At naniniwala ka nmn sa kwento ng Noah' ark na yan..
Biruin mo almost lahat ng klase ng hayop napasakay sa barko na nasa middle east..lam mo nmm na may ibat ibang species ng hayop na sa isang particular na lugar lang nakikita db.. tapos ano. .1 year na inalagaan ng pamilya ni noah lahat yon?
Lets say nangyare nga yang fairytale flood na yan na walang ebidensya ni isa..after 100 years pagkatapos ng flood nagkakagulo na sa tower ni Babel. .. add roughly 400 years more alipin na sila sa egypt??
Like..wth..from noah's family nakapagproduce sila ng ganung kadame at kabilis ..tapos ung mga naging anak nila iba iba na din paniniwala ulet?? Abay nagrestart ka pa ng mundo kung magulo lang din nmn pala mangyayare...
Brainy ng gumawa nean ha...hahahaha
Ano na naman yan bro.noong nakaraan ang topic natin doon sa mga bata tapos ito naman tumalon ka naman sa iba na puro sarili mong haka-haka.
Kung doon nga sa mga bata dimo mstanggap yong stand ko.at pilit mo paring pinagpipilitan yong paniniwala mo na masama ang ginawa ng Dios sa paglipol nya noong panahon ni noe na kung iintindihin mo lang pagliligtas ng Dios yon sa mga bata.ang porpose ng salvation ay para makarating sa paraiso.ano ang nangyari doon sa mga bata...diba nandoon na nga?tapos ito tatalon ka...sabay tawa sa huli...diba lumalabas nakikipaglukuhan ka lang o nakikipaglaro.
Kung useless ang topic na yan na ikaw ang nagumpisa dapat pa bang patulan ang mga tinalunan mong topic?tapos demanding ka pa..parang galit pa pag di sinagot..talaga naman oo.
Unli yong topic mo ah,iisa lang naman ang sagot sa lahat ng yan...KATIGASAN NG ULO NG TAO"walang pinagkaiba yan sa panahon na to.kaya ganito kagulo ang mundo dahil sa KATIGASAN NG ULO NG TAO.
Naniniwala ako na totoong nangyari yan dahil binaggit uli yan sa mga sulat ng mga apostol:
Luk.17:26 At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.
17:27 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.
Pati nga pagiral ni kristo na may baggit ang history di kayo naniniwala,yan pa kaya paniwalaan nyo.
Yan ang hirap sa mga taong "laging si ako,laging si ako,laging si ako ang tama"
Wag kana umasa bro.sa umpisa pa lang nagpakita ka na ng kamangmangan mo sa biblia.biro mo paratangan mo ang Dios na sya ang gumawa kay satanas.di ako nagtataka kung bakit:
Aw.14:1 Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,
Last edited: