What's new

Help TANUNGAN NG SIRA SA COMPUTER AT LAPTOP | TANONG MO, SAGOT KO!

CONFITEOR

Honorary Poster
Computer technician ako for several years, and I can say na marami na ko na-encounter na problema sa computer at naayos.

Ask me anything tungkol sa sira ng computer at laptop nyo.

Sa mga kapwa ko technician tulungan din po natin ang mga members dito sa problema nila, wag lang sa love life 😅🤣

When posting questions, please post in this format para madali ma-trace ang problem

*************
Problem/Errors (if error, indicate the error code):
Date when last used (na okay pa):
Date problem/error occured:
Last activity bago nagkaproblema (example: nanonood ka lang ng p*rn bigla na lang nag shutdown na pc mo):
*************

Paki indicate din kung anong unit at quick specs:
Motherboard:
Procie:
RAM:
Windows OS Version (Win 7, Win 10, XP)

Always do first level troubleshooting:
1. Check cables/connections
2. unplug and unplug power cable/laptop charger
3. check kung umaandar ang fan
4. for no boot/no display, reseat RAM: clean with erase then put it back
at marami pang basic procedures na pwede munang gawin na baka sakaling mapagana ang system unit/laptop nyo

Sa mga may visible na sira sa LCD, (*****, lcd burn, etc.) obviously for replacement na ang case nyan, pero kung mapagtyatyagaan nyo gamitin wala namang problema don

Sa keyboard ng laptop with keys na di gumagana, I suggest na baklasin o ipabaklas nyo at linisan ang keyboard, marami nagagamot pa sa ganon bago magproceed sa replacement. Tinatanggal ko minsan yung di gumaganang key, at ibinabalik lang tapos gumagana na ulit.

Let's keep this thread alive! Susubukan ko kayo matulungan based on my experience ^_^
 
Last edited:
sir ano po solution dito?
salamat po sa sasagot need ko lng po talaga
IMG_20200709_192109.jpg
 

Attachments

Hello po, yung laptop po namin hindi po sya gumagana,I mean po may lumalabas na blue screen na may sad face sa gilid.May nakalagay din po na code:Unmountable boot Volume
Btw.sir tri-ny ko na din po kasi yung mga tutorials sa YøùTùbé yung automatic repair pero po sa next step yung advance options hindi po ako makapunta dun,loading lang po ng loading yung automatic repair paglatapos po nun mag babablack lang yung screen,Sana po matulungan and ma-notice nyo po ako Thanks!
 
Motherboard:A68HM-E33 V2
Ram: 10gb
Date used: July 29, 2020 3:45
Date Problem: July 29, 2020 9:30
Problem: umaandar pc pero wlang display
Other Info: napaayus ko po to sa pc repair shop sabi daw grounded motherboard ko tas inaus nila, umandar sya, last time nangari po to is nung bandang May po, hndi ko po na paayus agad kac covid nung July ko po sya pinaaus, July 16 this year... ask ko lang po kung paanu maalis ground ng motherboard ko kung saka sakali un parin problema, at stka tinry ko na po ung nilista na basic troubleshooting wla parin
 
Sir ask ko lang yung Aces Aspire ko kasi eh ayaw magpower on pero nagchacharge naman siya at may indicator for charging. Yung sa Power indicator niya still walang light. Ilan beses ko na tinatry i-on ayaw talaga. Anu kaya posibleng sira at paano pwedeng maayos?? Mahal kasi singil ng tech.
 
boss ano pong solution sa sira ng laptop keyboard. nabasa po kasi sya then pag open ko po nagtatype na ng kusa then ibang letter ang lumalabas pag tinype. salamat boss.
 
Tanong po. Every time na i-oopen yung laptop, BSOD, iba ibang error kada power on.
Tapos binaklas ko yung heatsink ng gpu, kita ko kase umaapaw sa dami yung thermal paste (pina repair kase yung laptop tapos nilinis na din daw nila). Isip ko baka yun yung dahilan ng BSOD, tapos nung binalik ko na heat sink, may BSOD pa din. Tapos yung screen nag fflicker pag windows login na. Di na naglload ng maayos, puro flicker lang yung screen.
 

Similar threads

Back
Top