So eto na nga kukumpletuhin ko na ang experience ko.
Para sa tanong ni TS.
"Pwede kasing may hinihintay lang yung babae kaya niya nasabi yun"
My Experience,
May niligawan ako noon si babae, naging classmate ko siya grade 5 tapos next na pagkikita namen sa kolehiyo na. pakiramdam ko noon bigla kong namiss siya yung parang tumigil ang mundo nung nakita ko siya ulit nung enrollment , first day ko nun sa kolehiyo nagulat ako pumasok siya sa room namen, dumaan siya sa harap ko kumabog ****** ko, tapos lumabas din agad siya ,nalungkot ako bigla,yun pala chineck niya lang kung talagang dun ang room niya. tapos bumalik din sa loob..
Simula noon Lagi ko siya iniistalk. palihim kong kinuha no. niya sa kaklase nameng babae na kakwentuhan niya palagi, lagi ko siya sinusundan pag uuwi. Pag kinausap ko siya senyas lang ang sagot. matalino kasi siya tapos ako kengkoy . Magkaiba din ang religion namen. kumbaga parang madre siya kumilos.
lagi ako nagpapapansin sa kanya wala naman siya pakelam, tapos ayun kinaibigan ko mga kaibigan niyang babae at nalaman ko kung bakit puro aral lang siya. Yun pala may hinihintay siyang lalake that time na Nangako sila sa isat isa na walang iwanan (siguro namiss interpret ng babae yun) na maging sila pagdating ng araw. tapos parang bali balita nagiipon ng panganay yung lalaki sa iba ibang lugar . kaya parang nawalan na din siya ng pag asa dun sa hinhintay niyang lalaki. Mas pogi pa nga ko dun e
Ayun yung kwento sa kin nung friend niya. na umaasa yung babae dun sa lalaki na nangako sa kanya. pero hindi na nagparamdam ulit yung lalake.
so Ginawa ko nun araw araw akong nakabuntot sa kanya kahit may praktis at hindi naman kami magkagroup e pumupunta ako kunwari napadaan lang. pramis araw araw butas ang bulsa ko kakabili ng meryenda. so ginawa ko puro angels burger na lang binibili ko sa mga friend niya haha.. 10orders para tipid..
tapos yung time na napagod nako at naisip ko wala naman ako mapapala di naman niya ko pinapansin.
pagkaraan ng 2araw. huwebes ng gabi. tandang tanda ko pa. may nagtext ( kamusta?) sabi ko hala no. niya to ah. tapos nung gabi na yun naging kami na. basta naging pabebe ako nun kaya biglang naging kami . yung ako nalang nagdeclare lakasan nalang ng loob. yung isip ko pag nagreact to negative talaga.
Kinaumagahan. tinanong ko siya bakit siya nagtext. sagot "parang namiss lang kita i" ganun na ganun mga lods.
first month parang on and off kase ayaw niya ipaalam sa iba dahil nga magkaiba religion namen. at matiwalag siya. tapos umabot kami 7months nagdecide na kami na hiwalay na talaga kase kinausap na daw siya ng matataas sa relihiyon niya na hindi pwede. umoo nalang ako. 3months walang pansinan . kahit pa sa iisang room lang kami sa kolehiyo nag aaral. tapos naka move on nako yung tipon nasa dulo nako ng bangin tatalon nalang para tuluyan ng mawala pagmamahal ko sa kanya , at 1week palang kami nung bago kong gf nun na kaklase din namen. nagtext siya. niyaya niya ko magkita kami sa palagi naming tjnatambayan na lugar yung may sight seeing mahangin na lugar.
Grabe yung iyak niya miss na miss niya na daw ako sobrang nasaktan daw siya nung nagkaron ako gf na bago. tapos nag iyakan kami at nagkabilkan . hiniwalayan ko na din bago ko gf nun. mabait naman siya at alam naman niya na ginawa ko lang siya pansamantala para makalimot ako.
Tapos Pinaglaban niya ko sa Family and Religion niya. kahit nilalayo siya sa kin noon. Gumawa kami ng isang dahilan para hindi na nila kami paghiwalayin at alam niyo na yun. birhen siya nun pero pinili niya ko . natiwalag siya.
-9 years ago pa yang story namen pero tandang tanda ko pa hehe
Asawa ko na siya Ngayon with 1 kid
Ansaya namin sa hirap at sa ginhawa
lagi ko siyang pinapatawa. at never ko siyang pinakilos sa bahay lalo na sa kusina.