What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Totoo ba ang reincarnation? [yes] for me!

BH4DZ

Elite
Joined
Apr 1, 2019
Messages
879
Reaction
1,085
Age
27
Naranasan niyo na ba ?

Kunwari pumunta kayo sa lugar na first time palang napuntahan or else biglaan and then may bigla pumasok or nanumbalik na alaala sa utak natin na ! Bigla natin sasabihin na "parang napuntahan ko na ito dati at nakita ko na ito dati peru hindi ko alam kung saan part" peru first time ko palang napuntahan itong lugar parang pamilyar.
Yan ang katagang sasabihin natin kapag naranasan natin yan alam ko lahat merung experience na nyan.
Yan na seguro ang tinatawag na reincarnation
Kapag namatay ka babalik ka ulit sa lupa peru sa ibang katawan na simula sa sanggol hanggang sa pagtanda.

Kasabihan:
Kailangan natin tumuklas pa sa mga nakatagong hiwaga o nakalihim dito sa mundo dahil madaming hiwaga ang nababalot ..
 
Hindi totoo yan , logic lang , debunk nayan

Ang dahilan niyan ts, kung bakit nakaranas ka ng ganyan, kasi may dalawang realidad sa mundo, mundo ng mga material being( tayo) at mundo ng mga spirit being, yong mga spirit being kagaya ng masasamang anghel, ay may kakayahang makialam sa diwa ng isang tao, at ang nagiging epekto ay kagaya ng naranasan mo, na para bang nakapunta kana doon sa isang lugar noon pa, pero ang totoo niyan, ang masamang anghel ang nakapunta na doon, nakita mo lang ang nakita o alaala ng anghel kasi nakikialam siya sa diwa mo

Ang mga spirit being ay bilyon bilyong taon ng nag esxist sa mundo, kaya di malayong nagalugad na nila ang lahat ng parte ng mundo pati ng uniberso

Kaya kung ano yong nakita na nila ay nakita mo rin kapag sila ay nakialam sa diwa mo
 
Last edited:
Comment

JLk

Established
De javu tawag diyan panoorin mo sa YôùTùbé may explanation yan at panooring mo ung dark na series sa Nétflí×...kumbaga may parallel universe basta haha kumbaga may katulad tayong universe ma may kagaya tayo doon.
 
Last edited:
1 Comment
H
yeah pinanunuod kure kaso tinamad nako sa haba 🤣 ang galing nga may dinadala sila sa cave pag may inayos don bubukas yung lagusan pabalik sa nakaraan o papunta sa hinaharap ang malupet pa don pag naka pasok ka sa loob ng cave papunta nga don biglang malakas ang hangin at biglang mag sasara ang cave basta taena katamad hahahagaga
 

vjcp14

Established
Mejo impossible kung ang depinisyon natin sa reincarnation ay tulad ng pagkakaintindi ng karamihan, lalo na't ihinahalo natin sa ideya ng kristyanismo na ang bawat isang tao ay may isang kaluluwa, at tao lamang ang may kaluluwa.

Pero, try lang natin as thought experiment.
Kalimutan muna natin ang mga chrisgian based assumption.
Pano kung ang "kaluluwa" ay ang mga ideology na pinanghahawakan natin sa buhay? So ang bawat isang tao ay hindi lang iisa ang kaluluwa.. So ikaw ay reincarnation ng bawat ideya na sinusunod at pinapaniwalaan mo.
Diba, maipapaliwanag nito ang mga panahon ng hindi ka agree sa takbo ng mga isip mo.
Maipapaliwanag din nito ang mga sinaunang paniniwala na maraming mga diyos, at maaari magkaroon ng conflict sakanila. Kahit sa kasalukuyan, maraming ideolohiya ang may conflict na syang pinagsisimulan ng mga gulo sa mundo.

Pag-aari mo nga ba ang mga ideya mo?
O pag aari ka ng mga ideya na lubhang matanda pa kesa sayo?

Paano kung ang bawat katawan natin ay mga instrumento lang para sa mga ideya na ito, para isagawa ang mga layunin nila sa mundo?

Paano kung tayo ay mga "trial and error" lang ng mga ideya, na tuloy-tuloy nag re-reincarnate?

At hindi lang sa iisang tao nanatili ang "kaluluwa" na ito. Maari itong mag control ng maraming tao ng sabay-sabay..
Kaya nmn din napakadali sa atin ang maki-isa sa mga katulad ng paniniwala natin, dahil iisang "kaluluwa" ang nagkokontrol sa atin sa kasalukuyan.

Possible din na dalawang magkasalungat na ideya ang ang kumokontrol sa tao, kaya nagkakaroon ng mga depressed, ptsd, baliw atbp.

Example. Isang sundalong nagkaroon ng PTSD, dahil sa conflict sa isip nya nung makayanan nyang pumatay at sa loob-loob nya hindi nya dapat nakayanan yun.
 
Comment
Yes. Dejavu nga lang yan at hindi dahil sa reincarnation. Kung totoo yang reincarnation e di sana wala ng nadadagdag na mga anghel sa langit kasi lahat pala ng namamatay ay isinisilang muli sa ibang anyo o katawan. Kaya di ako naniniwala sa reincarnation.
 
Comment

copro14

Elite
Slightly naniniwala ako dyan hahaha. Kung totoo man yang reincarnation na yan. Kung mabubuhay ako sa pangalawang pagkakataon gusto kong ibigin yung babaeng hindi ko maabot abot ngayon gusto ko syang makasama habang buhay sa pangalawang pagkakataon. Sana maging kami. Sana maging masaya kami. Yan lang ang tanging hiling ko sa pangalawang pagkakataon ❤️❤️❤️❤️❤️. Yung reincarnation na iniisip ko kasi kapag nag asawa ka tapos diba magkaka anak ka tapos yung mga susunod sa lahi mo syempre may identity mo yun kasi ikaw yung "root" o pinag mulan. Tapos ganun din sa iba hanggang magka pamilya sila mapapasa yung lahi. Hindi ako naniniwala na magiging halaman o hayop ka kapag na reincarnate hahaha
 
Comment

boysbe

Established
Para sakin totoo, nung sinagot na ko ng aking girlfriend nun eh parang kami na tinadhana mula pa ng unang panahon. Pero sa tingin ko naghiwalay din kami nung unang panahon kasi break na kami ngayon, hay malamig nanaman ang pasko ko mga kababayan.
Ika nga ni pareng Grolier:
Reincarnation is quite similar to a phenomenon such as Deja Vu, a feeling that an event has happened before. However, many scientists (including my lolo) speculate that remembering one's past might be attributed to one's own previous experiences which are then mistakenly correlated to a memory of a past life, meaning it might have been a past experience.

Therefore, walang aamin na nabuhay sila dati na kabayo, depende nalang kung nasanay silang pinapalo ng kanilang tatang.
 
Comment
Para sakin totoo ang reincarnation kasi sabi don sa Magandang balita Bible ,
Ang Mangangaral 3:15
Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na noong una, gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari.
Note:pati Science sinasabi na totoo yung nasa Bible,At siguro kung may anghel man sa Langit,or may impyerno or langit man siguro di lang naman reincarnation ang bagsak nating lahat or langit or impyerno,well di parin naman natin kasi alam lahat malay nyo pinili nyong mareincarnate or mapunta sa langit.Diba gets nyoko?
 
Comment

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,033
Guests online
1,750
Total visitors
2,783

Forum statistics

Threads
1,015,520
Messages
17,399,394
Members
1,487,347
Comments
695,987
Attachments
1,143,634
Profile posts
96,493
Top