What's new

Tanong lang ulet .. Anong nakakumbinsi sa inyo na ang Bibliya nga ay salita ng Diyos?

Cerebellum

Honorary Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
824
Reaction
408
Ang tanong naman na ito ay para naman sa mga taong naniniwala sa salita ng Diyos .. Ano ang mga bagay na nakakumbinsi sa inyo na ang Bibliya nga ay salita ng Diyos?

Para sa akin, ang ilan sa mga bagay na nakakumbinsi sa akin para paniwalaang ang Bibliya ay salita nga ng Diyos ay kapag bumabanggit ito tungkol sa siyensiya. Palaging tumpak ito. Gaya ng nasaliksik at napag-aralan ko, once na may binanggit ang Bibliya tungkol sa siyensiya, palagi itong kaayon ng mga natutuklasan o nadidiskubre ng siyensiya. Kaya, kahit libo-libong taon na ang lumipas, pero mas nauna pa ang Bibliya pagdating sa pagbanggit sa mga natutuklasan ng siyenisya.

Halimbawa nito ay yung water cycle, yung planeta natin na nakalutang sa kalawakan, yung pagbanggit nito about sa pagiging bilog ng lupa at iba pa. Kaya, ilan lang iyan sa mga bagay na nakakumbinsi sa akin na paniwalaan ang Bibliya bilang salita ng Diyos dahil bago pa napatunayan/napag-aralan/naobserbahan ng mga siyentipiko ang mga bagay na iyan pero nauna nang binanggit iyan ng Bibliya. Wala pa naman mga teleskopyo noon o mga instrumento para mapag-aralan ang tungkol sa mga bagay na iyan pero ipinasulat na ng Diyos sa kaniyang salita ang mga bagay na iyan bago pa matuklasan ng mga siyentipiko.

Kayo, ano ang nakakumbinsi sa inyo na paniwalaan ang Bibliya bilang ang salita ng Diyos?


____



Para sa mga hindi naniniwala, sa isang thread ko po kayo magpost or magcomment ...

dito oh > https://phcorner.net/threads/tanong-lang-anong-pinag-aalinlanganan-ninyo-sa-bibliya.1271133/
 

dragonball29

Enthusiast
Ng bata pa ako kami ay lumaki na sagrado katoliko na niniwala at sumasamba sa rebulto or imahe na gawa ng tao. Ngunit sa aking pag laki na isama ako ng aking gf sa kanilang gawain at ako ay namulat magbasa na bibliya. Hindi ko maipaliwanag ako ay niiyak sa mga istorya ni Cain at Abel ni Job at sa bagong tipan naman mga talinghaga na ginawa ni Hesus. Hindi ko maintindihan or maipaliwang pero ako ay naniniwala na ang bibliya ay salita ng Diyos.
 
Para sakin yung mga hula sa bible na nagkatotoo kahit ilang daang taon patiuna sinabi na to sa bible pero nnagyari at walang nag mintis kagaya na lamang nung hula tungkol sa pagkawasak ng babilonya. Inihula na kung sino ang wawasak, at napakadetalyado kung paano nya ito wawasakin... At yung din napakaraming hula tungkol sa mesiyas o kristo na walang iba kundi ang P. Jesus naka kumbinsi din sakin yan.. gawan ko nalang thread to pag nag ka time 😆
 

Cerebellum

Honorary Poster
Ng bata pa ako kami ay lumaki na sagrado katoliko na niniwala at sumasamba sa rebulto or imahe na gawa ng tao. Ngunit sa aking pag laki na isama ako ng aking gf sa kanilang gawain at ako ay namulat magbasa na bibliya. Hindi ko maipaliwanag ako ay niiyak sa mga istorya ni Cain at Abel ni Job at sa bagong tipan naman mga talinghaga na ginawa ni Hesus. Hindi ko maintindihan or maipaliwang pero ako ay naniniwala na ang bibliya ay salita ng Diyos.
Salamat po sa pagbabahagi
 

Similar threads

Top