What's new

tumanggi yung babae.

Ang hirap kasi nung magpapa alam pa manligaw unless ayan ganyan tropa or gwapo/maganda lang pwede yun. Sa ligawan kasi talagang magbuild ka ng mutual understanding so mag lalaan ka talaga ng time at effort. Except pag pogi/maganda hahaha baka nagpapa alam ka pa lang sagutin kana agad 😂
 
nung bago pa pang kami ayun pag nagpapatawa ako back off kagad siya. pero nung nagtagal natatawa na rin siya sa mga kakornihan ko hahaha. pati siya naging komedyante na rin. sa totoo lang madre talaga siya nung niligawan ko dahil strict ang religion niya pero nung nagtagal go na go sa lahat ng bagay. ipinaglaban niya ako sa pamilya niya at relihiyon niya. tumiwalag para sakin.. sobrang mahal namin isat isa ngayon. sana nabasa mo yung kwento namin naka post sa baba hahaha
boss tanong lng, anung relihiyon mo at nung gf mo?

at anung naging relihiyon nyo parehas? galit ba parents niya sayo? medyo ang ganda ng kwento ng lovestory mo share mo nmn, d q makita un sinasabi look ng sa baba e
 
haha kinomment ko lang pala sa itaas .. namiss ko lang kasi kung pano ko diniskartehan nuon yung asawa ko na ngayon.
 
boss tanong lng, anung relihiyon mo at nung gf mo?

at anung naging relihiyon nyo parehas? galit ba parents niya sayo? medyo ang ganda ng kwento ng lovestory mo share mo nmn, d q makita un sinasabi look ng sa baba e
angat ka lang ng konti .. simula dun sa "ahem------ " ko na comment ko. para malaman mo kung pano ko tinrabaho yung naging asawa ko hahaha
 
Nako Wala na Yan ts, hanap na iba.
Or Kung porsigido ka try n try. Malay mo bumigay pa

May bago na tayong kasabihan,

Try and try, Baka bumigay 😂HAHAHA pampalakas ng loob,

gusto nya muna mag try sa iba bago sayo pag nangyaring magiging kayo panakip butas ka lang kaya hanggat maaga tigil mo na

Yun ganito, parang sariwa pa. Hahaha. Pero totoo sinasabi nya, tigil mo na.




~
Pero para sa akin kung pakiramdam mo seryoso at totoo yung sagot sayo, tigil mo na nga. Xd

Hanap na lang ng iba, or baka ikaw ang hanapin, madami kapang makikilala. Mahaba pa lalakbayin mo :)
 
wala nayan ts, i mean nakadepende yan sa diskarte mo or gano mo namamaintain yung relasyon niyo. Kasi bat tatanggi yan kung di ka naman boring or ano. Baka may mali ka paps na kailangan ayusin, pwede pa yan kaya lang need lang improvement. Kung di kaya, marami pa naman dyan na mas bettef pa sa kanya. Malay mo humabol sayo someday
 
So eto na nga kukumpletuhin ko na ang experience ko.

Para sa tanong ni TS.
"Pwede kasing may hinihintay lang yung babae kaya niya nasabi yun"

My Experience,
May niligawan ako noon si babae, naging classmate ko siya grade 5 tapos next na pagkikita namen sa kolehiyo na. pakiramdam ko noon bigla kong namiss siya yung parang tumigil ang mundo nung nakita ko siya ulit nung enrollment , first day ko nun sa kolehiyo nagulat ako pumasok siya sa room namen, dumaan siya sa harap ko kumabog ****** ko, tapos lumabas din agad siya ,nalungkot ako bigla,yun pala chineck niya lang kung talagang dun ang room niya. tapos bumalik din sa loob..
Simula noon Lagi ko siya iniistalk. palihim kong kinuha no. niya sa kaklase nameng babae na kakwentuhan niya palagi, lagi ko siya sinusundan pag uuwi. Pag kinausap ko siya senyas lang ang sagot. matalino kasi siya tapos ako kengkoy . Magkaiba din ang religion namen. kumbaga parang madre siya kumilos.
lagi ako nagpapapansin sa kanya wala naman siya pakelam, tapos ayun kinaibigan ko mga kaibigan niyang babae at nalaman ko kung bakit puro aral lang siya. Yun pala may hinihintay siyang lalake that time na Nangako sila sa isat isa na walang iwanan (siguro namiss interpret ng babae yun) na maging sila pagdating ng araw. tapos parang bali balita nagiipon ng panganay yung lalaki sa iba ibang lugar . kaya parang nawalan na din siya ng pag asa dun sa hinhintay niyang lalaki. Mas pogi pa nga ko dun e
Ayun yung kwento sa kin nung friend niya. na umaasa yung babae dun sa lalaki na nangako sa kanya. pero hindi na nagparamdam ulit yung lalake.
so Ginawa ko nun araw araw akong nakabuntot sa kanya kahit may praktis at hindi naman kami magkagroup e pumupunta ako kunwari napadaan lang. pramis araw araw butas ang bulsa ko kakabili ng meryenda. so ginawa ko puro angels burger na lang binibili ko sa mga friend niya haha.. 10orders para tipid..
tapos yung time na napagod nako at naisip ko wala naman ako mapapala di naman niya ko pinapansin.
pagkaraan ng 2araw. huwebes ng gabi. tandang tanda ko pa. may nagtext ( kamusta?) sabi ko hala no. niya to ah. tapos nung gabi na yun naging kami na. basta naging pabebe ako nun kaya biglang naging kami . yung ako nalang nagdeclare lakasan nalang ng loob. yung isip ko pag nagreact to negative talaga.
Kinaumagahan. tinanong ko siya bakit siya nagtext. sagot "parang namiss lang kita i" ganun na ganun mga lods.
first month parang on and off kase ayaw niya ipaalam sa iba dahil nga magkaiba religion namen. at matiwalag siya. tapos umabot kami 7months nagdecide na kami na hiwalay na talaga kase kinausap na daw siya ng matataas sa relihiyon niya na hindi pwede. umoo nalang ako. 3months walang pansinan . kahit pa sa iisang room lang kami sa kolehiyo nag aaral. tapos naka move on nako yung tipon nasa dulo nako ng bangin tatalon nalang para tuluyan ng mawala pagmamahal ko sa kanya , at 1week palang kami nung bago kong gf nun na kaklase din namen. nagtext siya. niyaya niya ko magkita kami sa palagi naming tjnatambayan na lugar yung may sight seeing mahangin na lugar.
Grabe yung iyak niya miss na miss niya na daw ako sobrang nasaktan daw siya nung nagkaron ako gf na bago. tapos nag iyakan kami at nagkabilkan . hiniwalayan ko na din bago ko gf nun. mabait naman siya at alam naman niya na ginawa ko lang siya pansamantala para makalimot ako.
Tapos Pinaglaban niya ko sa Family and Religion niya. kahit nilalayo siya sa kin noon. Gumawa kami ng isang dahilan para hindi na nila kami paghiwalayin at alam niyo na yun. birhen siya nun pero pinili niya ko . natiwalag siya.
-9 years ago pa yang story namen pero tandang tanda ko pa hehe
Asawa ko na siya Ngayon with 1 kid
Ansaya namin sa hirap at sa ginhawa
lagi ko siyang pinapatawa. at never ko siyang pinakilos sa bahay lalo na sa kusina.
 
Expert ako sa mga ganyan ts, dyan sa situatuon mo kaya nya sinabi na magkaibigan na muna kasi may chance ka pero ibig sabihin din nun na may nagugustuhan sya na iba, pwedeng nakakausap nya sa chat or sa personal yung gusto nya ngbabakasakali lang sya na baka magustuhan din sya nung gusto nya, kapag hindi naman sya nagustuhan pedeng ikaw piliin nya kasi nakikita nya ata na porsigido ka sa panliligaw sakanya kapag sinabi ng babae na magtropa na muna ibig sabihin na may chance ka pero kapag ang sinabi ehh mas magandang magtropa nalang kayo ibig sabihin nun wala kang chance, sana naintindihan mo yung sinabi ko na magtropa na muna at magtropa nalang, good luck ts
 
ibig sabihin tropa ka lang at a yaw kang paasahin. LOL
minsan yun na talaga ibig sabihin nun kumbaga NO means No
 
Back
Top