What's new

Walang Kwentang Health Card (last rant)

Status
Not open for further replies.
Nagtuturuan na kung paano ba makakakuha o papaano ang tamang paggamit ng Health Card para sa mga hindi bakunado.. DILG at DOTr ano na?

Sa kabila ng parami ng parami ang tumututol sa "no vaxx, no ride" kahit na si Mayor Sarah Duterte maging ang ilang opisyal ng NCR ay tumututol narin.. eto nanaman ang panibagong kalbaryo ng mga hindi bakunado ang "Health Card" bow! Yan daw ang ipapakita ng mga pasahero na hindi pa bakunado at hindi pa fully vaccinated para makasakay ng pampublikong sasakyan. Ang kaso isang araw lng daw validity? At wala pa raw malinaw kung ano ba o saan makakakuha nyan..

Sa tingin ko ang nangyayari ngayon ay testing sa NCR bago implement sa ibang lugar.. kaya hindi pa ma implement sa labas ng NCR ang "no vaxx, no ride" dahil tinitignan muna nila ang magiging resulta at ma itama ang mga pagkukulang at kamalian.. magandang sunod na gawin ng gobyerno itaas sa Alert level 4 para maging issue ulit ang faceshield.. Para lahat happy na.. 😁

Huling rant ko na to sa Gobyerno.. masyado kayo nagmamadali magpasa ng mga restrictions pero kulang-kulang naman sa abiso at paghahanda. Hindi kayo handa aminin na ninyo.. parang may kapag may naisip kayo bigla-bigla nyo lang iimplement. Yung mga Metro Manila Mayors kayo nagpasimula nyang "no vaxx, no ride" namnamin nyo mga hinaing ng tao sa ginawa ninyo.
 
hindi ba pwede gayahin na lang ginawa ni martin luther king jr. nung 1955 during his bus protest
He urged his people maglakad na lang, bakit sasakay pa sa bus....
 
Last edited:
Baka Sunod nyan No Vax no Vote 😅
Mas lalong magkakagulo.. Sa bagay kailan ba naging payapa ang election? O ng Gobyerno ng tao? Kahit sino naman mamuno hindi kaya solusyunan ng pamamahala ng tao ang mga pangunahing problema ng ating bansa. Buti na lang walang pamimilit na bumoto yung mga ayaw bumoto. Wala rin naman kasi magbabago.

hindi ba pwede gayahin na lang ginawa ni martin luther king jr. nung 1955 during his bus protest
He urged his people maglakad na lang, bakit sasakay pa sa bus....
Papahirapan pa nila mga sarili nila para mapansin ng nasa taas? Ibang-iba na ang panahon natin ngayon. Karamihan naman na sa mga namumuno ngayon eh may mga matitino at nakikinig sa mga hinaing ng mga tao. Kapag ganyang hindi nagkakaisa sa isang polisiya ang mga namumuno ibig sabihin may kinakailangang gawing pagbabago. Napakadali na ngayon maiparating sa mga namumuno ang mga hinaing ng mga tao basta kailangan mo muna magpaka-artista yung kailangan tumulo muna luha mo bago ka pakikinggan. Malaki rin tulong ang Media kahit papaano.
 
Mas lalong magkakagulo.. Sa bagay kailan ba naging payapa ang election? O ng Gobyerno ng tao? Kahit sino naman mamuno hindi kaya solusyunan ng pamamahala ng tao ang mga pangunahing problema ng ating bansa. Buti na lang walang pamimilit na bumoto yung mga ayaw bumoto. Wala rin naman kasi magbabago.

Papahirapan pa nila mga sarili nila para mapansin ng nasa taas? Ibang-iba na ang panahon natin ngayon. Karamihan naman na sa mga namumuno ngayon eh may mga matitino at nakikinig sa mga hinaing ng mga tao. Kapag ganyang hindi nagkakaisa sa isang polisiya ang mga namumuno ibig sabihin may kinakailangang gawing pagbabago. Napakadali na ngayon maiparating sa mga namumuno ang mga hinaing ng mga tao basta kailangan mo muna magpaka-artista yung kailangan tumulo muna luha mo bago ka pakikinggan. Malaki rin tulong ang Media kahit papaano.
abah eh ganyan talaga, kung nasa maynila ako ganyan ang gagawin ko, mag-organize ako ng ganyan para may ginagawa rin ako, hindi yung rereklamo lang ng reklamo, puro hinaing hindi naman kaya humarap sa consequences... sa tingin mo ba may saysay yang rant mo sa kanila... kung gusto nila makinig sayo dapat sana MATAGAL NA
ayaw nyo mahirapan gusto nyo dumaldal lamang, tawa lang ako sa inyo

but I'm sure wala naman sasama kahit mag-organize ako ng ganyan, dahil ang gusto nga ng tao ay ngumawa, hindi gumawa

basta kailangan mo muna magpaka-artista
ganyan ba henerasyon nyo? wala ako masabi kundi... "put*G**"
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
oopss... sorry

bahala ka dyan
unwatch thread, nakakadismaya mga kabataan ngayon, di kagaya namin panahon ni marcos handang mamatay sa paninindigan, hindi gaya ngayon iiyak lang at magaartista
 
Sapat na ang tamang pagsunod sa mga batas at hindi sakit ng ulo ng mamamayan. Hindi ko kayo pinipigilan bumoto. Kung sa tingin nyo ang solusyon sa problema ng ating bansa ay sa pamamagitan ng pagboto ipagpatuloy nyo lang. Kung mapapansin ninyo wala sa namumuno yan nag uumpisa lahat yan sa mga sarili natin..

Meron itong saysay hindi ako umaasa na pakikinggan nila ako o mababasa nila ito. Ang main purpose ko kung bakit daldal ako ng daldal para to sa mga makakabasa dito sa forum para lang maging aware sila sa mga nangyayari. Malay ba natin isa sa mga member dito ang susunod na Mayor, Senador o maging Presidente pa nga. Gusto kong maging aware ang iba sa mga nangyayari sa paligid yun lang yun. Malaki rin ang nagagawa ng salita. Kung gagamitan namn natin ng gawa ipapaliwanag ko na lang sa ibaba...

ganyan ba henerasyon nyo? wala ako masabi kundi... "put*G**"
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
oopss... sorry

bahala ka dyan
unwatch thread, nakakadismaya mga kabataan ngayon, di kagaya namin panahon ni marcos handang mamatay sa paninindigan, hindi gaya ngayon iiyak lang at magaartista
Kung gagawin natin ang pag protesta.. lalabas.. magkukumpulan lalong magkakagulo at posibleng magkahawaan hahantong pa sa super spreader event. Kahit papaano iniisip din ang kapakanan ng iba at may respeto parin sila sa gobyerno. Iisang polisiya lng naman ang problema isang sabi lng ng pangulo na "itigil na" edi wala ng dapat pang pag usapan. Konting tiis na lang din naman kahit papaano may konting magaganap na pagbabago pero hindi ibig sabihin nun na magwawakas na ang paghihirap..

Kahit na hindi mo na to mababasa pero itatanong ko parin ito dahil may punto akong nais ipaalam.. ano gusto mo gawin ng mga taong tutol sa isang polisiya ng gobyerno? Malawakang protesta? Kapag nagkaroon nyan hindi naman masisisi ang gobyerno ang masisisi yung mga nagprotesta dahil nasa panahon pa tayo ng Pandemya. Nilulugar din kung minsan ang tapang huwag lang sugod lng ng sugod. Yung mga unvaxx ngayon kakaunti na lang sila kaya napaka walang kwenta pa gumawa ng mga restrictions na yan.
 
Last edited by a moderator:
Iisang polisiya lng naman ang problema isang sabi lng ng pangulo na "itigil na" edi wala ng dapat pang pag usapan
ayun, dyan tayo nagkasundo
Nilulugar din kung minsan ang tapang huwag lang sugod lng ng sugod
same mo rin naman, wala ka rin sa lugar... ano ba magagawa ng rant mo dito? your rant will only fall in deaf ears here dahil hindi rin naman ito ang ahensya kung saan ka pwede at dapat magreklamo
since wala din naman patutunguhan dumaldal ka man ng dumaldal, at kahit magrebolusyon ako wala rin naman sasama sa akin
so ilagay natin sa lugar...
lock thread... ayan nasa lugar yan
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top