What's new

Help TANUNGAN NG SIRA SA COMPUTER AT LAPTOP | TANONG MO, SAGOT KO!

CONFITEOR

Honorary Poster
Computer technician ako for several years, and I can say na marami na ko na-encounter na problema sa computer at naayos.

Ask me anything tungkol sa sira ng computer at laptop nyo.

Sa mga kapwa ko technician tulungan din po natin ang mga members dito sa problema nila, wag lang sa love life 😅🤣

When posting questions, please post in this format para madali ma-trace ang problem

*************
Problem/Errors (if error, indicate the error code):
Date when last used (na okay pa):
Date problem/error occured:
Last activity bago nagkaproblema (example: nanonood ka lang ng p*rn bigla na lang nag shutdown na pc mo):
*************

Paki indicate din kung anong unit at quick specs:
Motherboard:
Procie:
RAM:
Windows OS Version (Win 7, Win 10, XP)

Always do first level troubleshooting:
1. Check cables/connections
2. unplug and unplug power cable/laptop charger
3. check kung umaandar ang fan
4. for no boot/no display, reseat RAM: clean with erase then put it back
at marami pang basic procedures na pwede munang gawin na baka sakaling mapagana ang system unit/laptop nyo

Sa mga may visible na sira sa LCD, (*****, lcd burn, etc.) obviously for replacement na ang case nyan, pero kung mapagtyatyagaan nyo gamitin wala namang problema don

Sa keyboard ng laptop with keys na di gumagana, I suggest na baklasin o ipabaklas nyo at linisan ang keyboard, marami nagagamot pa sa ganon bago magproceed sa replacement. Tinatanggal ko minsan yung di gumaganang key, at ibinabalik lang tapos gumagana na ulit.

Let's keep this thread alive! Susubukan ko kayo matulungan based on my experience ^_^
 
Last edited:
Bumili po kasi ako ng Second Hand na Laptop.
Dell Latitude E6430 model.
Core i7
Windows 10

Ang issue po ay ayaw magcharge kapag naka-off. Need po muna i-on ang laptop bago mag charge. Then kapag naka-plug in ang charger, hindi din sya mag oopen.
Nung una po ok naman, charging kahit naka off. until Before Lockdown ayaw na nya mag-open pag naka-off.

-Bumili na po ako ng bagong battery at charger pero ganun padin po.
-Ang temporary solution ko po is aalisin ko yung battery then pagka-plug ko po ulit ng battery pipindutin ko agad yung power on para bumukas tapos isasaksak ko agad yung charger para di malowbat.


PLEASE HELP ME PO.
Kahit na sabihin nyo lang po yung sira para kahit papano po malaman ko kung magkano aabutin ng pa-repair.

THANK YOU.
 
Okay mga boss tatry ko ung mga suggestions nyo pero san ba pwede magdl ng OS meron ako kaso un nga under scote lang at naerased ko na? burado na rin kasi ung product key ng laptop. Window 7 vista na os
 
hello mga sir nasira mother board ko anung maissuggest nyong ipalit
dating asus prime B250-A gamit ko inihian daw ng daga

details
i7700
any suggestion? thank's po
 
Boss tanong ko lang anong problema sa laptop ko? DPC_WATCHDOG_VIOLATION daw wala naman ako ginawa nag scroll lang ako o manuod ng video sa YøùTùbé tapos ganyan nalabas. naka Windows 8.1 po ako tinry ko magsearch sa YøùTùbé sabi need lang daw update sa latest driver e nung nag upgrade naman ako sabi din na "Best driver already installed" sana po matulungan nyo ako dito matagal ko na problema to
 
check mo nga sa task manager mo kung gaano kataas yung usage ng RAM mo, tapos ano nga palang OS ang gamit mo??
 
Naayos ko nmn po sya nalaman ko po gawa po ng avast nung inuninstall ko po sya umayos na po, kaso lang po Noong inopen ko po uli nag iba po yung screen then di ko daw po sya narestart ng maayos tapos po nakalagay auto repair na po tas naging blue po yung screen 😭
 
Screenshot_20200908_000707.png
 

Attachments

Similar threads

Back
Top