What's new

Walang byahe Lrt 1

Pansamantalang walang biyahe ang LRT-1 sa ilang mga estasyon nito dahil sa napaulat na power failure sa Baclaran Station, as of 1:30 p.m. ng April 13.

Mula Roosevelt hanggang Vito Cruz stations lang ang biyahe pa-southbound, habang mula Gil Puyat hanggang Roosevelt naman ang biyahe pa-northbound. Bibigyang-daan ng limitadong mga biyaheng ito ang pagsasagawa ng full assessment at site repairs ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).

"Rest assured that our team is working fast to resolve this issue and safely resume normal operations," pahayag ng LRMC. #News5 | via Gerard de la Peña
 
Back
Top