What's new

Closed The truth about political surveys

Status
Not open for further replies.
SURVEY says? Kung sa online may trolls o bayaran, sa mga public survey ay mayroon din! Ito yung kinomisyon ng isang indibidwal o grupo para sa sarile nilang interes at ito ay bayad...

Dalawang klase ang survey, una ay yung commissioned o binayaran ng isang indibidwal o grupo; ang pangalawa ay non-commissioned o inisyatiba ng survey company para alamin ang pulso ng bayan sa isang produkto o pananaw ng bayan sa isang pangyayari; at kasama nga dito ang popularidad ng isang produkto o tao, sa pagkakataon ito ay ang kandidato (pre-election survey).

Ang ganitong klase ng survey politikal, kontrolado ng nagbayad ang mga datos at maikokondiserang pribado kaya't hindi mauusisa ang datos at metodolohiya; kung saang lugar ginawa, demographic (o klase ng tao -babae, lalaki, idad, atbp). Kung isapubliko man ang resulta nito, kontrolado ito ng nagkomisyon o ng nagbayad. Ibig sabihin, paano mo kukwestyonin kung tutuong tao nga ang mga 'responder' o mga sumagot dito o kung talagang nagsagawa nga ng survey.

Maituturing itong mga ganitong klase ng survey na self-serving o promotion para sa nagpasurvey! Isa rin itong klase ng mind-conditioning sa kadahilanang nakakimpluwensya ito sa persepsyon ng mga tao na madaling ma-sway o madaling mabaling ang kanilang pagiisip o pananaw sa isang produkto o tao - yung tinatawag na 'bandwagon effect' o yun bang pag mas maganda ang survey sa produkto man o tao, ay nagkakaroon ito ng integridad o lalabas na maayos at kanais-nais ang produkto o tao man yan!

Kaya't maraming nahahalina o naakit, ibig mapasama o masasabing sama ko dyan...trending o uso yan! Nakakalungkot pero yan ang ugali ng karamihan at madaling napapaniwala ang tao sa mga ganitong pamamaraan ng 'marketing' o pagbebenta ng isang produkto o tao bilang kandidato.

Dagdag pa ang paggamit ng lehitimon advertising tulad ng telebisyon, print -billboard, balita, social media upang maipromote ang naturang survey, at pinatitibay nito ang integridad ng survey.

Sa ganitong klase ng labanan, lamang ang indibidwal o grupo na may pera. Gamit ang bayarang survey firm, at ang mga major media outlet upang magkaroon ng validation o bahid ng katotohanan ang resulta nga ng survey.

Isang mahalagang basehan din ay kung sino at anung kumpanya ang gumawa ng survey - nakalulungkot na sa Pilipinas ay may dalawang major survey firm na tampulan na nga ng hinala; ang SWS at ang Pulse Asia. Malinaw na ang kinabubuhay ng survey firm ay ang ρáíd surveys, ito ay negosyo. Para makagawa ka ng isang kapanipaniwalang survey na sasakop sa buong bansa, na may 1, 200 respondents lang ay daan-dang libo na ang gastusin. At malaking bahagi ng survey ay base sa mga field surveyors o yung mga nagiikot at nagtatanong...at syempre yung mga natatanong!

Pwede bang manipulahin ang survey? Oo naman, yung itatanong mo at sinong tatanungin mo ay napakahalagang component nito. Halimbawa:

1. KLASE NG KATANUNGAN: Ang katanungan sa survey ay, "sino ang iboboto mo" sa darating na eleskyon? Nagbigay ng listahan ng iboboto pero nilimita lamang ang choices pabor sa partido ng nagpasurvey at siningit ang ilang oposisyon.

2. SAKOP NA LUGAR AT KLASE NG TINATANONG: Ang sinuyod na lugar ay mga kilalang balwarte ng nagpasurvey o kontrolado.

Ang tsansang lumabas na ang mapipili ay mga kandidato ng nagpasurvey. Kung matatandaan na mayroon na ring kumalat na balita at nalathala na rin na tinawag na "survey under the mango tree". Na kung saan ay may nakakuha ng video na may isang grupo na na may sinusulatang mga papel na ang heading ay sa isang kumpanya ng isang survey firm. Lumabas na itong mga papel ay survey form na kinukumpleto sa loob ng isang fastfood chain. Nalathala ito nguni't hindi ito sinagot ng kumpanyang nasangkot.


Kung ito ay tutuo, malinaw na hindin na nagsagawa ng tunay na survey ang mga field surveyors at sila na mismo ang nagpuno sa mga katanungan ng survey.

kaya nga hindi nakapagtatakang ang dalawang survey firm sa Pilipinas ay nataguriang trolls - ang SWS ay tinawag na "Social Weder Weder' lang at ang Pulse Asia naman ay tinaguriang "False Asia".

Sana naman magising na ang tao na ang kandidato ay isang produktong nilalako, at gamit ang makabagong pamamaraan (marketing), pwedeng pabanguhin at palabasing popular o mabango sa publiko!Huwang pagpalinlang, naduterte na tayo, huwag nag umulit. Huwag maging ***** sa pangalawang pagkakataon.
 
Mind conditioning lang ang purpose ng Pulse Asia & SWS kaya sila binabayaran ng kandidato. Dapat di na nagrerely ang mainstream media sa survey firms na yan, tutal di rin naman reliable ang data nila (binayaran lang).
 
Mabasa sana ito ng mga taong naniniwala na ang pilipinas daw ay umuunlad.

Ka pag ang isang research foundation ay pinapatakbo ng gobyerno at negosyante wag na kayo umasa na totoo ang sasabihin nito.

Tulad ng isang research foundation na pinapatakbo ng gobyerno para alamin kung magkano dapat ang kitain ng isang pilipino para mabuhay ang limang myembro ng kanyang pamilya. Dahil sa nakikita nila na lumalayo ang dapat maging minimum na sahod ng isang pilipino para mabuhay ang pamilya ay mismong gobyerno ang nagpatigil dito.

Buti na lang meron mga indie research foundation tulad ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na nagtutuloy nito para malantad ang mga tinatago ng gobyerno na ito.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top