enlighten mo ako kung ano nagawa ng past admin
Di hamak na mas maunlad ang Pilipinas nung panahon ni Noynoy kesa ngaun. Mas safe din nung panahon ni Noynoy. Bumaba ang ranking ng Pilipinas sa peace index ng maging pangulo si Duterte. Pilipinas na ang pinaka violenteng bansa sa buong East/Southeast Asia. Mas safe pa nga ang North Korea ngaun kesa Pilipinas.
Simula nang maging pangulo si Duterte nagsimula ring bumagsak na ang ekonomiya ng bansa, nagtaasan ang presyo ng LAHAT ng mga bilihin, kumonti ang mga foreign investors, lumobo utang ng Pilipinas, nasa pinakamataas ang murder rate at EJKs, pinalaya ang mga nakakulong na corrupt na pulitiko. At nagawa nya un sa loob lang ng dalawang taon.
6.8% ang average economic growth rate ng Pilipinas nung panahon ni Aquino, pinakamataas sa loob ng 40 years, samantalang 1.25% lang ang inflation rate nung 2016 bago bumaba si Pnoy sa pagka pangulo. Panahon ni Pnoy pinakamaunlad ang Pilipinas.
6.1% na lang ang economic growth ngaung 2018 bumaba sa 6.6% nung 2017, samantalang 6.7% naman ang inflation rate ngaun ding taon at pataas pa ng pataas.
1.5% ang itinaas ng murder rate simula nang maupong pang gulo si Duterte, o 19k na kaso. 112% ang itinaas sa Metro Manila pa lang.
Bumaba ang mga petty crimes o ung magagaang krimen lang gaya ng snatching, pero TUMAAS ang murder rate o mga PATAYAN.
Bumagsak sa #141 ng Global Peace Index ang Pilipinas nung 2016 nang maupong pang gulo si Duterte mula sa #134 nung huling taon ni Pnoy.
Pilipinas na ngaun ang pinaka violenteng bansa sa Southeast Asia.
5,000 na ang kaso ng EJKs sa loob lang ng 2 years ni Duterte, at nadadagdagan pa ng 33 kaso kada araw. Mas malaki kesa 3,000 na kaso ng EJKs sa 21–years ni Marcos, at 294 EJKs sa 6 years ni Pnoy.
Pilipinas na rin ang MOST DANGEROUS PLACE for journalists sa BUONG Asya habang #6 sa BUONG mundo. 22 journalists na ang patay sa 2-years pa lang ni Duterte vs. 30 journalists sa 6-years ni Pnoy.
Ngayon na ang pinaka violenteng panahon sa kasaysayan ng Pilipinas pagkatapos ng WW2. Mas hinigitan pa ni Duterte ang patayan sa panahon ng Martial Law ni Marcos.
Mas malaki ang mga kapalpakan ni Duterte. Si Pnoy ang may pinakamaraming corrupt politicians na naipakulong sa lahat ng mga pangulo. Lahat ng corrupt na ipinakulong ni Pnoy pinalaya ni Duterte. Wala pang corrupt na pulitikong naipapakulong si Duterte dahil puro kaalyado nya ang mga un. Ung pinaka corrupt sa buong mundong patay na pangulo ginawa pang bayani. Kahit ung asawa ng diktador na naconvict na ng korte sa 6 counts ng graft hindi rin maipakulong.