Mildrednene...Malaki yata ang problema mo't di mo masagot yan mag-isa iha he he. Malinaw sa akin ang tanong mo....
Pakingggan mo ako at unawain. Walang taong matino na inuna ang trabaho bago ang buhay o kalusugan man lang. Paano ka tatagal sa trabaho o isang karera kung di naman handa ang iyong katawan/kalusugan. Di ka tatagal. At maraming klase ng kundisyon para malaman ang tama at mali. Balansehin mo lang siguro ang kailangan mo habang sinasanay mo ang iyong sarili sa takbo ng panahon at ayon rin sa iyong katanggap-tanggap na resulta.
Ang mahahalaga sa buhay ay marami (kalusugan, pag-ibig, pamilya, kaibigan, kapatagan ng isip, edukasyon, yung "purpose o passion", atbp.) at yan ang iyong
pundasyon para makagawa ka ng gusto mo tulad ng pagbanat ng buto para kumita o pagta-trabaho. Kung mahina ang pundasyon mo sa buhay ay limitado ka! Sa pagta-trabaho, marahil ay tataas ang iyong tiwala at pagpapahalaga sa sarili, kikita ka ng sapat na yaman para ipagpatuloy mo ang iyong ninanais sa buhay, makihalubilo sa maraming klaseng tao, atbp. Maraming antas nyan depende sa iyong mararating. At dyan mo malalaman kung saan mo ilalagay ang iyong sarili. Pag-aralan mong mabuti ang bawat mong hakbang sa buhay, ano ang iyong gusto at hindi, ano ang nababagay sa'yo, at lagi mong buksan ang iyong isip para di ka magkamali!