What's new

Tunay na KaligayahanAno ang Susi?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,567
Reaction
7,225
Points
2,573
ANG mga tao ay nilayong maging maligaya. Bakit natin matitiyak ito? Buweno, isaalang-alang ang pasimula ng tao.

Nilalang ng Diyos na Jehova ang unang mag-asawa taglay ang kakayahang tamasahin ang kaligayahan. Sina Adan at Eva ay inilagay sa isang paraiso, isang kalugud-lugod na harding tinawag na Eden. Inilaan ng Maylalang sa kanila ang lahat ng kinakailangang pisikal na bagay upang mabuhay. Nasa hardin ang “bawat punungkahoy na kanasa-nasa sa paningin ng isa at mabuti bilang pagkain.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sina Adan at Eva ay malulusog, malalakas at magaganda—sila’y sakdal at totoong maligaya.

Subalit ano ba ang susi sa kanilang kaligayahan? Iyon ba ay ang kanilang paraisong tahanan o marahil ang kanilang pisikal na kasakdalan? Ang mga kaloob na ito mula sa Diyos ay nagdulot sa kanila ng kasiyahan sa buhay. Ngunit ang kanilang kaligayahan ay hindi nakasalalay sa gayong materyal na mga bagay. Higit pa sa isang magandang parke ang hardin ng Eden. Iyon ay isang santuwaryo, isang dako ng pagsamba sa Diyos. Ang susi sa kanilang walang-hanggang kaligayahan ay ang kanilang kakayahang magtatag at mag-ingat ng isang maibiging kaugnayan sa kanilang Maylalang. Upang maging maligaya, kailangan muna nilang maging espirituwal.—Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang Espirituwalidad ay Umaakay sa Kaligayahan

Sa pasimula ay may espirituwal na kaugnayan si Adan sa Diyos. Iyon ay isang maibigin at magiliw na kaugnayan katulad niyaong sa isang anak na lalaki at isang ama. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa hardin ng Eden, napakaganda ng kalagayan nina Adan at Eva na nagpapangyaring masapatan nila ang kanilang hangaring sumamba. Sa pamamagitan ng kanilang kusa at maibiging pagsunod kay Jehova, pararangalan at luluwalhatin nila ang Diyos nang makapupong higit kaysa sa magagawa ng mga hayop. Buong-katalinuhang mapupuri nila ang Diyos dahil sa kaniyang kahanga-hangang mga katangian at maitataguyod ang kaniyang soberanya. Maaari rin nilang patuloy na tamasahin ang maibigin at magiliw na pangangalaga ni Jehova.

Ang kaugnayang ito sa Maylalang at pagsunod sa kaniyang mga batas ay nagdulot ng tunay na kaligayahan sa ating mga unang magulang. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi na kailangang maranasan nina Adan at Eva ang maraming taon ng pagsubok at pagkakamali bago matuklasan ang susi sa kaligayahan. Maligaya na sila mula pa nang lalangin sila. Maligaya sila dahil sa pakikipagpayapaan sa Diyos at pagpapasakop sa kaniyang awtoridad.

Subalit nagwakas ang kaligayahang iyon nang suwayin nila ang Diyos. Sa paghihimagsik, pinutol nina Adan at Eva ang kanilang espirituwal na kaugnayan kay Jehova. Hindi na sila kaibigan ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Lumilitaw na mula nang palayasin sila sa hardin, pinutol na ni Jehova ang lahat ng pakikipagtalastasan sa kanila. Naiwala nila ang kanilang kasakdalan, ang pag-asa na mabuhay magpakailanman, at ang kanilang hardin na tahanan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Subalit higit sa lahat, yamang naiwala nila ang kanilang kaugnayan sa Diyos, naiwala nila ang susi sa kaligayahan.

Ang Ating Kakayahang Pumili

Bago mamatay, naipasa nina Adan at Eva sa kanilang mga supling ang kanilang mga katangian bilang tao, ang kanilang likas na budhi, at ang kakayahan para sa espirituwalidad. Ang pamilya ng tao ay hindi naman naging mababa tulad sa mga hayop. Maaari tayong makipagkasundong-muli sa Maylalang. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bilang matatalinong nilalang, ang mga tao ay patuloy na nagtaglay ng kakayahang magpasiya kung susunod o hindi susunod sa Diyos. Inilalarawan ito pagkaraan ng maraming siglo nang papiliin ni Jehova ng buhay o ng kamatayan ang bagong tatag na bansang Israel. Sa pamamagitan ng kaniyang tagapagsalitang si Moises, sinabi ng Diyos: “Inilalagay ko sa harap mo ngayon ang buhay at ang mabuti, at ang kamatayan at ang masama.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kahit ngayon, libu-libong taon pagkaraang mawala ang orihinal na Paraiso, tayong mga tao ay may kakayahan pa ring gumawa ng tamang pasiya. Mayroon tayong gumaganang budhi at saligang kakayahang sumunod sa mga batas ng Diyos. Bumabanggit ang Bibliya tungkol sa ‘pagkatao natin sa loob’ at ang pagkatao “sa loob.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang mga pananalitang ito ay may kaugnayan sa likas na potensiyal na taglay nating lahat na magpaaninaw ng personalidad ng Diyos, anupat isaisip ang kaniyang mga kaisipan at maging espirituwal.

Hinggil sa ating moral na kalikasan at budhi, sumulat si apostol Pablo: “Kailanma’t ang mga tao ng mga bansa na walang batas ay gumagawa nang likas sa mga bagay ng batas, ang mga taong ito, bagaman walang batas, ay isang batas sa kanilang mga sarili. Sila mismo yaong mga nagtatanghal na ang diwa ng batas ay nakasulat sa kanilang mga puso, samantalang ang kanilang mga budhi ay nagpapatotoong kasama nila at, sa pagitan ng kani-kanilang sariling mga kaisipan, sila ay inaakusahan o pinawawalang-sala pa nga.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Makadiyos na Karunungan at Pagsunod—Ang Susi

Subalit baka itanong ng isa, ‘Kung tayong lahat ay may likas na hilig na sumamba sa Diyos at, bunga nito, magtamasa ng tunay na kaligayahan, bakit marami ang gayon na lamang kalungkot?’ Ito ay dahil sa upang maging maligaya, bawat isa sa atin ay kailangang sumulong sa espirituwal. Bagaman sa simula ay nilalang ayon sa larawan ng Diyos, ang tao ay napahiwalay sa kaniyang Maylalang. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya naman, bawat isa sa atin ay kailangang gumawa ng tiyak na mga hakbang upang magkaroon at makapag-ingat ng espirituwal na kaugnayan sa Diyos. Hindi kusang nabubuo ang gayong kaugnayan.

Binalangkas ni Jesus ang dalawang mahalagang simulain sa pagkakaroon ng espirituwalidad. Ang isa ay ang pagtatamo ng tumpak na kaalaman sa Diyos, at ang isa naman ay ang masunuring pagpapasakop sa kaniyang kalooban. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa pag-ulit mula sa Salita ng Diyos, sinabi ni Jesus: “Nasusulat, ‘Ang tao ay mabubuhay, hindi sa tinapay lamang, kundi sa bawat pananalitang lumalabas sa bibig ni Jehova.’ ” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa isa pang pagkakataon, sinabi naman ni Jesus: “Ang aking pagkain ay ang gawin ko ang kalooban niya na nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi natin kailangang gumugol ng maraming dekada ng pag-eeksperimento sa paghahanap ng kaligayahan. Ang karanasan ay hindi siyang susi sa kaligayahan. Sa halip, tanging ang makadiyos na karunungan at pagsunod sa ating Maylalang ang aakay sa tunay na kagalakan sa buhay.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Maliwanag, hindi malayo sa atin ang kaligayahang bunga ng paggamit sa makadiyos na karunungan at pagkakaroon ng mainam na katayuan sa harap ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maaaring makamit ng lahat ang kaalaman kay Jehova at sa kaniyang layunin. Ang Bibliya ay nananatiling ang pinakamalawak na naipamamahaging aklat, na may bilyun-bilyong kopya sa maraming wika. Makatutulong sa iyo ang Bibliya upang maging kaibigan ng Diyos at tamasahin ang tunay na kaligayahan, sapagkat sinasabi sa atin ng Kasulatan na “maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova!”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Mga Hakbang Tungo sa Kaligayahan

1. Pahalagahan at linangin ang espirituwalidad. Sinabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad dito!”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

2. Kilalanin na ang pagsang-ayon ng Diyos ay mas mahalaga kaysa sa kayamanan o mga luho. Sumulat si Pablo: “Ang totoo, ito ay isang paraan ng malaking pakinabang, ang maka-Diyos na debosyon na ito kasama ng pagka-nasisiyahan-sa-sarili. . . . Sa pagkakaroon ng pagkain at pananamit, tayo ay magiging kontento na sa mga bagay na ito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

3. Sikaping maglinang at tumugon sa isang budhing sinanay sa Bibliya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

4. Magpasiyang sundin ang Diyos na Jehova, sa gayo’y maging kuwalipikado na makabilang sa kaniyang bayan. Sumulat si David noon: “Maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova!”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 247
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Gentleman007

Online statistics

Members online
1,086
Guests online
4,555
Total visitors
5,641
Back
Top