Yes, actually Globe and Converge have lower pings than PLDT as of now. Dahil may problema si PLDT sa ngayon sa submarine cable nila na nasa La Union Cable Landing Station nila na pag-aari ni AAG. Nasira yan dahil sa Magnitude 7.1 na lindol nung July 27. Kaya affected ang mga international routes ni PLDT, lalo going to and from HK, SG, US, and Japan.
Supposedly, nung October 2022 ang repair but I don't know what happened. Wala na akong nakitang update after August 25 regarding that, and still, nararamdaman kong hindi pa ayos ang submarine cable dahil higher than usual pa rin ang ping ko ngayon (getting 18-25ms sa Valorant HK server before the earthquake, pero ngayon nasa 60-70ms na sa HK server) at tumataas pa rin ang ping ko, especially pagpatak ng peak hours (6pm-12midnight), umaabot hanggang 200ms sa lahat ng servers.
Aside from the August 25 advisory na nakuha ko lang sa mga Enterprise users na source ko (dahil Enterprise users lang talaga ang priority na makatanggap ng mga ganyan kaimportanteng updates), wala pa so far hanggang ngayon na nilalabas na bagong update kaya bulag pa din talaga karamihan ng PLDT Home subscribers (residential plan) sa mga nangyayari sa mga kable sa ilalim ng dagat.
For locally-routed na games such as LOL-Garena, walang problema diyan, nakaka 1 digit ping or 10-ish ping lang ako diyan. Dahil nandito lang naman sa loob ng Pinas ang Garena servers, hindi siya damay. International routes lang ang affected -- HK, SG, US, and Japan routes lang.
Since most games and website ay located ang mga servers nila sa SEA (nearest is HK probably), then malamang sa malamang, higher than usual ang ping na mararanasan nating PLDT users, at spiking ping to the point na unplayable na siya pagpatak ng peak hours (6pm-12midnight).