What's new

Closed Tips para sa mga mag asawang hirap magkaanak

Status
Not open for further replies.

renegade24winzam

Eternal Poster
Joined
Mar 14, 2013
Posts
940
Reaction
367
Points
317
29133287_1558535814196164_2761084532995129344_n.jpg
Ang pagkakaroon ng anak ang isa sa pinakamagandang biyaya na matatanggap ng isang magkapareha. Ang anak ay ang bunga ng pagmamahalan ng isang magkapareha na bubuo sa isang kumpletong pamilya. Ngunit sa kasamaang palad, may ilang mga magkapareha na tila baga nahihirapang makabuo ng anak. Malungkot man isipin ngunit ito ang katotohanan.
Upang mapataas ang posibilidad ng pagbubuntis, narito ang ilang mabisang tips mula sa mga ekperto.
1. MAGPASURI SA DOCTOR.
Ang pangunahing hakbang para sa mga pares na hirap makabuo ang anak ay ang pisikal na pagpapatingin sa doktor.
Mahalaga ito upang matukoy kung mayroong problema sa kalusugan ng isa
man sa magkapareha, problema sa kalusugan na nakakaapekto sa abilidad
na pagbububuntis. Bukod pa rito, mabibigyan din ng doktor ang pagkapareha ng ekpertong payo na tiyak na makatutulong sa kanila sa pagbuo nganak. Basahin ang kahalagahan ng regular na
pagpapa-check-up sa doktor: Kahalagahan ng regular na pagpapatingin
sa doktor .
2. MAKIPAGTALIK SA TAMANG PANAHON.
Mas mataas ang posibilidad ng pagbuo ng anak kung gagawin ang pakikipagtalik sa panahon kung kailan lumalabas ang itlog (egg cell) ng babae mula sa obaryo. Ang panahon na ito na tinatawag na ovulation
period ay nakapaloob sa 28-31 na araw ng menstrual cycle ng mga babae. Ang ovulation period ay kadalasang nagaganap pagkatapos ng 7 araw mula sa huling araw ng pagreregla. Dagdagan ang kaalaman tungkol sa
menstrual cycle: Kaalaman tungkol sa Menstrual Cycle .
3. ANG MGA LALAKI AY MAGLAAN NG 2 - 3 ARAW NA PAGITAN SA BAWAT PAGPAPALABAS NG SEMILYA.
Hindi rin mabuti na araw-arawin ang pagpapalabas ng semilya ng mga lalaki. Ito’y sapagkat kailangan din ng katawan ng lalaki na mapalitan ang semilya na inilabas. Upang makasiguro na sapat ang dami ng semilya na ilalabas, bigyan ng 2 hanggang 3 araw na pagitan ang bawat pagpapalabas.
4. UMIWAS SA STRESS
Ang stress ay tiyak na nakakaapekto sa kalausugan sa pangkalahatan. Kabilang na dito ang kakayanan na makabuo ng anak.
Halimbawa, ang libog o libido na nararamdaman ng magkapareha ay
maaaring mawala kung masasabayan ng stress. Alamin ang mga paraan para maiwasan ang stress: Pagrerelax kontra stress .
5. HUWAG HAYAANG MAINITAN ANG ARI NG LALAKI
Ang mga semilya ay sensitibo sa init, maaaring mamatay ang mga semilya kung maapektohan sila ng pagtaas ng temperatura. Ito ang dahilan kung bakit nasa labas ng katawan ang itlog (testes) ng lalaki at nababalot lamang ng bayag sa halip na nakapasok sa loob ng katawan.
6. HUWAG MADALIIN ANG PAGTATALIK
Bigyan ng oras at huwag madaliin ang pakikipagtalik. Mas marami ang
mailalabas na semilya gayundin ang orgasmo ng babae kung ang pagtatalik ay gagawin nang buo at hindi minamadali.
7. IWASAN ANG MASAMANG BISYO —SIGARILYO, ALAK AT DROGA
Ang mga masasamang bisyo gaya ng paninigarilyo, sobrang pag-inom ng alak, pati na ang paggamit sa mga nakakasamang droga ay may direktang
epekto rin sa abilidad ng magkapares na makabuo ng anak. Ang hormones ay maaring maapektohan at mapaliit ang posibilidad ng pagbuo ng anak.
8. SUBUKAN ANG IBANG POSISYON
Ang posisyon sa pakikipagtalik ay may epekto rin sa kakayanan na makabuo ng anak. Maaaring hindi umabot sa loob ng matres ng babae ang semilya at tumulo palabas kung mali ang posisyon na ginagawa. Magbasa tungkol sa mga ligtas na paraan ng pakikipagtalik: Kaalaman tungkol sa ligtas na paraan ng pakikipagtalik .
9. PANATILIHIN ANG MALUSOG NA PANGANGATAWAN NG MAGKAPAREHA.
Ang pagkain ng balanse at masusustansyang pagkain, gayundin ang
regular na pag-eehersisyo, ay hindi nawawala sa mga tips ng doktor. Ito’y sapagkat talaga namang nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain ang
pagkakaroon ng malusog na pangangatawan, kabilang na ang abilidad
na makabuo ng anak.
10. IWASAN ANG BASTA-BASTANG PAGGAMIT NG PAMPADULAS.
May ilang magkapareha na gumagamit ng mga pampadulas sa kanilang
pakikipagtalik. Ang paglangoy ng semilya papasok sa matres ng babae ay maaaring maapektohan kung basta bastang gagamit ng mga ito. Kung nais gumamit ng pampadulas, tiyakin na rekomendado ito ng doktor.
29176948_1558535940862818_6579231337251602432_n.jpg
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top