What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trabaho o kalusugan . Ano nga ba ang mas mahalaga?

BLoodyLungz

Forum Veteran
Ako tlabaho pala mi makain dugtong buhay

pilo pag sobla tlabaho pede ikaw patay di mo kain pila patay ka na.
 
Comment

Jagermeister

Grasshopper
Nagttrabaho ang isang tao upang patuloy na mabuhay. Laging importante na pangalagaan natin ang ating mga sarili. Sa kalagayan natin ngayon, kahit isipin nating kailangan natin mag-ingat eh di naman uubra. Talamak at umiigting pa ang kapitalismo sa panahon natin ngayon. Anumang bagay na kailangan o gusto mo, may bayad na lahat yun.
Mas angat ang buhay nang kaunti.
 
Comment

Steffany

Established
Bakit feeling ko ang tingin ng iba sa trabaho ay hirap? Baket hindi natin trabahuhin yung bagay na gusto natin para mabuhay tayo at magtrabo ng maginhawa. Oo madaling sabihin pero pag gusto mo may paraan. Kaya goodluck sa paghanap ng passion nyo guys 😁
 
Comment

Z E N

Established
Parehas mahalaga. Pero kung ang tanong ay kung ano ba ang dapat mas unahin sa sitwasyon ngayon. Health first tapos trabaho. Kasi isipin nyo mahirap magkatrabaho kung sira naman yung kalusugan mo. Kaya nga may mga medical exams bago ka tanggapin sa trabaho diba kasi sinisigarudo ng mga employers na kaya mong magtrabaho. Walang employer na tumatanggap ng may sakit. Tsaka ayun nga, paano ka makakapagtrabaho kung deads ka na?
 
Comment

alist1986

Forum Veteran
Mildrednene...Malaki yata ang problema mo't di mo masagot yan mag-isa iha he he. Malinaw sa akin ang tanong mo....Pakingggan mo ako at unawain. Walang taong matino na inuna ang trabaho bago ang buhay o kalusugan man lang. Paano ka tatagal sa trabaho o isang karera kung di naman handa ang iyong katawan/kalusugan. Di ka tatagal. At maraming klase ng kundisyon para malaman ang tama at mali. Balansehin mo lang siguro ang kailangan mo habang sinasanay mo ang iyong sarili sa takbo ng panahon at ayon rin sa iyong katanggap-tanggap na resulta.
Ang mahahalaga sa buhay ay marami (kalusugan, pag-ibig, pamilya, kaibigan, kapatagan ng isip, edukasyon, yung "purpose o passion", atbp.) at yan ang iyong pundasyon para makagawa ka ng gusto mo tulad ng pagbanat ng buto para kumita o pagta-trabaho. Kung mahina ang pundasyon mo sa buhay ay limitado ka! Sa pagta-trabaho, marahil ay tataas ang iyong tiwala at pagpapahalaga sa sarili, kikita ka ng sapat na yaman para ipagpatuloy mo ang iyong ninanais sa buhay, makihalubilo sa maraming klaseng tao, atbp. Maraming antas nyan depende sa iyong mararating. At dyan mo malalaman kung saan mo ilalagay ang iyong sarili. Pag-aralan mong mabuti ang bawat mong hakbang sa buhay, ano ang iyong gusto at hindi, ano ang nababagay sa'yo, at lagi mong buksan ang iyong isip para di ka magkamali!
 
Comment

Online statistics

Members online
1,611
Guests online
1,301
Total visitors
2,912

Forum statistics

Threads
786,212
Messages
15,551,931
Members
1,420,629
Top