What's new

Utang na Loob ba ng mga Anak ang Pagpapa-aral at Pagpapalaki ng Magulang?

Obligasyon sa parents na pag aralin ang mga anak nila mula elementary hanggang secondary pero pag college hindi na yata. Kaya kung nakapagtapos ka sa pag aaral sa college at naging succesful ka na, utang na loob mo yan sa mga magulang mo lalo na kung nagungutang sila para lang may allowance ka or pambayad sa mga projects mo.
 
Last edited:
Best answer
liberal mentality brad ah! Tatay ka na ba? Subukan mo magtatay brad ng masagot mo tanong mo. Paka one sided kung yung punto ng anak titingnan mo. Kasi parang sinasabi sa sagot na walang responsibilidad ang mga anak, maitama lng din kita, ang pagsukli sa pagmamahal kelanman ay natural sa taong nagmamahal. Sa mga anak na walang pagmamahal sa mga magulang feeling entitled yan na walang responsibilidad sa magulang. Pero yung mga nagmamahal ng sapat hindi responsibilidad para sa knila ang pagsukli sa sakripisyo ng magulang kundi pagpapahayag lamang ng kanilang pagmamahal.
 
The answer is NO.

Children cannot payback to their parents. Even if you want to. Because you can never gauge the enormous effort they have taken to give you all happiness they could. Instead, they want an emotional support. They want to continue staying with their children. They want to watch their grandchildren grow & play. So if you want to payback. This is the least you can do.
  1. Pay them GRATITUDE. Be thankful for all their relentless hard work & sacrifice.
  2. Pay them RESPECT. By the time you have a kid, they probably are in the 3rd innings of their life & yearn for love & respect. If you don’t respect them, no one will.
  3. Pay them LOVE. You don’t refrain from displaying love to your 5-year old son. Why shy away from showing some love to your 50-year old dad? Because you feel awkward?
  4. Pay them TIME. “I don’t have time” – a phrase used by every person you have possibly met. All that your parents need, is your love & time. Call them atleast once a day or pay a visit every week if you do not stay together.
  5. Pay them HEED. Value their opinions. Experience teaches you more than management books. Involving them in taking important decisions will help you lead a better life. Guaranteed.
  6. Pay them HAPPINESS. Happiness is taking your grandmom out for an evening walk. Happiness is buying grandpa a new pair of shoes. Small things make them happy. Their blessings is worth a million.
 
Di magandang sabihin na utang na loob dahil di ang bata ang nagdesisyon na isilang sila sa mundo. Tandaan natin na kapag nabuo ang bata, isa na itong responsibilidad ng magulang.

Nagiging utang na loob ito kapag inalagaan mo at di man lang sinukian yung pagtataguyod mo sa bata.
 
Yes, responsibilidad ng magulang mo ang palakihin ka at pag aralin ka until 18. Pag lagpas mo ng 18 at naka asa ka parin sa magulang mo doon na papasok yung tinagawag na "utang na loob"
sa USA lang ganyan. Dito sa pinas hanggang makatapos ng kolehiyo :ROFLMAO:
 
Need ng bata makapagaral karapatan nila yun ngayon pag nakapagtrabaho na kelangan ba na makabawi para sakin hindi kasi kung magkaanak man ako dahil yun ay gusto ko ng anak at hindi dahil gusto ko ng passive income kung magbigay man o hindi its up to them na .... pero kung mabait ka na anak o kahit maunawain d kanamn cguro magdadamot dba ganun lang naman yun magdadamayan kung sino yung wala bigyan kung sino meron magbigay pero ngayon pera pera na e sino may pera sya nayung aastang hari kahit magulang mo pa aangasan kaya dyan na papasok yung utang na loob kahit respeto wala na
 
obligasyon pero dipende sayo kung marunong kang tumanaw ng utang na loob at kung nasaan ka man ngayon ay dapat mo yang ipagpasalamat sa kanila gaya nga ng sabi sa taas dipende yan kung mahal mo ang magulang mo walang tanong mo yang susuklian at hindi ka mag iisip na ginagawa mo yan kase may utang na loob ka at hindi mo maiisip yang salitang utang na loob kase mahal mo sila.. wag mong gayahin yong mga nakikita mo sa paligid, kung anong alam mo na tama yon ang gawin mo..magkakaanak kadin.. kung anong tinanim mo yan ang aanihin mo
 
hindi mo obligasyon yun, pero mas ok kung tutulungan mo sila bilang pag appreciate sa paghihirap na ginawa nila mapalaki ka lang ng maayos.
 
Ang pagpapa aral at pagbuhay sa anak ay Obligasyon ng magulang. Pero ang pag tanaw ng utang na loob ng anak sa mga ibinigay sa kaniya ng magulang nya sa paraan ng pag tulong sa magulang ay isang pagpapakita ng Respeto at Pasasalamat at hindi kailan man isusumbat sa anak.

Pero meron din tayong mga sitwasyon na kung saan ang mga magulang ay Isinusumbat ang mga ibinigay nila sa anak nila na kung saan para saakin ay hindi tama.

Kaya kung Anak ka, mas magandang tumulong sa magulang na hindi labag sa iyong kalooban.

At kung Magulang ka, wag mong isumbat sa anak mo yung mga bagay na ginawa at binigay mo sakanya. Never magiging tama ang manumbat. Kung wala mang utang na loob ang anak mo sayo ay kahihiyan nya iyon at hindi sayo.
 
Para sa akin hindi utang na loob ng anak yan dahil obligasyon ng magulang yan, pero kung ang anak ay may konsensya at alam ang sakripisyo ng magulang ay susuklian yan ng anak, sa akin although hindi ako nakapag kolehiyo ay pasasalamat ko na rin na kahit paano ay nakapag aral ako hanggang hayskul kaya ngayon na nahtatrabaho ako ay nagbibigay ako sa kanila kahit papano.
 
mahalin mo magulang mo habang buhay pa sila kasi magiging magulang ka din malalaman mo kasagutan sa mga tanong mo balang araw maintindihan mo mga ginagawa nila sayo na akala mo paghihigpit
 
hindi ginusto ng mga anak na isilang sa mundong ito, kaya dapat na oblisgasyon ng magulang na bigyan ng magandang kinabukasam ang anak.At higit sa lahat wag na wag gawwing investment ang anak para ipahon sa kahirapan, wag ipasa sa anak ang di mo nagawa or pangarap mo. hayaan mo syang bumuo ng sarili niyang pangarap.
 
Hindi utang na loob at hndi obligasyon, pero bilang anak hahayaan mo ba ang mga magulang mo if humihingi or may kailangan sila?
 
Parang sa daming pabayang magulang sa mundo ngayon, talagang masasabi ko na utang na loob ko sa magulang ko na binigyan nila ako ng magandang buhay. Hindi nila ako pinabayaan at minahal ng lubos. Hindi naman syempre inimpose ng magulang ko na maging "utang na loob" ko yun sa kanila pero ako MISMO sa sarili ko ang nakakaramdam noon kasi malaki pasasalamat ko sa kanila
 
Wala kang obligasyon paps or utang na loob at first responsibility nila tayo sa pagkaanak pa lang nila satin. Ano yon gagawa gawa sila bata tapos hindi nila susustentuhan? Kaya lang naman naffeel natin na may utang na loob tayo sa kanila kasi may konsensya tayo. Nasanay tayo dahil sa culture(?) or whatever is it na kapag may ginawang mabuti sayo e palitan mo rin ng kabutihan though walang mali don. The bottom line of this is, it's up to you if you want to repay their "kindness" (responsibility).
 
dapat boss pag sinabihan ka ng ganyan...dapat tinanong mo din bakit ginusto ko bang maging anak nyo? gawa2 kayo ng anak tapos di nyo kayang panindigan..hahah
 
Back
Top