ang maaring warning nyan sa atin, panahon na ng "red tide" at pagdala ng lason sa talaba at tahong na nagdadala ng gastrointestinal and neurological illnesses sa atin kung kakainin, may dalang iba pang toxins yung mga lamang dagat, marumi na ang dagat, maaaring mamatay yung mga organismo dyan dahil sa oxygen depletion or the color isn't much of a concern to us....etc. Kung papansinin natin at hahanapan ng solusyon ay mas mainam. Kita mo't ang daming eksperto na pinag-aaralan yan noon pa, pero iba-iba pa rin yung interpretasyon. Kalikasan lang parati ang nagbibigay ng tamang sagot para matuto tayo at mag-iisip!
 
Yang "Fake News" pre ay laging binabalutan ng misteryo at malim na kahulugan. Meron balitang totoo, malapit ng kaunti sa totoo, half-truth, walang saysay, walang katotohanan, gawa-gawang istorya/tsismis para pansinin/umpisahan ng ibang mga puna, propaganda at mga iba pang political strategies (planned/unplanned), may malalim pang kaalaman na dapat hanapin.....at marami pang iba. Kung hindi ka handa, hindi mo siyasatin ang puno't dulo, hindi mo alam kung saan dapat maghanap ng ibang impormasyon, wala kang malaking eksperiyensiya/kaalaman sa pinag-uusapan, madali kang madala ng daing ng nakararami bago mag-isip....ay madadala ka ng mga istorya na mababasa mo at maririnig.

Itong Manila Bay project na maganda naman ang hangarin (per se) ay naging bukambibig ngayon dahil may nakitang mga butas para ito'y imbestigahan - wrong timing, not needed at the times, hazardous to people and environmental, etc. Sinamahan ng media, politika at mga negatibong pahayag ng ibang sangay din ng gobyerno kaya gumulo na. Ang problema, hindi nila hinarap at binantayan ng maayos at ipaliwang yung mga puna sa kanila para ipagtanggol yung proyekto. !

Ito yung mga yan na dapat ay nagkakaisa sa kanilang proyekto para maunawaan ng tao:
Code:
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Local Water Utilities Administration (LWUA), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Philippine Ports Authority (PPA), Department of Budget and Management (DBM), Philippine Coast Guard (PCG), the Philippine National Police (PNP) Maritime Group, and the Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa MSDS hazard issue pa alng, pasok na dapat yan dahil wala namang paraan para ma-aerosolized yung dolomite-lst kung applied lang yan sa beach replenishment - sa tigas ng hardness nyan susmaryosep! Yung latak na alikabok nyan ay manggagaling lamang na tira-tira after it is crushed (sa LST crusher+ mills +separators ng plant) to a product size of 2 - 5mm. Bukod doon ay wala na. Isang splash ng tubig ay wala na yan dahil sa solubility at quantity rin nito habang mag-settle down sa spaces ng layers. Kung tutuusin, para na yang marmol at hindi "polvoron" he he. Ito yung known fact na pinatagal pang ipaliwanag ng maayos sa isip ng tao, naging isang malaking issue na pinuna ng "DOH", pinadaan/pinaniwalaan pa ng senado at binawi rin ng DOH sa huli? Anong klaseng mga propesyonal ang mga ito? Kung ano pang masamang dulot nyan ay open na naman for debate sa klase ng mga namumuno natin. Wala akong pinapanigan pero ito yung nakikita kong kaledad ng impormasyong sumisira sa tamang pananaw ng mamamayn. Kung limitado ang kaalaman mo ay di maiintindihan ang ibig kong sabihin. Yan yung totoo sa nangyayari ngayon.

Yung project ay dumaan sa normal na proseso, hanggang makarating Manila Bay. Lahat ng minahan (quarrying) at processing (mills) sa bansa ay kumukuha ng one-time license, say for 25 yrs to mine and process raw materials sa local government+DENR/MGD. DENR/MGB usually monitors them at this period to make sure they abide with the contract. Local government only gets the 10% taxes! Hindi na kailangan ng abiso sa local gov't kada pagmina. "Pero" kung marami sa mamamayan doon ang umangal sa pagmimina, at may sapat na dahilan, may karapatan ang local gov't na ipatigil yon. Yung environmental impact nyan na complaint ay nakadikit rin sa DENR (c/o MGB/DMC/PMSC) dahil sila yung may responsibilidad doon, na nagkataong sangkot dito sa proyekto. Lalong gumulo he he. Yang Manila Bay 500-meter Beach Replenishment Project ay hindi pa tapos, kaya marami yang pagdadaanang mga problema hanggang maisaayos nila.

Kung ano pang masamang dulot ng proyektong yan ay open na naman for debate sa klase ng kaliwa't kanang balita at mga pahayag ng namumuno sa atin. Wala akong pinapanigan pero ito yung nakikita kong kaledad ng impormasyong sumisira sa tamang pananaw ng taumbayan. Kung limitado ang kaalaman natin ay di maiintindihan ang ibig kong sabihin. Yan yung totoo sa nangyayari ngayon - walang pagkakaisa sa bawat panig. Yung Fake News ay nasa pananaw na lang ng nagbabasa o nakikinig.
 
[XX='alist1986, c: 328433, m: 252988'][/XX] ang una kasi nilang kinukunan ng pahayag sa news ay ung mga anti sa proyekto na wla namng pagaaral sa ginagawang proyekto
 
"Good intentions, bad idea"... sad, kasi kung di nagka pandemic siguro this useless project will pass through sa mga kritiko.

They could have atleast try to get ideas from iloilo esplanade or singapore wetland reserve.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top