AkoSiPapaDan
Addict
- Joined
- Jan 4, 2013
- Posts
- 126
- Reaction
- 24
- Points
- 95
Mga ka ph, any quick list/tips para sure-fire na sulit yung bili?
check mo agad pag pop mo ng hood kung may mga yupi na at bahod ng repair sa mga lata ng auto baka kasi may history ng bangga.. mas mainam kung mag dala ka din ng magaling na mekaniko.. chdck mp din pintura kung makapal na dahil pag makapal na it means maari g may repair na sya or repainted na..
Thank you mga sir! Mukhang requirement talaga mekaniko para sure na sure.Mas mabuti kung magsama ka ng mekaniko at ng ma-check yung car na bibilhin mo thouroughly para di ka lugi
kita nya yun kung may dapat kang ipagawa pag nabili mo na
Thanks paps sa tips pati recommendation. Para san nga pala yung itetext sa 2600? Ano marereceive ko nyan sir?Maganda may kasama ka trusted mekaniko mo para safe na rin
pati plate number itext mo sa LTOVEHICLE[plate number of your car] and then, send to 2600
Sympre test drive din kung maayos takbo ramdam mo naman kung hihiwalay na kotse o hindi. Hahaha
pero maraming mgagandang 2nd hand pa rin
katukin mo kung lata pa baka puro masilya
Malakas aircon Honda.
Note: Hindi ako expert base lang din sa mga nabasa ko.
Tips ko lang kung may budget ka mas maganda sana kung 3 to 5 years lang tanda ng sasakyan goods na goods pa yan for keeps talaga at wala pa masyado lalabas na problema sa ganan edad at lalo pa kung low mileage.
- Check baka nalubog sa baha silipin mo yung instrument cluster kung may mga mantsa ng putik , ang ilalim ng carpet yung singit singit, pati sa head headlight baka may putik putik.
- Walang usok sa deep stick.
- Sa takip ng engine oil at radiator cap wala dapat parang kulay chocolate or kulay gatas.
- check lahat ng ilaw, mga switch, power windows, aircon.
- Unli katok palibot ng sasakyan baka may madaming masilya dapat tunog lata, pero kung may konti oks lang yung baka na gas gasan or nasabitan lang.
- Silipin sa Ilalim ng hood malapit sa radiator kung meron mga yupi bakal pag meron may bangga nayan pati sa likod ng trunk, para ma iwasan yung iba nag bebenta pa ng total wreck na. nirepair pa tapos bebenta din ng mahal.
- Bring trusted mechanic kasi malakas pakiramdam ng mekaniko sa mga sasakyan.
- Sakto gamit ng sasakyan estimated ng 10k mileage kada taon, example year 2015 yung sasakyan ngayon year 2021 dapat mga malapit lang yan sa 60k mileage pero kung 90 to 100k na natakbo gamit na gamit yung sasakyan.
grabe, sobrang informative mga ser. maraming maraming salamat magagamit ko to pati nang ibang mga ka ph.Eto bro naging bible ko nung bumili ako ng 2nd hand auto, pero mag sama ka pa din ng mekaniko na trusted mo or refer ng mga kakilala mo..
1. itext ang plate number sa LTO (LTO VEHICLEGGG111 send to 2600) gawin ito tuwing week days 8am to 5pm. Dito mo malalaman kung may pending apprehensions at alarma.
2. Katukin ang buong paligid ng sasakyan.... dito mo malalaman kung may hidden accident history ang oto... kailangan tunog lata... mag iiba ang tunog sa parteng masilyado.
3. Silipin ang under chassis... suriin kung may bengkong, dugtong o welding ang chassis... sign ng fatal accident.. at hindi rin safe.
4. Tignan ang dip stick... suriin kung purong langis ang makikita.. kadalasan ito ay kulay chocolate o kulay putik sanhi ng naghahalong tubig at langis.
5. Buksan ang radiator punuin ng tubig saka start ang makina.. suriin kung pahigop ang tubig habang nirerebulusyon.. hindi dapat bumubula o bumubulwak ang tubig. Sign na me tama ang cylinder head.
6. Irebulusyon ang makina hanggang 3k to 4k rpm... suriin ang usok na lalabas... kapag itim... injection pump and nozzles and may tama... kapag puti or blueish naman its either piston rings, oil rings and valve seal..
7. I road test ang sasakyan... make sure na maganda ang pasok ng kambyo walang sabit at malakas ang hatak... subukan sa paahon make sure na hindi sliding ang clutch o umaahon ng ayon sa rpm at hindi hirap.
8. Try mo naman ang preno... kapag nag apply ka ng preno kailangan hindi kumakabig ang manibela.. suriin ang brake master at mga secondaries nito... suriin rin ang clutch master at secondaries nito make sure na walang fluid leaks.
9. Suriin ang paligid ng makina... kapag nakakita ka ng excessive silicon gasket maker... sign na naoverhaul na ang makina...
10. Hayaang naka idle ang makina na bukas rin ang aircon sa loob ng isang oras.. wag kang atat.. obserbahan mo kung tumataas ang temp ng oto... kapag umangat... cooling system failure... delubyo ang aabutin mo sigurado..
SA PAGPILI NG SEGUNDA MANONG SASAKYAN WAG BASTA BASTA MASISILAW SA PANLABAS NA KAANYUAN O SA MILYAHE NG TINAKBO NITO...HAVE A WATCH FULL EYE.