M msstar Forum Veteran Joined Mar 10, 2016 Posts 2,869 Reaction 1,430 Points 930 Dec 24, 2017 #1 Ilang buwan na rin pala Bawat sandaling napapaluha ang mata Sa ala-ala ni minsan hindi nabura Parang kahapon lang, lahat ay sariwa pa. Noo'y masaya pa Hanggang araw ay lumipas pa Araw ng paglisa'y dumating na. Wala nang sigla, malungkot na sistema. Tahimik na puso Lingid sa iba, patuloy na nagdurugo Nakakulong sa kwarto, sa dilim nagtatago Upang mga luha'y hindi makitang tumutulo. Umaasang lilipas din Hinanakit yaong damdamin Tadhana yata'y malupit sa akin Pasko na pala, hindi ko napansin Unang pasko na hinahanap ka Unang pasko, sayo'y nangungulila Unang paskong may luha sa mata Unang pasko na wala ka.
Ilang buwan na rin pala Bawat sandaling napapaluha ang mata Sa ala-ala ni minsan hindi nabura Parang kahapon lang, lahat ay sariwa pa. Noo'y masaya pa Hanggang araw ay lumipas pa Araw ng paglisa'y dumating na. Wala nang sigla, malungkot na sistema. Tahimik na puso Lingid sa iba, patuloy na nagdurugo Nakakulong sa kwarto, sa dilim nagtatago Upang mga luha'y hindi makitang tumutulo. Umaasang lilipas din Hinanakit yaong damdamin Tadhana yata'y malupit sa akin Pasko na pala, hindi ko napansin Unang pasko na hinahanap ka Unang pasko, sayo'y nangungulila Unang paskong may luha sa mata Unang pasko na wala ka.