What's new

Uunlad paba tayo?

potassium101

Eternal Poster
Established
Joined
Jun 17, 2019
Posts
671
Solutions
2
Reaction
167
Points
265
sa tingin niyo may pag asa paba tayo umunlad?

sa tingin ko mahirap tayo umunlad hanggang sa hindi tayo makakahanap ng presidente na walang partido partido at mga pang saliri lang ang iniisip.

2016 election excited ako kasi may uupong matapang at hindi galing sa Liberal Party. excited naman makita na kahit papaano eh may improvement sa ating bansa nanjan yung more on police visibility mga NCRPO na madalas umiikot sa mga police precinct para i check kung natutulog ba ang mga police etc etc. and nabawasan yung crime rate nung si Duterte yung umupo dahil takot din yung mga may balak gumawa ng hindi kanais-nais.

pero may mga inassign siya na biglang nag laho na parang bula nanjan yung may mga kaso like philhealth and deped noon na malaking pondo ang hiningi pero wala naman tayong nakita and over pricing. hindi ko sinali dito yung pandemic dahil halos lahat naman na bansa eh nagkaproblema dun. pero may mga official (mayor, brgy chairman) ang nagkaroon ng bad records sa mata ng taong bayan dito. etc etc.

ngayon si Marcos na ang umupo after 1 year eh parang lalong tumaas yung mga presyo ng bilihin. which is useless din yung pag taas ng sahod gawa ng mataas din ang bilihin ang kawawa ay yung mga walang regular na trabaho. pati yung kay VP na confidential funds daw which is dapat walang confidential funds kasi nasa goverment sila and pera ng taong bayan yun. nanjan din yung mga police na abusado ngayon. ang daming kaso ng organization nila ngayon. nakakatakot kasi mga matataas na official pa ang pasimuno sa îllégâl activity. and mga proteksyon na mga îllégâl dito satin. ako sure ako may mga generals and may mga nakaupo sa malacanang and mga judge ang proteksyon nito. sa madaling salita halos lahat ng agency dito satin ay involve na sa îllégâl activity dito.

nakakalungkot lang na parang wala na tayong pag asa umunlad parang lahat iniisip ay pang saliri lang nila.
 
sa tingin ko lng naman ang basic na problema ay sa atin mismong sarili ,bakit? ultimo pagtapon lng ng basura eh hindi na kayang sunduin paano pa kaya kung nasa itaas kana o may malaki kana hinahawakan.
 
This is another topic. Kung gusto natin umunlad ang pilipinas umpisahan natin sa saliri natin sumakay sa tamang sakayan at bumaba sa tamang babaan if may bumaba na dalawang kanto lang bagitan sayo baba kana rin walk trip ng ilang mins para yung kasunod na sasakyan eh hindi maabala ng sunod na kanto lang
 
hindi isang president lang ang magpapa-unlad sa Pinas boss, it would be a series of presidents, nangyayari kasi is walang continuity, minsan tayo magkaroon ng magaling pero sundan ulit ng bo̾bo back to zero na naman, atras abante kasi
 
hanggat hindi nagiisip ang mga tao na iluluklok nilang leader ng bansa wala ng pag asa umunlad ang pinas realtalk sinayang nila yung pinaghirapan ni pnoy hindi ako maka aquino pero pwede nyo iresearch kung ano ang estado ng pinas noong panahon ni pnoy vs sa pamamahala ni digong at bbm.
 
ang alam ko sa panahon ni panot is siya ang commander in chief ng mga SAF at hindi naging special yung action at force nila
 
part na ng Culture ang corruption and betrayal sa Pilipinas..sad to say, wala na talgang magagawa, kahit ubusin mo pa governing agencies ng pilipinas para ireform, meron gahamang my kapangyarihan na mag aabang at mag aabang sa pwesto, either sya or mga puppet nila para mkalamang at mkapwesto sa kapangyarihan.

Kaya Sugal na talga ang pagboto.kahit sino pa maupo jang Presidente. unless, talgang matututo ang tao na kahit papano yung tunay na qualified sa job ang iboboto kahit papano fit sa job, hindi yung hindi na nga fit sa job, corrupt pa. double kill tayo jan. mas okay na sumugal sa experienced at relevant ang experience.
 
Umuunlad naman ang pilipinas ah kaso nga lang mabagal. Atsaka Di lang naman ang presidente ang dahilan kung bakit makupad ang pagunlad eh, and wag natin e-asa sa presidente or pamahalaan ang lahat. Aminin na lang natin na basura talaga ang mga pinoy noon at hanggang ngayon
 
Last edited:
Di lang naman ang presidente ang dahilan kung bakit makupad ang pagunlad eh, and wag natin e-asa sa presidente or pamahalaan ang lahat. Maaminin na lang natin basura talaga ang mg pinoy noon at hanggang ngayon
while i agree that each one of us can contribute, it is still the office of the president ang may pinaka malaking expected contribution since the office has direct control of things as compared to ordinary citizens, ako marami ako gustong gawin sa pinas but i don't have the highest powers vested in me
 
ang alam ko sa panahon ni panot is siya ang commander in chief ng mga SAF at hindi naging special yung action at force nila
ano naman kinalaman nun sa pagunlad ng bansa?mission yun para hulihin yung terorista pumalpak lang dahil naipit sila pero suicide mission na nangyari at mission accomplished yun dahil napatay nila yung target
 
pag siguro natuto ang mga pinoy mahalin ang pilipinas, doon lang tayo uunlad. yan nman ang kulang kaya hindi naunlad ang pilipinas eh. kasi kung mahal ng mga pilipino ang pilipinas, hindi tayo boboto ng mga **** at corrupt, hindi masasayang yung mga pinagpapaguran nating tax sa mga walang ka kwenta kwentang bagay. hindi isang presidente ang makakapag pabago sa pilipinas kundi mismong tayo.
 
ano naman kinalaman nun sa pagunlad ng bansa?mission yun para hulihin yung terorista pumalpak lang dahil naipit sila pero suicide mission na nangyari at mission accomplished yun dahil napatay nila yung target
so you mean security of a country is not important in its own progress boss?
 
bat kase pag unlad eh presidente agad ? madami na nga akong nakitang anomalies in multiple government agencies eh, mahalagang parte ang presidente Oo pero nandun parin yung mindset ng tao.
 
bat kase pag unlad eh presidente agad ? madami na nga akong nakitang anomalies in multiple government agencies eh, mahalagang parte ang presidente Oo pero nandun parin yung mindset ng tao.
ikaw boss meron kang mindset pero hanggang saan ba ang powers mo na makatulong sa progress ng bansa? if ikaw naging presidente tatanungin ulit kita this time hanggang saan na nga ba powers mo na makatulong sa progress ng bansa? ako third party ako boss so saan ba ako mag-e-expect ng mas malaking magagawa mo? yung plain citizen ka ba? or yung president ka na
 
make it bulleted or numbered and I will answer it one by one para kase akong nag babasa ng nobela make it clear and I am willing to give my precious opinion.
 
Similar threads

Back
Top