What's new

Closed What to choose between iPhone or an Android phone?

Status
Not open for further replies.
Mag-Android ka na kung hindi naman camera masyado ang habol mo, lods. Para sa 'kin mas oks kasi Android smartphones in terms of battery una sa lahat s'yempre ta's in terms of everything else haha lalo na kung mahilig kang mag-explore ng apps (lalo na kung hanap mo ay yung may mod) and such. Marami kasing restrictions ang iPhone/iOS kaya di mo gaanong ma-eenjoy kung mahilig ka mangalikot gaya ko.
 
as much as I despise apple products, Iphone chipsets are much faster than Android's standards may Iphone ka na sa price range na yan, if 20k naman sa android, hmmnn pwede ka tumingin ng past years flagship phones or tambay ka sa 2020 mid range section, formidable yung mi note 10 lite at yung 5g phone entry ni redmi sa midrange eh nalimot ko lang pangalan nun pero yung chipset niya is yung new chipset mula mediatek, dimensity 820 yun 400k benchmark score explore ka nalang pero yan mga suggestion ko check mo rin realme 6 pro goods din sa performance , ang OA nga lang ng ai sa camera nila
 
Cohesive kasi Apple sa software kaya parang mabilis chipset nila. May bad experience kasi ako sa Mediatek processors dati kaya skeptical ako sa mga phones na gamit yan although they argued na may improvements, di parin ako convinced. Baka mag 2018 flagship siguro ako. Hmmmm. Let see. Kaya maganda magbasa ng opinions ng iba eh. Hahahaha. Thanks for this.
 
Yes. Hassle talaga. Pagdating sa models, wala akong specific na ma-suggest pero ang dami talagang naglalabasan ngayon na magaganda. Hahaha kung di ka naman maselan sa brand names (yung iba kasi maselan), tingnan mo lods yung mga bago ng Redmi tsaka Realme. Mga mura at sulit.

Kung kino-consider mo rin yung brand name and magandang cam pero di ka naman heavy gamer, tingnan mo rin yung flagship phones ng Nokia. Zeiss ang gamit nilang lens sa flagship phones at ibang mid-range phones nila. Balita ko maganda raw Zeiss since ka-linya din yata yun ng Sony.
 
Totoo 'to. Hahaha Android user talaga 'ko mula noon pero napilitan akong gamitin nang ilang buwan nakatenggang iPhone sa bahay nung nasira yung Android phone ko. Labag sa loob ko gamitin yung iPhone kasi sobrang hassle talaga.

Based on my experience, hindi ako makaalis sa bahay na walang dala na charger. Tapos pakiramdam ko walang silbi iPhone ko kapag walang net hahaha para lang akong gumagamit ng basic phone pang-tawag at text na may maganda lang na camera since I can't really do much sa iPhone kapag walang net. Di kasi siya gaya ng Android na marami kang apps na pwedeng makalikot kahit wala kang load o net. Gaya ng Messenger. Di ko magamit Messenger app noon kapag walang load. Sa browser pa dapat mismo. Ewan ko lang ngayon. Hassle din magpasa at mag-edit ng documents online lalo na kung estudyante ka o importante sa'yo yung ganito. Hindi ko ma-utilize masyado yung full potential ng phone kapag iPhone ang gamit ko. Sa camera lang ako nagandahan sa iPhone kaso ayun nga lang di rin naman ako talaga gumagamit ng camera halos kaya wala rin silbi.

'Di ko naman sinasabing totally pangit ang iPhone pero di lang siguro talaga para sa 'kin since ang habol ko sa phone ay tipid and yung ma-uutilize ko talaga nang sagad.
 
Android ka na ts. 20k na naman budget mo matino na camera ng mga android phone na ganyan halaga.
Mas User friendly pa ang android compared sa iphone.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top