What's new

Closed Trinity or Oness ??

Status
Not open for further replies.

Rakizta14

Eternal Poster
Joined
Sep 16, 2016
Posts
356
Reaction
73
Points
274
Alin ba ang tama sa dalawa ?? kasi nalilito ako eh ..bible rin nman ang basehan
 
Triune God. You must accept Jesus Christ as your Lord and Savior then the Holy Spirit will reveal what is the true meaning of every Scripture. No one religion can save humanity but the only way to save humanity is relationship with Jesus.
 
wala... kasi Ang Trinity ayon sa Catholic ay yung tatlo ay pantay-pantay at walang pagkakaungusan.. mali iyon

hindi sila pantay-pantay sa kapangyarihan..
Pero naniniwala ako na Dios ang Ama, Anak at ang Espiritu Santo ng Dios

At ang Espiritu Santo ng Dios ay bahagi ng Dios Ama..

Ang Ama ang pinakamataas sa kanila sunod ang Anak..

hindi rin totoo yung Ones kasi sabi ni CrIsto ang Ama ay Lalong dakila kaysa kaniya...

Yung sinabing Ako at ang Ama ay iisa, ang ibigsabihin nun, Pareho silang Dios hindi yung Siya rin yung Ama kung babasahin mo sa kuntexto ng mga verses
 
Dapat Ka Bang
Maniwala sa Trinidad?
Nauna Susunod
Higit Pang Impormasyon
I-print I-share
MAGANDANG BALITA MULA SA
DIYOS!
Sino ang Diyos?
May pangalan ba ang Diyos at
mahal niya ba tayo?
SAGOT SA MGA TANONG SA
BIBLIYA
Ano ang Banal na Espiritu?
May magandang dahilan kung
bakit tinukoy ng Bibliya ang banal
na espiritu ng Diyos bilang
kaniyang “mga kamay.”
Nasa Bibliya ba ang Turo ng
Trinidad?
Si Jesus ba ay Diyos?
Ang unang
Konsilyo ng Nicaea
na nagbukas ng
daan para sa
doktrina ng
Trinidad
(paglalarawan ng
isang pintor)
Mahigit dalawang bilyon katao ang
nagsasabing Kristiyano sila. Ang karamihan
ay kabilang sa mga relihiyong nagtuturo ng
Trinidad—ang doktrina na ang Ama, ang
Anak, at ang espiritu santo (o, banal na
espiritu) ay bumubuo ng iisang Diyos.
Paano naging opisyal na doktrina ang
Trinidad? At ang mas mahalaga, nasa
Bibliya ba ang turong ito?
ANG Bibliya ay nakumpleto noong unang
siglo C.E. Makalipas ang mahigit dalawang
siglo, ang mga turong umakay sa paglitaw
ng Trinidad ay sinimulang buuin noong
325 C.E. sa isang konsilyo sa lunsod ng
Nicaea sa Asia Minor, ngayo’y Iznik, Turkey.
Ayon sa New Catholic Encyclopedia, ang
kredo, o doktrina, na ginawa ng Konsilyo ng
Nicaea ang nagbigay ng unang opisyal na
depinisyon sa mga turo ng simbahan, pati
na sa depinisyon ng Diyos at ng Kristo.
Pero bakit pa kinailangang bigyang-
kahulugan ang Diyos at ang Kristo ilang
siglo matapos makumpleto ang Bibliya?
Malabo ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol
sa mahahalagang paksang iyan?
SI JESUS BA ANG DIYOS?
Nang maging tagapamahala ng Imperyo ng
Roma si Constantino, nahati ang mga nag-
aangking Kristiyano tungkol sa kaugnayan
ng Diyos at ni Kristo. Si Jesus ba ang
Diyos, o nilikha lang siya ng Diyos? Para
malutas ito, ipinatawag ni Constantino ang
mga lider ng simbahan sa Nicaea, hindi
dahil gusto niyang alamin ang katotohanan,
kundi dahil ayaw niyang mahati ng relihiyon
ang imperyo.
“Sa ganang atin ay iisa lamang ang
Diyos, ang Ama.”— 1 Corinto 8:6 ,
Magandang Balita Biblia
Hiniling ni Constantino sa mga obispo, na
marahil ay may bilang na ilang daan, na
sila’y magkaisa, pero hindi sila nakinig.
Pagkatapos, iminungkahi naman niya na
kilalanin ng konsilyo ang malabong
konsepto na si Jesus ay “kaisang-
sangkap” ( homoousios ) ng Ama. Ang
pilosopikal na terminong Griegong ito, na
wala sa Bibliya, ang naging pundasyon ng
doktrina ng Trinidad na nang maglaon ay
nakasaad sa mga kredo ng simbahan. Sa
katunayan, sa pagtatapos ng ikaapat na
siglo, halos nabuo na ang doktrina ng
Trinidad sa anyong gaya ng alam natin sa
ngayon, pati na ang tinatawag na ikatlong
bahagi ng tatluhang diyos, ang espiritu
santo.
BAKIT DAPAT MO ITONG
PAG-ISIPAN?
Sinasabi ni Jesus na “sasambahin ng mga
tunay na mananamba ang Ama sa . . .
katotohanan.” ( Juan 4:23 ) Ang
katotohanang iyan ay nakaulat sa Bibliya.
( Juan 17:17 ) Itinuturo ba ng Bibliya na ang
Ama, ang Anak, at ang espiritu santo ay
tatlong persona sa iisang Diyos?
Una sa lahat, hindi binabanggit ng Bibliya
ang salitang “Trinidad.” Ikalawa, hindi
kailanman inangkin ni Jesus na kapantay
siya ng Diyos. Sa halip, sumamba si Jesus
sa Diyos. ( Lucas 22:41-44 ) Ang ikatlo ay
tungkol sa kaugnayan ni Jesus sa kaniyang
mga tagasunod. Kahit binuhay na siyang
muli bilang espiritu, tinawag pa rin niyang
“aking mga kapatid” ang kaniyang mga
tagasunod. ( Mateo 28:10 ) Sila ba’y mga
kapatid ng Diyos na Makapangyarihan-sa-
lahat? Siyempre hindi! Pero dahil
nananampalataya sila kay Kristo—ang
pangunahing Anak ng Diyos—sila rin ay
naging mga anak ng kaniyang Ama.
( Galacia 3:26 ) Ihambing ang karagdagang
mga teksto sa sumusunod na pananalitang
nakasaad sa kredong ginawa ng Konsilyo
ng Nicaea.
Ang sabi ng Kredo ng Nicaea:
“Kami ay sumasampalataya . . . sa iisang
Panginoong Hesu-Kristo . . . na kaisang-
sangkap ng Ama, Diyos ng Diyos, Liwanag
ng Liwanag, napaka Diyos ng napaka
Diyos.”
Ang sabi ng Bibliya:
“Dakila ang Ama kaysa akin [Jesus].”—
Juan 14:28 .
“Aakyat ako [Jesus] sa aking Ama at
inyong Ama, sa aking Diyos at inyong
Diyos.”— Juan 20:17 .
“Sa ganang atin ay iisa lamang ang
Diyos, ang Ama.”— 1 Corinto 8:6 .
“Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating
Panginoong Jesu-Cristo.”— 1 Pedro 1:3 .
“Ito ang sinasabi niya na ang pangalan
ay Amen [Jesus], ang . . . pinagmulan
ng lahat ng nilalang ng Diyos.” —Pahayag
[o, Apocalipsis] 3:14 .
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top