What's new

Trivia Tanong na wala pang nakasagot tungkol sa bibliya

[XX='Vanch1018, c: 765067, m: 1417171'][/XX] magkaibang ulat yan.. saka isa pa hindi naman ang ugat ang ipinupunto dyan kaya sakin pag aaral ng bible walang ibig sabihin yan dyan sa teksto na ginamit mo sa aklat ng Roma.
 
Sabi ko po "kung" aral sa inyo.. ibig ko lang hong sabihin pueding hindi o pueding oo.hindi ho ganon ang gusto kung iponto kasi hinahanap ko sa site niyo yong artikulo niyan nahihirapan akong makita.kung diko makita ibig lang ho sigurong sabihin wala kayong turong ganyan o maaring mayron pag nasa kongregasyon na kayo o sa loob ninyo.

Baka sa iba makita ko ang sagot kung hindi swe-awertihin dito.may kasunod pa sana akong itatanong.🤔🤔🤔🤔🤔
 
Last edited by a moderator:
Yung sinasabi ninyo na inaalayan or sinasamba is the result of fusion ng local beliefs and catholicism which is folk catholicism at nageexist lang halos sa Pilipinas. Eto yung problema sa mga literalist tsaka mga masyadong nagi-stick sa old testament consisting old traditions na kung iisipin eh obsolete na. And masyadong nagke-claim na Christian pero ang sinusunod eh nasa Old Testament pa. Also sa mga self-proclaimed agnostic and atheist na nakabasa lang ng kung ano sa facebook akala alam na lahat ng nasa Biblia. It just shows how ignorant people like these kasi di man lang iniintindi nang mabuti yung doctrine. And hey, "Christians" na lagi na lang pinopoint out yung tungkol jan sa rebulto santo santo na yan, as if di naman kumuha ng foundation ng doctrine nila sa existing traditions ng Catholicism.
 
Israel daw po...confirm ko lang boss,yong tungkol doon sa follow-up ko may pag-aaral ba kayo doon sa "ugat ng igos"?wala bang importansiya yon sa mga aralan ninyo baka kako hindi lang naipa-publish sa site niyo.
 
Exactly... kaya ako nag tatanong.
Kasi paano mo ko mapapaniwala kung galing lang ito sa salita ng tao na kapareho mo at kayang sabihin ito ng kahit na sino ? at ang tanging pinag kukuhaan nila ng source ay isang libro? Pano mo sakin mapapatunayan na ang relihiyon at diyos mo ang totoo?
Kung may makakausap akong ibang tao na taliwas sa paniniwala mo, sino ang pipiliin ko sa inyo kung parehas kayo ay tama at ang pinaka patunay nyo lang ay galing lang sa isang libro?


Ang tinatanong ko ay base sa ngyayari sa mundo at hindi sa libro, base ito sa ngyayari sa paligid mo, base ito sa karanasan at nararanasan natin.
Ngayon kaya ko nasabing "Without faith" kaya mo bang sagutin yung mga tanong ko ng walang halong pnanampalataya sa kaniya? Kasi kung hahaluan mo ng FAITH ay magiging bias ang sagot mo at sa huli ang tanging magiging sagot mo lang ay ang PANANAMPALATAYA.

Kung ganoon, pwede ko rin bang hikayatin ang iba na sumamba kay Superman? At sabihin na siya ang totoong tagapag ligtas? At ang tanging patunay ko lang ay galing din sa libro.
 
"Pumasok kayo sa makipot na pintuang-daan, dahil maluwang ang pintuang-daan at malapad ang daang papunta sa pagkapuksa, at marami ang pumapasok dito;
Pero makipot ang pintuang-daan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang mga nakakahanap dito" - Mateo 7 : 13 , 14

Binanggit sa Mateo 7 : 13 , 14 na makipot ang pintuang-daan papunta sa buhay at kakaunti ang nakakahanap at ang requirements dito ay ang Juan 17 : 3 na binabanggit ay "Para magkaroon sila ng buhay na walang hanggan, kailangan nilang makilala ka,You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang tanging tunay na Diyos, at ang isinugo mo, si Jesu-Kristo." Sabi dito ay kailangan makilala ang tunay na Diyos at si Jesus.
 
Last edited by a moderator:
Share ko lang ho,ang tatay po kasi ni jesus sa laman na si Jose ay isang anluwagi sa malamang noong hindi pa niya panahon para nangaral ginagawa po niya ang trabaho ni Jose.nagaanluwagi din siya.

Mar.6:3 Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila.
 
[XX='ghells, c: 765553, m: 749064'][/XX] ok. Hindi ko kaya sagutin mga tanong mo, sa iba ka nalang magtanong baka sila makasagot sayo.
 
Noted sir, no hate just asking lang. At mejo mukhang bastos at pilosopo lang yung tanong ko, pero straight to the point. Natanong ko na din siya sa ilang mga pastor at taong simbahan, hindi din nila kayang sagutin kung hindi sila mag babase sa bible. Hindi din nila ako kayang bigyan ng makatotohanang sagot at ang tanging sagot lang nila sa huli ay MANAMPALATAYA.

Anyway thank you pa din sa pagsagot ts, ituloy lang natin kung anong alam nating tama.
 
Ok boss,may itatanong sana uli ako sipagin sana kayo uli ng pagsagot ito pi yong verse:

Mat.21:43 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.

Ibig bang sabihin niyan itinakwil ng Dios yong mga israelita kasi ika "aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios" at ibibigay ika sa "nagkakabunga"?

Para pala sila yong puno sa talinghaga na isinumpa ni kristo dahil di nagbunga yong igos.itinakwil ba sila ng Dios dahil di sila nakitaan ng bunga?
 
Si jesus ay anak ng diyos ginaganap ng anak ang kalooban ng ama si jesus may kapangyarihan magbigay buhay at magpagaling kagaya ng ama dko maintindihan bakit di sya kinikilala diyos walang ibang diyos o angel na kayang bumuhay ng patay o magpagaling ng katawan ng tao
 
Oo tinakwil sila bilang piniling bayan ng Diyos kasi hindi sila nanampalataya sa anak ng Diyos, sila pa nga nagpapatay kay Kristo.. Kaya pumili ang Diyos ngayon ng isang bayan na ukol sa kanyang pangalan, na galing sa ibat-ibang bansa o Gentil, na kung saan sila yung mananampalataya at magpapahalaga dun sa ransom sacrifice ni Jesus Christ kaya inaasahan sa mga mananampalatayang ito na sila ay mamumunga ibig sabihin ipapakita nila yung kanilang matibay na pananampalataya Kay Jesus at sa Diyos mismo.
 
[XX='ghells, c: 766264, m: 749064'][/XX] kasi limitado lang ang kaisipan o nalalaman ng tao kung saganang sarili lang nya imposibleng malaman at naunawaan nya ang lahat ng sagot sa mga tanong nya sa buhay. Kailangan nyang magkaroon ng pananampalataya , at sa bible ang kahulugan ng pananampalataya ay "paniniwala sa isang bagay na salig sa matibay na ebidensya" ibig sabihin ang isang taong may pananampalataya ay kumbinsido sa kanyang pinapaniwalaan kasi nasuri nya mismo at napatunayan sa sarili ny na totoo lahat ng nalaman nya para magawa yun na makumbinsi sya kailangan nya gumugol ng maraming panahon para pag aralan mabuti ang salita ng Diyos.hindi nakukuha yan sa isang tanong isang sagot tas may pananampalataya kana agad... Kaya kung gusto mo malaman ang sagot sa mga tanong mo na tanging Diyos lang makakapagbigay linaw sa mga tanong nayan.. kailangan mong gumugol ng panahon para pag aralan ang salita ng Diyos at suriing mabuti kung yun bang paniniwala ay nakasalig sa katotohanan at ebidensya.
 

Similar threads

About this Thread

  • 2K
    Replies
  • 35K
    Views
  • 190
    Participants
Last reply from:
Gentleman007

Online statistics

Members online
928
Guests online
4,498
Total visitors
5,426
Back
Top