What's new

Weird noises?

Magalaga ka ng pusa sir...ilag yan mga spirit sa pusa pantaboy din...lagi nyo tambayan sa taas magmusic kayo....
 
Wag mong takutin sarili mo boss bahay nyo nya dapat feel at home ka lagi di yung gagawin mong katatakutan yung bahay nyo. Meron din ganyan samin pagpatak ng gabi parang may naghahabulan sa kisami namin nong medyo na iirita na kami ginawa ng tatay ko nag lagay ng lason ng daga sa taas ng kisami namin yun nawala pero never namin inisip na multo yun ganung bagay kung iisipin mong kasi multo yun ikaw din matatakot. Gawan nyo lang ng paraan boss o kaya wag nyo pansinin tsaka kung lagi mong inisip na multo man yan magiging multo talaga yan sa pag iisip mo
 
icctv mo ts. Ako nakakita ng multo tlga pauwi na sa bahay namin . naka tayo sya sa sirang bahay d ko makita ulo at paa d ko ma explain sobrang labo tlga d nmn malabo mata ko. hangng ngaun naiisip ko pa din un 😂
 
hmmm. lagyan kaya ng sound recorder before 7 baka may makuha ibang sounds na hindi sagap ng tenga natin.
 
Di ka magagalaw nyan kung malakas ang paniniwala mo sa Diyos. relax kalang at lagi mo isipin na mas malakas ang Panginoon mo kesa jan. simple pero effective.
Madalas sa lapitin ng multo ay mahina ang maniniwala. Wag nyo rin ipoprovoke. Dasalan nyo nalang hehe

Lagyan mo cctv . Pag tingin mo ikaw lang matatawa sa sarili mo 🤣
tropa ko ganto takot sa bahay nila. daga lang naman naglalaglag ng gamit nung vinideohan ahahahahahahha
 
Baka sa structure ng bahay kap, share ko lang when i was working in bpo company may creepy scenario na parang may kumakatok sa loob ng stockroom ng tubig namin naririnig namin yung katok kasi tabi lang ng pantry namin, mga 8 to 9 meters mula sa entrance ng floor namin, nalaman ko lang na yung katok na ingay ay gawa ng entrance kapag may pumapasok na tao bali koneltado sya don kapag binubuksan yung pinto, sinabi lang din ng maintenance namin, so para sakin kap baka sa structure lang. Sana makatulong kap.
 

Similar threads

Back
Top