What's new

Help TANUNGAN NG SIRA SA COMPUTER AT LAPTOP | TANONG MO, SAGOT KO!

CONFITEOR

Honorary Poster
Computer technician ako for several years, and I can say na marami na ko na-encounter na problema sa computer at naayos.

Ask me anything tungkol sa sira ng computer at laptop nyo.

Sa mga kapwa ko technician tulungan din po natin ang mga members dito sa problema nila, wag lang sa love life 😅🤣

When posting questions, please post in this format para madali ma-trace ang problem

*************
Problem/Errors (if error, indicate the error code):
Date when last used (na okay pa):
Date problem/error occured:
Last activity bago nagkaproblema (example: nanonood ka lang ng p*rn bigla na lang nag shutdown na pc mo):
*************

Paki indicate din kung anong unit at quick specs:
Motherboard:
Procie:
RAM:
Windows OS Version (Win 7, Win 10, XP)

Always do first level troubleshooting:
1. Check cables/connections
2. unplug and unplug power cable/laptop charger
3. check kung umaandar ang fan
4. for no boot/no display, reseat RAM: clean with erase then put it back
at marami pang basic procedures na pwede munang gawin na baka sakaling mapagana ang system unit/laptop nyo

Sa mga may visible na sira sa LCD, (*****, lcd burn, etc.) obviously for replacement na ang case nyan, pero kung mapagtyatyagaan nyo gamitin wala namang problema don

Sa keyboard ng laptop with keys na di gumagana, I suggest na baklasin o ipabaklas nyo at linisan ang keyboard, marami nagagamot pa sa ganon bago magproceed sa replacement. Tinatanggal ko minsan yung di gumaganang key, at ibinabalik lang tapos gumagana na ulit.

Let's keep this thread alive! Susubukan ko kayo matulungan based on my experience ^_^
 
Last edited:
Mga master ano kaya sira ng pc ko?
Madalas kasi siya nuon mabunot sa saksakan tapos ngayon ayaw niya na mag open, nag try na ako mag cmos reset, nilinis ko na ram, inalis ko videocard, pag inoon ko siya ng walang gpu umiikot naman pero mga ilang seconds lang mamatay walang display, pag nakasalpak gpu hindi nag oon
Ano po kaya sira sa mga parts mga sir?
Salamat
 
Pahelp po windows 7 pc wala po sya wireless connection di po madetect ano po un need ng lan cable lagi pra nakapag internet salamat. May way po ba pra maactivate ang wireless connection
 
Pahelp po windows 7 pc wala po sya wireless connection di po madetect ano po un need ng lan cable lagi pra nakapag internet salamat. May way po ba pra maactivate ang wireless connection
kung laptop ka need po i update ang driver, most of laptops may wifi card
kung desktop then need mo ng WIFI USB Dongle

Mga master ano kaya sira ng pc ko?
Madalas kasi siya nuon mabunot sa saksakan tapos ngayon ayaw niya na mag open, nag try na ako mag cmos reset, nilinis ko na ram, inalis ko videocard, pag inoon ko siya ng walang gpu umiikot naman pero mga ilang seconds lang mamatay walang display, pag nakasalpak gpu hindi nag oon
Ano po kaya sira sa mga parts mga sir?
Salamat
marami pong possible issue yan

firstly remove mo lahat, RAM GPU, Storage, Cards, lahat maliban sa CPU
kabit mo yung PSU
ngayon isa isahin mong ikabit yung mga pyesa then start

RAM - Boot to BIOS
2nd RAM - BOOT to BIOS
GPU - BOOT to BIOS
Storage - Boot to OS

kung saang pyesa ka hindi makaka boot then yun ang issue
kung sa RAM palang may problema ka na then 3 ang possible issue mo
RAM, PSU, Board
dito kailangan mo nang mang hiram ng working na RAM at PSU para malaman mo kung alin sa 3 yan ang issue

Sir ano po kaya sira nang laptop ko ayaw mag bukas nailaw lang ung power button nya .
Sony Viou po laptop ko sana matulungan nyu ako

Nilinis ko na din ung ram ayaw pa din ee
mahirap sagutin to kasi kulang sa details
pwedeng RAM, BIOS, LCD



pa upvote naman jan :D
 
Boss nasa magkano kaya motherboard ng laptop ngayon? Nasira kasi.
dipende sa model yan ser... at kung ako ang tatanungin, instead na MOBO ang bilhin mo, mag ipon ka nalang ulit pang bili bago

kasi kung sakaling maka kita ka ng mobo for your laptop, hindi ka sure kung walang issue sa ibang peripherals
 
dipende sa model yan ser... at kung ako ang tatanungin, instead na MOBO ang bilhin mo, mag ipon ka nalang ulit pang bili bago

kasi kung sakaling maka kita ka ng mobo for your laptop, hindi ka sure kung walang issue sa ibang peripherals
Ah okay po boss. Salamat po sa advice.
 
So sir ask lng ng help mo, may laptop kasi ako, mejo laggy na sya pero ndi naman ganun kababa specs nya tas napapadalas ung windows error na kulay blue BSOD ata un na may qr code. Dati rati mabilis naman mag open mga program etc. nakakapag edit pa ko sa photoshop at lightroom maging sa premiere. Ngayon sobrang lag miski mag open lang ng basic na apps or miski buksan ung ibang options sa control panel. Btw ito ung specs ng laptop ko.

Brand - ASUS vivobook ρrø NV580VD 2017 model
Processor - i7 7th gen
Ram - 16 gb
Ssd - 500
Hdd - 1tb
Vid card - geforce gtx1050
Os - win10

Tho, 2017 model pa sya at updated naman ung windows nakakapagtaka lng bat ganun ung performance. Nag disk cleanup at disk defrag na din ako, clear cøøkíés at cache. May space pa din ssd ko.

Madalas pa after nyang mag bsod at mag restart. Didirecho sya sa BIOS settings.

Wala na kasi ako time mag research or manuod sa YøùTùbé ng mga solution. Kasi busy na masyado sa work. Sana matulungan nyo ko. TYIA GODBLESS PO.
 
Ts ask ko kung pano kya pwd gawin naka red kc ung wifi led ng laptop hindi ko xa ma turn on kc sira na un hanay ng f10-f12 buttong ng laptop.. gumamit dn ako ng usb keyboard pero d pa dn xa ma on.. any auggestion po sana.. salamat in advance sir
 
Hello po sir, ask ko lang po paano po mapalabas ang password box sa laptop ko po Windows 10 nastuck lang po sya. Nagtry narin po ako yun ctrl+alt+del hindi po siya working ganun parin po nastuck. Sana matulungan ninyo po ako. Thank You in advance sir.
 
left side control and f2 di gumagana
Pagpag mo muna baka madumi lang.

Ts ask ko kung pano kya pwd gawin naka red kc ung wifi led ng laptop hindi ko xa ma turn on kc sira na un hanay ng f10-f12 buttong ng laptop.. gumamit dn ako ng usb keyboard pero d pa dn xa ma on.. any auggestion po sana.. salamat in advance sir
Un-install mo ang wifi driver ng laptop mo. Tick mo din kung may tick box. Restart kusa na mag install wifi driver.
 
Last edited:
Buhay paba thread nato?? mga mamsir. balak ko sana mag upgrade ng laptop kaso. di ako sure kung ano papalitab baka pag bumili ko ng parts ng laptpp tos di naman compatible baka masayang lang..
 
Anong model ng laptop mo?
Mostly upgrade ng hdd to ssd at add ng ram.
paps eto po baka matulungan mopi ako. hirap na kasi gamitin ngblaptop sobrang lag na. nga po pala pag ba pinalitan ng ssd wala napo bang aayusin?? salamat po

20220330_163033.jpg

Anong model ng laptop mo?
Mostly upgrade ng hdd to ssd at add ng ram.
paps eto po baka matulungan mopi ako. hirap na kasi gamitin ngblaptop sobrang lag na. nga po pala pag ba pinalitan ng ssd wala napo bang aayusin?? salama
Anong model ng laptop mo?
Mostly upgrade ng hdd to ssd at add ng ram.
saka po sir pa recommend naman gaanong kalaking ram pwede kong ilagay saka po pwede po bang palitan sa 32bit to 64bit
salamat po
 

Attachments

Last edited:

Similar threads

Back
Top