Ang pagpapa aral at pagbuhay sa anak ay Obligasyon ng magulang. Pero ang pag tanaw ng utang na loob ng anak sa mga ibinigay sa kaniya ng magulang nya sa paraan ng pag tulong sa magulang ay isang pagpapakita ng Respeto at Pasasalamat at hindi kailan man isusumbat sa anak.
Pero meron din tayong mga sitwasyon na kung saan ang mga magulang ay Isinusumbat ang mga ibinigay nila sa anak nila na kung saan para saakin ay hindi tama.
Kaya kung Anak ka, mas magandang tumulong sa magulang na hindi labag sa iyong kalooban.
At kung Magulang ka, wag mong isumbat sa anak mo yung mga bagay na ginawa at binigay mo sakanya. Never magiging tama ang manumbat. Kung wala mang utang na loob ang anak mo sayo ay kahihiyan nya iyon at hindi sayo.