Ugatin natin ang problema at ito ang solusyunan.
Masisipag ang magsasaka pero mahirap parin
= dahil sila ay napagsasamantalahan. Walang lupa, nangungupahan lang ng lupa, walang suporta ang gobyerno sa agrikultura. Kaya ang kinikita nila ay kulang pa pambayad sa mga inutang nila.
Bakit hindi ito pinapaunlad ng gobyerno?
- dahil ang gobyerno ay kontrolado ng dayuhan kapitalista at ang mga nakaupo sa gobyerno ay mga panginoon maylupa..
Dahil ang gusto ng mga dayuhan kapitalista ay pagtaniman ang lupa natin na para sa pangangailangan nila at hindi para sa pangangailangan natin.. Kaya ang bigas na dapat tayo ang nag eexport ay tayo pa ang kinukulang. Dahil kontrolado ang gobyerno ng dayuhan, papaasahin tayo sa produktong dayuhan. Sa ganoon paraan naman kumikita ang mga nanunungkulan.
Sana naintindihan niyo kung bakit ayaw nila paunlarin ang agrikultura sa bansa. Kung bakit 21st century na tayo kalabaw at araro parin ang gamit ng magsasaka natin
Kung naghahanap kayo ng solusyon sa problema ito. Patayin ang ugat ng paghihirap ng pilipino.. Paalisin ang mga dayuhan monopolyo, tanggalin ang mga kurap na ginagawang negosyo ang pagupo sa gobyerno at bawiin ang lupa na inangkin ng mga panginoon may lupa. Simulan ang sariling industriya ng pilipino.
Magagawa lamang ito kung babaguhin natin ang sistemang umiiral ngayon sa bansa ang kapitalismo tungo sa sosyalismo. Ang pagaalis sa mga private ownership papuntang pag aari ng lahat ng mamamayan.