What's new

Totoo bang may multo?

🤔 ako po nakakita na ako ng rectangular shadow on a bed na lumusot sa kabilang pader siguro 1.5-2sec ang tinagal
yung lighting ay static ako lang yung tao dun sa kwarto ewan ko kung anu yun wala ako naramdaman but curiosity
di po yan protein sa mata dahil tinest ko narin yun di naman bumalik si rectangle

naka kita rin ako ng white and red strings perfectly straight from ground to ceiling habang naglalakad tumaas balahibo ko tapos bigla nawala ewan ko rin kung anu yun 😅

may nakita rin akong grey na usok habang nagbabalak mag midnight snack ayaw ko na nga ituloy pero tinuloy ko wala ng nangyari nun

habang nag kwekwento yung pinsan ko tungkol sa matanda nasa bintana tinatakot niya ata yung pamangkin namin ako naman nun ay nakaupo habang nasa likod ko ang bintana bigla may na amoy akong bigas pero di ko pinansin pero nung naisip ko na yung kwinekwento ni insan napaisip ako kasing amoy ng matanda ang bigas kinilabutan ako 😂 at hinanap yung source ng amoy lumabas pa ako pero dun lang talaga sa inupuan ko yung amoy bigas o amoy matanda

marami pang incident jan tungkol sa mga amoy na bigla nalang dumarating sa iisang spot kahit wala naman hangin amoy ni lolo at lola na matagal ng patay during death anniv nila

nung bata ako below 9 years old habang natutulog ako nagising ako tapos may narinig akong tapak ng naka takong most likely sa corridor pangalawang beses ko narinig binuksan ko ilaw lumabas ako at tinignan ano meron wala meron madilim lang kaya humiga ulit ako at tinakpan yung dalawang tenga ko surprisngly pareho lang yung volume ng tunog na narinig ko kahit nakatakip na yung tenga ko lumabas ulit ako tumitig sa corridor wala akong nakita kaya humiga ulit ako at nilibing yung ulo ko sa unan wala ganun parin yung volume ewan ko kung pano ko na survive yun

nangyari lahat ng yan nuong para sakin ang bible ay isang fairy tale lang
ngayon wala na ako napapansin at hindi na ako naniniwala na may multo
demonyo oo multo wala
 

Similar threads

Back
Top