What's new

Help THERMAL PASTE HINDI KO NILAGYAN?

N E W B I E ME

Forum Expert
Elite
GUYS, ask lang okay lang ba na hindi ko nalagyan ng thermal paste nong nag linis ako ng alikabok sa cpu ko? wala ng naka dikit don na tuyo na ata pero gamit ko sya now okay naman wala problema same padin performance nya kasi 3 yong fans ko eh saka naka bukas palagi cpu ko kaya hindi sya mag iinit tlga ang ask ko lang ay wala naman issue kahit hindi ko lagyan thermal paste?
 
Hi! Hindi po advisable na hindi lagyan ng thermal paste ang CPU. Kahit po na mayroon kayong mga fans at naka-bukas palagi ang CPU ninyo, mayroon pa rin pong posibilidad na mag-overheat ang CPU ninyo. Ang thermal paste ay ginagamit upang mag-provide ng mas mabuting thermal conductivity sa pagitan ng CPU at ng heatsink. Kung wala pong thermal paste, hindi magiging sapat ang contact area ng heatsink sa CPU at hindi magiging epektibo ang pagpapalabas ng init sa CPU. Maaring hindi pa po naman napapansin ang problema pero pwede pong magdulot ng mas malalang problema sa CPU sa hinaharap. Ang maipapayo ko po ay maglagay na ng thermal paste para masigurado na ligtas at nagpeperform ng maayos ang inyong CPU.
 
2weeks ko na palang ginagamit pc ko 24hrs walang patayan brownout lang ang problema dito sa probinsya

Hi! Hindi po advisable na hindi lagyan ng thermal paste ang CPU. Kahit po na mayroon kayong mga fans at naka-bukas palagi ang CPU ninyo, mayroon pa rin pong posibilidad na mag-overheat ang CPU ninyo. Ang thermal paste ay ginagamit upang mag-provide ng mas mabuting thermal conductivity sa pagitan ng CPU at ng heatsink. Kung wala pong thermal paste, hindi magiging sapat ang contact area ng heatsink sa CPU at hindi magiging epektibo ang pagpapalabas ng init sa CPU. Maaring hindi pa po naman napapansin ang problema pero pwede pong magdulot ng mas malalang problema sa CPU sa hinaharap. Ang maipapayo ko po ay maglagay na ng thermal paste para masigurado na ligtas at nagpeperform ng maayos ang inyong CPU.
maraming salamat po,magkano po kaya ang presyo ng thermal paste ngayon?
 
Mura lang naman ang thermal paste lagyan mo na lang para sigurado. Mas makakatulong po sa heat dissipation kapag may thermal paste kasi po may component po yan na nakadesign for conduction. Wala naman pong problema kung perfect contact nung CPU and heatsink mo pero hindi po to achievable in real life kasi may minor flaws yan, kapag walang paste yung area in-between is ifi-fill ni air kaya di madi-dissipate ang init ng maayos. Di ko sure kung heavily used yung processor mo kasi sabi mo 24hrs for 2 weeks mo na ginagamit pero mukhang mas need mo yata ng UPS. Wala ka nang palalamigin kung madadali yung mobo mo o CPU.
 
100% needed ang thermal paste for thermal conductivity kase yan
(tagalog explanation para maka higop ng init ng matino yung cooler)

pag tinignan mo kase yung cpu cooler flat na flat sya
pero pag tinignan mo yan sa microscope my mga butas yan na pinapasukan ng hagin
di maganda pang higop ng init yung hagin kaya nilalagyan ng thermal paste para ma takpan yang mga butas na yan ng liquid na mas magandang humigop ng init

as for price mura lang thermal paste from 20 to 300+ pesos yung price dipende sa brand
di pareparehas thermal paste and hindi lahat ng mura pagit di rin lahat ng mahal maganda
best example dito is yung GD900 thermal paste 25 pesos lang isang tube nya (50 na ngayon)
pero almost 1c land difference ng temp nya sa artic MX-4 na 300 pesos per tube
 
lagyan mo ng thermal paste.
pwedeng masunog o may pumutok sa pagitan ng heatsink at processor dahil sa microscopic space. puputok ito dahil sa pressure.
ang gamit ng thermal paste ay para ito sa space ng heatsink at processor para maitransfer lahat ng init sa heatsink
lagyan mo ng thermal paste kung ayaw mong masunugan
 
Mas magandang may thermal since ang work nun is para malapat sa heatsink yung side na di nalalapatan masyado ng heatsink kapag di lapat di nalilipat yung init
 

Similar threads

Back
Top