What's new

Tanong lang .. Anong pinag-aalinlanganan ninyo sa Bibliya?

Status
Not open for further replies.
hindi ka ba pwede maging direct to the point and not deflecting the issue at hand? ikaw ang tinatanong ko at hindi kung ano man ang inaakala mong saloobin ng iba.

again, hindi ba sumagi sa isip mo ang pag-aalinlangan?
Sumagi na din naman sa isip ko yan 🙂 Pero hindi rin nagtagal, at isa pa, magkaiba din po kasi ang pagkakakilala ng ibang tao sa Diyos ng Bibliya, kaya kahit may instances na sumagi sa isip ko yung pag-aalinlangan pero nauunawaan ko kasi kung anong uri ng Diyos ang Diyos na sinasamba ko .. At ang basehan ko para malaman kung anong uri siya ng Diyos ay hindi batay sa kung ano ang pananaw ng iba sa Kaniya at kung ano ang iniisip ng iba sa mga ginawa Niya noon/ngayon kundi sa kung paano niya ipinakikilala ang sarili Niya sa akin sa Bibliya ..

Sa totoo lang, kung ano ang pananaw ng isang tao sa Bibliya, makakaapekto iyon sa pananaw niya pagdating sa Diyos at sa mga pagkilos Niya 🙂
 
Last edited:
Ang pagkakaalam ko na kapag ang isang tao ay nag-alinlangan, it is either iignore niya or hahanapan ng sagot or bibitawan. Sa kaso ng ibang tao ay kapag nag-alinlangan, iniignore na lang. Halimbawa. Nag-alinlangan sa biblia. Imbis na bitawan ay iignore na lang ang mismong alinlangan sa utak at e embrace pa rin kung ano mismo naka sulat sa biblia at kinakailangan sundin pa rin ang nilalaman ng biblia. Ang ibang tao ay naghahanap ng sagot sa nararamdaman alinlangan sa biblia kaya it is either lumabas na ng biblia na hanggang mabago ang paniniwala dahil nawalan na ng tiwala sa biblia or pwede naman ang hinahanap na sagot ay nasa biblia lang din. Ika nga, no questions ask. Magtiwala lamang.

Ang ibang tao ay kapag nag-alinlangan ay tatanggapin nito, sabay bitaw. Katulad ko. Na nag-alinlangan ako sa biblia, no questions ask din, sabay bitaw agad. Dati-rati nang gusto ko pa e save ang faith ko sa mismong nilalaman ng biblia, nagtatanong-tanong pa ako pero walang hope. Meron mga sagot from the expert na mahirap siyang tanggapin. If mahirap tanggapin, mataas ang posibilidad na mangungulit at mangunglit ang tao at minsan, andoon ang point na makikipag argue na lang dahil meron pang ibang knowledge na pinahahawakan mismo ang tao. E kase, kung ganoon lang pala na hindi kayang tanggapin ang sagot na ibinibigay ng magagaling sa biblia at meron din palang other knowledge ang tao na tanong ng tanong, bitawan na lang niya ang tanong at iwan na lang niya tuluyan ang mismong biblia. Yakapin na lang niya kung ano ang meron knowledge na meron sa kanya na outside the bible.

Ganun iyon diba? Or kung gusto pa e save ang faith, kailangan e empty muna ang cup or what I mean bitawan lang muna ang knowledge ng iba pang information na tinanggap mismo at then, andoon na lamang tatanggapin ang mga sagot na galing sa bible expert. Iyon ay kung accept sa mismong heart.

..pero depende na iyon sa tao po kase. If ang tao na iyon ay para sa kanya na ang bible ay beneficial, natural, kahit ata nag-aalinlangan siya, kakapitan na lang niya at pagkakatiwalaan pa rin nito ang nilalaman ng biblia. Sa kaso ko kase, ang biblia ay quite na hindi ko na pinagkatiwalaan lalong-lalo na ang ilan content ng biblia na 100% percent na walang gender equality doon. Meron sexism na nasa content ng biblia at saka prejudice at kung pagmamasdan ng mabuti na kapag nagsama-sama ang tao na meron same ng beliefs (although hindi ko nilalahat) na ang kulturang matriarchal ay they consider forbidden, demon, evil- anything na meron femininity ambiance.

Tinanggap ko na siya. Wala na ako worry doon so kapag tinanggap ko na siya sa heart, malamang hindi na ako makakabalik na dati-rati kung saan na nagtitiwala pa ako sa ilan nilalaman ng biblia. Tinanggap ko na kase siya na ganun talaga na kahit bali-baligtarin ang mundo, tanggap ko na siya na ganun nga.

Halimbawa. Mga south korean na pagdating sa boy band diba? E both lalake at babae ay nag me make up sila pero tunay na lalake pa rin ang tawag sa kanila while other people, ang sabi na keyso bakit ang lalake ay nag me make up daw- ang tawag sa kanila ay bakla or bading porke naka make up lang ang lalake. Mga ganoon mentality ay it seems na hindi nila makita na tunay na lalake pa rin ang nag me make up.

Why?

Anything na meron influence ng femininity characteristics is consider masama, forbidden, evil, demon or anything na meron negative impression.

Tingnan niyo ang 7 beast na itinutukoy na bansa raw.

Ang Iceland. Hindi umaalis sa pagiging matriarchal ang Iceland at mataas ang femininity nito. Sabi nga ng socio anthropologist, from past up to present raw kase ay mga nordic culture ang mga Icelandic. Ang Sweden ay tinagurian na best country for women na pati ang Iceland... basta hindi ko na babanggitin ang ibang countries. Example lang iyan na tinatawag na pambabae ang dating and yet, meron din nag interpret na keyso kasama sa 7 countries sa 7 beast ang alam ko na Iceland at ang ilan pa. Ang Iceland pa naman ay sobrang taas ng gender equality doon. Mataas. Unexpected, e iyon pa ang iniinterpret ng ibang tao na keyso mark of the beast or keyso under ni Satanas or basta mga ganun.

Depende sa tao kung saan siya nakaka benefit. Siguro ang ibang tao na kahit nag aalinlangan ay either meron takot ang pumapalibot sa kanila na keyso meron parusa stuff or tipong nakakabenefit sila na sila lang ang nakakaalam kung kaya, naiisipan pa rin nila na huwag umalis.

Ito ang facts. Basta, patriarchal ay meron hierarchical. Mag expect na ang tao na walang gender equality sa patriarchal. Meron gender equality ang matriarchal. Accept ng matriarchal ang lalake sa lalake, babae sa babae, lalake sa babae at babae sa lalake- lahat equal.

Pagmasdan. Sinabi gawin feminize ang bansang Pilipinas na about topic sa divorce. Ang mentality ng mga tao sa Pilipinas ay embrace pa rin nila ang tinatawag na no divorce ika nga. Ang bansang Pilipinas ay religious country. Bukod sa religious country, Christian society tayo. Bukod sa Christian society tayo, ang moral law na sinusunod ng lahat ng tao sa bansang Pilipinas ay masculine moral authority at since patriarchal culture tayo, society natin ay meron tayo hierarchical though meron ng international womens' day at international mens' day para e promote ang gender equality- well- hindi ko na alam kung saan na tayo.

Wala na ako pakialam. Siguro, hindi pa rin prevailing para masabi na katulad na tayo ng Iceland or ano.
 
Last edited:
Nope. Natanong ko lang naman po kung kaninong problema po yon. Though medyo di ko na naman napigilan ang aking sarili upang i-point yung tanong sa iyo but hindi naman ikaw mismo, yung naiisip mo instead.

Yes. Nababahala talaga siya. Kaya nga nagbigay siya ng mga batas po tungkol diya'n.

Well, though I ONLY stated na "nababahala siya na baka abusuhin" pero wala po akong sinabi na "hindi issue sa kaniya ang slavery mismo" which is not my assumption, but 'yang assumption na hindi issue ang 'slavery' sa Diyos ay sa'yo pong conclusion 'yan, hindi po sa akin ;) Sinabi ko lang na 'nababahala siya na baka abusuhin' pero wala akong sinabi na hindi isyu sa kaniya ang bagay na iyan .. Ok?

Yes. May alam naman po ako kahit papaano about sa nangyaring slavery [hindi lang sa mga itim] kundi sa napakaraming tao. Pero, the point na ginamit ang Bibliya bilang basehan para ikatuwiran na wala namang iniutos ang Diyos na pagbabawal para magkaroon ng alipin at gamitin iyon para alipinin ang iba ay masasabing 'maling-mali.'

'Yan yung pino-point ko po sa inyo dati na 'ibang-iba' kasi ang slavery na IPINAHINTULOT NG DIYOS sa bayan niya kung ikukumpara sa nag-eexist na 'slavery' na naranasan ng bayan niya sa Ehipto that time and also, sa mga nakapaligid na bansa sa kanila noon. And hindi lang 'yon, maging after na makumpleto ang buong Bibliya. Hindi talaga naging maganda ang kasaysayan ng 'slavery' na GINAWA NG MGA TAO kung sa'n ginamit pa nga ang Bibliya bilang batayan ng pang-aalipin.

Pero gaya na nga ng pinunto ko po, hindi dahil sa walang batas eh hindi na issue sa Diyos yung bagay na iyan.

Anyways, naging diskusyon na tuloy ano? Hahahaha. Pero ayun na nga, yamang ang concern mo is about sa walang direktang utos, pero, gaya ng ipinakikita ng Bibliya, hindi naman ibig sabihin no'n na walang pakialam o walang problema ang Diyos sa gayong gawain, lalo na sa GINAWA NG MGA TAO na paggamit sa kaniyang salita sa maling paraan para IKATUWIRAN NA OKAY LANG ANG MANG-ALIPIN.

Ang sagot ng Bibliya dito ay,

Roma 2:12 Dahil ang lahat ng nagkasala nang walang kautusan ay mamamatay kahit walang kautusan; pero ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan batay sa kautusan.

Ang point lang dya'n is hindi dahil walang kautusan eh puwede ng gawin ang isang bagay.

Just to give an example na lang again,

Si Jose, na anak ni Jacob, ay araw-araw inaakit ng asawa ni Potipar na makipagsiping sa kaniya. Wala pa namang batas mosaiko noon na nagbabawal sa pakikipagtalik sa hindi mo asawa. Pero, kahit na walang direktang utos at walang umiiral na kautusan, alam ni Jose na ayaw ng Diyos sa gayong gawain. Kaya, nasabi niya,

"Walang nakahihigit sa akin sa bahay na ito, at wala siyang ipinagkait sa akin maliban sa iyo, dahil asawa ka niya. Kaya paano ko magagawa ang napakasamang bagay na ito at magkasala nga laban sa Diyos?” (Gen. 39:9)

Kaya kahit walang direktang utos, nauunawaan ni Jose na ayaw ng Diyos sa gayong gawain.

Though two different acts ang sexual immorality at ang pang-aalipin pero ang punto, hindi dahil walang direktang utos eh hindi na issue sa Diyos ang isang bagay.

Sabi ko nga sa inyo, hindi ninyo kilala ang Diyos na ito. Puwede kayong mag-isip ng mga bagay na para sa inyo is gano'ng uri ng Diyos ang Diyos ng Bibliya, pero hindi lang talaga ninyo nauunawaan ang mga kaisipan Niya, which is, at the same time, kung minsan eh hindi rin namin nauunawaan yan sa inyo kaya minsan nag-aassume din kami na gusto niyo lang palabasing masama ang Diyos.

Yes, nabasa ko naman 'yan. Hindi mo lang siguro po na-gets yung point ko about sa itinatanong din ninyo na "Bakit hindi na lang nagbigay ng specific na utos na 'puwedeng kainin lahat' ng bunga sa hardin?"

Pero oks na yan .. Hindi lang tayo nagkaintindihan sa part na 'yan ..

...

Gawan ko na lang din po ng thread yung about sa kung bakit tinawag na 'holy' Bible kung may mga nakasulat doon na gawaing kinapopootan ng Diyos .. Hehehe ..

...

Wala na, naging diskusyon na .. Hahahahaha ..
Can u point me dun sa exact bible verse that god says na “nababahala sya nga abusuhin ang slavery”… im not familiar with thAt eh… nagbigay sya ng laws about it pero nowhere in there na nakalagay na ang reason for it was nababahala sya na maabuso…he just simple gave the laws for it…

In fact ung chapter before ung exodus 21 eh puro mga pagbabawal na utos ang laman ryt?

Pero pagdating sa slavery walang nabanggit na “huwag gawin”…

And technically nga ung guidelines ni god sa slavery eh may loophole sa pang aabuso eh… so i cant agree with u na nababahala si god na abusuhin ang slavery…

Walang sinabi si god na stop or dont enslave people…he made laws on how to treat slaves na pd eventually maabuso, depende pa sa klase ng slave yon… for me that implies that he has no problem with slavery… he allows it eh…

God never said anything about not enslaving people.. god made laws for it so meaning he allows it as long as withing those laws na binigay nea… is that better than saying na he has no problem with slavery?? That UR GOD ALLOWS SLAVERY AS LONG AS ITS ON CERTAINS TERMS…

And yung kay satan na pagkkwestyon… di ko inilatag ang question na yon anywhere in this forum… and magkaiba ung issue na un sa issue ng slavery…

May pagbabawal si god sa genesis 2&3 about sa pagkain ng prutas… and since sinuway ung bawal eh justifiable na may punishment… slavery on the other hand was never pinagbawal at nilatagan lang ng batas kung pano gagawin yon…

Magkaiba ang pagkkwestyon sa isang issue na may clearly stated na pagbabawal kesa sa isa na wala nman.

Sumagi na din naman sa isip ko yan 🙂 Pero hindi rin nagtagal, at isa pa, magkaiba din po kasi ang pagkakakilala ng ibang tao sa Diyos ng Bibliya, kaya kahit may instances na sumagi sa isip ko yung pag-aalinlangan pero nauunawaan ko kasi kung anong uri ng Diyos ang Diyos na sinasamba ko .. At ang basehan ko para malaman kung anong uri siya ng Diyos ay hindi batay sa kung ano ang pananaw ng iba sa Kaniya at kung ano ang iniisip ng iba sa mga ginawa Niya noon/ngayon kundi sa kung paano niya ipinakikilala ang sarili Niya sa akin sa Bibliya ..

Sa totoo lang, kung ano ang pananaw ng isang tao sa Bibliya, makakaapekto iyon sa pananaw niya pagdating sa Diyos at sa mga pagkilos Niya 🙂
U keep on pointing out na kesyo iba ang pagkakilala ng iba kay god at di ka nagdedepende sa pagkakilala ng iba… so ung pagkakilala ni Russell at ng GB nyo kay god saktong umaayon lang din ba sa pagkakilala mo kay god?? Or yang pagkakilala mo kay god eh based sa turo sayo sa JW??

Kaya nga direct to the point ka na inask na ganto:
ang isang malaking tanong dyan: ngayung alam mo na may mga nilalaman sa bibliya (kung ngayun mo nga lang "nalaman") about ur god who he himself committed genocide (the great flood, sodom & gomorrah), and favoring a certain ethnicity (israelites) over the rest, condoning incest, commanding other humans to commit genocide as well (razing of the amalekites tribe) at madami pang iba. dahils sa mga malevolent acts na yan, ano ang kaibahan ng dyos mo kay mr satan? isa lang ang nakikita ko, propaganda.

HINDI KA PA BA NABABAHALA AT NAG-AALINLANGAN sa kung anong klase talaga ng panginoon ang sinasamba mo?
Nabahala ka at nag alinglangan din kamo noon.. so based sa sarili mong pagkakilala kay god mo ANONG KLASENG PANGINOON ANG SINASAMBA MO?

and pls dont say na kesyo may dahilan si god para sa mga bagay na yon…
 
Last edited:
Cerebellum Iwasan na natin ang paliguy-ligoy.

So ano ngayun sa tingin mo ang justifications sa such actions ng god mo?

Talaga nga ba "evil" si mr satan? O hindi kaya may justifications din sya similar to your god?
 
Pagdating sa actions ng Diyos, sinasabi mismo ng Bibliya na makatarungan ang kaniyang mga gawa.

Deut.32:4 Ang Bato, walang maipipintas sa kaniyang mga gawa, Dahil lahat ng ginagawa niya ay makatarungan. Isang Diyos na tapat at hindi kailanman magiging tiwali; Matuwid at tapat siya.

Job 34:10 Kaya makinig kayo sa akin, kayong marurunong: Imposibleng gumawa ng masama ang tunay na Diyos; Hinding-hindi gagawa ng mali ang Makapangyarihan-sa-Lahat!

Kung tungkol naman kay Satanas, sinasabi mismo ng salita ng Diyos na si Satanas ay 'sinungaling, masama, mamamatay-tao, at nagliligaw sa mga tao sa buong tinatahanang lupa.'

Apoc. 12:9 Kaya inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na nagliligaw sa buong mundo; inihagis siya sa lupa, at ang mga anghel niya ay inihagis na kasama niya.

1 Juan 5:19 Alam natin na tayo ay nagmula sa Diyos, pero ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng isa na masama.

Juan 8:44 Kayo ay mula sa inyong amang Diyablo, at gusto ninyong gawin ang mga kagustuhan ng inyong ama. Mamamatay-tao siya nang siya ay magsimula, at hindi siya nanindigan sa katotohanan, dahil wala sa kaniya ang katotohanan. Nagsisinungaling siya dahil iyon ang personalidad niya, dahil isa siyang sinungaling at siya ang ama ng kasinungalingan.

Yung justifications na sinasabi mo/ninyo about kay Satanas ay hindi totoo dahil gaya ng sinasabi ng Bibliya, sinungaling si Satanas at masama siya. Kaya anumang katuwiran na nagjujustify kay Satan at nagsasabing 'tama' ang sinasabi niya ay pagsalungat mismo sa sinasabi ng salita ng Diyos.

Kung itatanong ninyo sa akin kung tama ba ang ginawang pagpuksa ng Diyos at ang pagpahintulot niya na lipulin ang lahi ng mga Amalekita, sumasang-ayon ako na tama ito dahil Diyos ang humatol at hindi tao. Tama ito ayon sa pananaw ng Diyos at hindi ayon sa pananaw ng tao.

Pero kung sasabihin ninyo sa akin na okay lang pala sa Diyos namin yung genocide at pagpatay sa mga tao, ang sagot ko ay hindi.

Dahil sinasabi mismo ng salita ng Diyos

Ezekiel 33:11
Sabihin mo sa kanila, ‘“Tinitiyak ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, “hindi ako natutuwa kapag namatay ang masama. Mas gusto kong magbago siya at patuloy na mabuhay. Manumbalik kayo, talikuran ninyo ang masamang landasin ninyo, dahil bakit kailangan ninyong mamatay, O sambahayan ng Israel?”’
 
Cerebellum sad to say but do u even hear what u r saying as u r contradicting yourself here. For example, as per u, isa sa mga karakter ni satan eh mamatay-tao. ano ba ang tawag mo sa genocide? hindi ba't ang pinaka kahulugan ng genocide ay pagpatay in large scale. So again, ano ang kaibahan ng pagpatay ng dyos mo sa pagpatay ni satan???

kung nag-utos ako sa mga alagad ko na gumawa ng aklat about sa "kabutihan" ko at ang kapitbahay ko ay mamatay-tao. kapag nabasa mo ito, dapat mo pang paniwalaan ang aking kabutihan at ang kasamaan ng aking kapitbahay dahil ang mga salita ay nanggaling sa akin?

if one reads my book and believe everything in it without questioning, then that is the quintessential definition of naivety.
 
So again, ano ang kaibahan ng pagpatay ng dyos mo sa pagpatay ni satan???
Alam ng Diyos ang lahat ng bagay at nakakabasa siya ng puso. Kaya kapag hinatulan ng Diyos ng 'kamatayan' ang mga tao o ang isang espesipikong grupo ng mga tao, siya ang nakakaalam kung sino talaga ang karapat-dapat sa pagpuksang iyon.

Kaya, kung kukuwestiyunin mo ang pasiya ng Diyos sa pagpuksa niya sa napakaraming tao, matatanda at bata, sino ka ba, tao ka lang na hindi nakakaalam ng lahat, samantalang siya ang Diyos. Siya ang lubusang nakakaalam sa lahat ng mga iyon.

Jeremias 17:10 Ako, si Jehova, ay sumusuri sa puso, Sumusuri sa kaloob-looban ng isip, Para ibigay sa bawat isa ang nararapat sa landasin niya, Ayon sa bunga ng mga ginagawa niya.

Sa kabaligtaran, sa Bibliya, hindi inilarawan si Satanas na nakakabasa ng isip o nakakabasa ng puso. Wala siyang gayong kakayahan.

Kung iisipin, si Satanas ang dahilan kung bakit nangyayari ang masasamang bagay at kung bakit ipinahintulot ng Diyos na sumapit sa mga tao ang 'kamatayan.' Si Satanas rin ang dahilan kung bakit naging marahas ang mga tao noon kaya ipinasiya ng Diyos na lipulin ang mga taong iyon.

Dahil inimpluwensiyahan niya sa 'mali' ang unang mag-asawa, sila Adan at Eva, nagresulta iyon sa pagpapahintulot ng Diyos na pasapitan ng 'kamatayan' ang mga tao, na kung minsan, ay humahantong pa nga sa pagpuksa niya sa mga ito.

Kaya sa puntong iyan, bakit isisisi sa Diyos ang 'kamatayan ng mga tao' kung hindi naman siya ang nag-impluwensiya sa mga tao na gumawa ng mali?

kung nag-utos ako sa mga alagad ko na gumawa ng aklat about sa "kabutihan" ko at ang kapitbahay ko ay mamatay-tao. kapag nabasa mo ito, dapat mo pang paniwalaan ang aking kabutihan at ang kasamaan ng aking kapitbahay dahil ang mga salita ay nanggaling sa akin?
You are just an imperfect human being tulad ko. So, anything na ipasulat mo sa mga alagad mo ay affected ng imperfections kahit gaano man karaming kabutihan ang ipasulat mo sa aklat mo at kahit gaano karaming kasamaan ang ipasulat mo patungkol sa kapitbahay mo. Affected ng imperfections MO ang mga isusulat ng mga alagad mo.

Sa kabaligtaran, Hindi gayon ang Diyos na gumabay sa mga manunulat ng salita niya. Kahit na imperfect human being ang ginamit niya sa pagsulat ng Bibliya, pero, sa patnubay Niya, perpekto Niyang naipasulat ang mga bagay na gusto niyang sabihin sa kaniyang salita.

Awit 19:7 Ang kautusan ni Jehova ay perpekto, nagbabalik ng lakas. Ang paalaala ni Jehova ay mapagkakatiwalaan, nagpaparunong sa walang karanasan.

Ya'n ang kaibahan ng sulat na galing sa 'salita ng Diyos' kung ikukumpara sa sulat na galing sa'yo.
 
ang bible ba ay agad na lang sumulpot out of nowhere; o physical na isinulat ng another "imperfect human being tulad ko". at dahil imperfect ang writers, gaano ka kasiguro sa accuracy ng words in it?

in addition to that, sa dinami-dami ng translations ng bible, alin sa mga iyon ang genuine where not a single iota of information has been lost in translation???

again, back to square one tayo. sabi mo alam ng dyos ang rason at hindi ko mauunawaan. well, I can add the same text to my own holy book, telling future readers that they don't have the cognitive capacity to comprehend the atrocities I've done. They have just to take my word for it.

ang similarities ng book na galing sa god mo at book ko? we both (meaning ur god) are talking about our grandiosity and self-righteousness.
 
ang similarities ng book na galing sa god mo at book ko? we both (meaning ur god) are talking about our grandiosity and self-righteousness.
Nope. Imperfect ang kaisipan mo kung ikukumpara sa perpektong kaisipan ng Diyos. :)

Kaisipan mo lang din na ang Bible (at yang aklat mo kuno) ay grandiosity and self-righteousness ang pino-promote. ;)

dahil imperfect ang writers, gaano ka kasiguro sa accuracy ng words in it?
Nakakasiguro akong hindi kaisipan ng di-perpektong mga tao ang isinulat ng mga manunulat ng Bibliya, kundi, kaisipan ng perpektong Diyos ang kanilang isinulat, bagaman pinahintulutan silang ipahayag at isulat ang mga pananalita ng Diyos sa paraang mauunawaan ng di-sakdal na mga tao.

Parang ganito. Kung isa kang doktor at nag-aral ka ng medisina, hindi mo sasabihin sa pangkaraniwang mga tao na masama ang 'methamphetamine'. Hindi nila agad mage-gets y'on eh malibang ipaliwanag mo PALAGI kung ano iyon.

Kaya ang gagamitin mong words is yung maiintindihan ng mga pangkaraniwang tao. Sa halip na 'methamphetamine' ang gamitin mo, malamang na ang gagamitin mong word is 'droga' or 'bawal na gamot'. Still, kaisipan mo pa din ang sinasabi mo kahit na ang ginamit mong wordings is yung sa pangkaraniwang tao.

Same 'yan sa ginawa ng Diyos. Ipinasulat ng Diyos ang kaniyang salita sa paraang maiintindihan ng mga tao at ginamit niya ang di-sakdal na mga tao para maisulat yung mga pananalita Niya sa paraang mauunawaan ng mga tao. But still, kaisipan ng Diyos iyon, hindi kaisipan ng mga tao.

2 Pedro 1:21 Dahil ang hula ay hindi kailanman dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao, kundi ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.

in addition to that, sa dinami-dami ng translations ng bible, alin sa mga iyon ang genuine where not a single iota of information has been lost in translation???
May article kami sa website namin tungkol diya'n, hindi ko na ipapaliwanag dito.

Eto yung mga link po

Nabago Ba o Sinadyang Baguhin ang Bibliya?​

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Napagtagumpayan ng Bibliya ang Tangkang Baguhin ang Mensahe Nito​

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Anyways,

Kumbinsido AKO na accurate pa din naman ang pagkakasalin ng Bibliya na gamit ko hanggang ngayon kahit na matagal ng isinulat ito.

Gaya ng nasabi ko na noon, hindi dahil kumbinsido ako eh makukumbinsi na din ang iba. Ang pagiging kumbinsido ng isa sa kaniyang pinaniniwalaan ay hindi po nakadepende sa kung tinatanggap ng karamihan yung pinapaniwalaan niya or hindi.

Kaya kung kumbinsido AKO sa pinapaniwalaan ko, ako y'on at hindi po kayo. May sarili akong basehan sa pinapaniwalaan ko at ganoon din ang iba. Nirerespeto ko ang iba sa kung anuman ang pinaniniwalaan nila bagaman aminado ako na kung minsan nakakapagsalita din ako ng hindi tama sa paniniwala ng iba.
 
Hindi ba puwedeng isagot 'yan? Kung hindi puwede, bakit hindi puwede? :)
Pwede nman pero where will that get us??

Lets say may isang tao na nagaadvocate for slavery eh sinabi nea na wala nmang sulat sa bible againts it at may batas pa supporting it… tama ba sya??

If questionin sya na utos un ni god at isagot nea eh

Deut.32:4 Ang Bato, walang maipipintas sa kaniyang mga gawa, Dahil lahat ng ginagawa niya ay makatarungan. Isang Diyos na tapat at hindi kailanman magiging tiwali; Matuwid at tapat siya.

Job 34:10 Kaya makinig kayo sa akin, kayong marurunong: Imposibleng gumawa ng masama ang tunay na Diyos; Hinding-hindi gagawa ng mali ang Makapangyarihan-sa-Lahat!

Tama ba sya? Would u agree sa tao na yon na nagaadvocate for slavery as it is written in the bible??

Under sa rules ng exodus pd mong maging slave ang isang tao habambuhay.. pd mo ipamana sa mga anak mo.. pd mo saktan as long as di mamatay…. Di ba nabahala si god sa pang aabuso na yan?? For me nga dapat nabahala na sya na need pa nea magbigay ng guidelines about it eh… na dapat sinabi nya directly na HUWAG gawin ang pangaalipin kagaya ng ibang pagbabawal na inutos nea…
 
...
Nakakasiguro akong hindi kaisipan ng di-perpektong mga tao ang isinulat ng mga manunulat ng Bibliya, kundi, kaisipan ng perpektong Diyos ang kanilang isinulat, bagaman pinahintulutan silang ipahayag at isulat ang mga pananalita ng Diyos sa paraang mauunawaan ng di-sakdal na mga tao.
...
so written by zombie writers?
so yung website nyo is another source of truth? sabi mo nga eh.
 
Tama ba sya? Would u agree sa tao na yon na nagaadvocate for slavery as it is written in the bible??
Kung ikakatuwiran niya na "sa Bible eh ipinahintulot din naman ng Diyos ang pang-aalipin" at gagamitin niya iyon upang gamitin ang iba at sasaktan sila, iyon ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos.

Ang slavery na ipinahintulot ng batas ng Diyos sa bansang Israel ay nag-exist lamang hanggang noong mga taon ng unang siglo C.E. Doon na natapos ang batas ng Diyos sa pagpapahintulot ng slavery para sa mga Judio noon.

After ng panahong iyon, tapos na ang Mosaic Law about sa slavery. Tinapos na ni Kristo ang layunin ng kautusang Mosaiko kaya tapos na ang batas na nagpapahintulot sa mga Judio na magkaroon ng mga alipin noon.

Roma 10:4 Si Kristo ang wakas ng Kautusan, para maging matuwid sa harap ng Diyos ang bawat isa na nananampalataya.

Though, ang mga Kristiyano, (mga Judio na napasailalim ng batas Mosaiko noon at nakumberte sa pagka-Kristiyano noong panahon ni Jesus), ay nagkaroon din ng mga existing na alipin. Gayunman, yamang wala na sila sa ilalim ng Mosaic Law, wala na din ang batas na nagpapahintulot sa kanilang 'saktan' ang kanilang alipin.

Kaya nga ang sabi ni Pablo, nang si Onesimo ay pabalikin nito sa kaniyang panginoon, or amo, that time [si Filemon], sinabi niya na tanggapin ito "hindi na bilang alipin kundi higit pa sa alipin, bilang minamahal na kapatid. Minahal ko siya nang husto, pero mas mamahalin mo siya, dahil alipin mo siya at kapananampalataya sa Panginoon. (Filemon 16)

Kaya hindi na ipinahihintulot ng Diyos na 'saktan' ang mga alipin noon dahil wala ng batas para sa kanila. Gayunman, yung mga Judio na mayroong mga alipin that time na naging Kristiyano, ay tinagubilinan na tanggapin sila, hindi na bilang alipin, kundi bilang minamahal na kapatid.

Ang kamalian ng mga relihiyon at ibang mga tao after maisulat ang buong Kasulatan, ginamit nila ang Bible as basis para mang-alipin ng ibang tao. At gaya ng alam natin sa kasaysayan, hindi naging maganda at hindi naging makatarungan ang pagtrato ng mga tao (specifically, yung mga puti noon) sa pakikitungo nila sa kanilang mga alipin (sa mga itim).

Kaya, ang kanilang katuwiran na wala namang isinasaad sa Bible na 'huwag mang-alipin' ay isang maling interpretasyon para bigyang katuwiran at bigyang daan ang slavery NGAYON dahil tapos na ang kautusan ng Diyos sa bagay na iyan.
 
Una sa lahat ay hayaan niyo muna ako magpaliwanag about Satan. Sana nawa'y huwag niyo pag-isipan na kasama ako sa isa sa mga kulto. Wala ako kulto or organisasyon na inaaniban.

Since nasabi na rin na patungkol sa "......justifications din si Satan similar to a God", meron other kwento patungkol kay Satan or Lucifer or- basta oppose or other kwento sa enemy ng God.

Diba. Gasgas na sa taenga natin lahat ang patungkol sa kwento ni God. Ang patungkol sa justification or to be right or reasonable ni God na siya ay mabuti, perfect at tama or anything na positive sa kanya.

Ito ang other kwento ni Satan. Ang interpretation ng Satan or sabihin natin na Satanism ngunit philosophy or Satan na lang upang hindi magulo sa utak ay more on metaphorical interpretation ang patungkol kay Satan. Metaphorical interpretation.

Nasa kwento ni God about sa pagpapalayas ng mga anghel na tumalikod sa kanya at si Satan na inihulog sa impyerno. The reason why nag rebelde si Satan ay sapagkat nakita niya na ang pamamaraan ng pag govern ni God between heaven and earth ay meron mali or hindi mabuti sa kanya. It is a reason why mas mabuti para kay Satan na siya na lang ang mag govern between heaven and earth upang mapabuti ang takbo ng sistema on earth at heaven.

If pagmamasdan ng mabuti na meron parte ng content ng biblia about genocide or about mass murder na galing kay God. Sa parte ni Satan or according to Satan's perspective na si God ay incapable sa pag govern between heaven and earth, kung kaya, disagree si Satan na si God ang mag rule between heaven and earth. Na imbis na si God ang mag rule ay mas mabuti na si Satan na lang.

......at dahil metaphorical interpretation siya ay ganoon din ang mga Satanist. Hindi theist kungdi philosophy. Philosophy Satanist. Somewhere in bible na nakikita ng mga Satanist na based on human reason na hindi makatarungan or hindi justified ang ginagawa ni God sa mga tao katulad ng genocide or mass murder at hindi lang iyon. Maraming iba pa na hindi na kinakailangan banggitin na sa tingin ng mga Satanist ay hindi mabuti or sabihin natin na hindi tama ang paraan na isinasagawa ng God in bible. Unlike people who believe in God, no questions ask. Magtiwala lang sila sa pamamaraan ng pag govern ni God and so, anything na gawin ni God ke masama or ke mabuti, pumatay man ng inosente or hindi- as long as si God, well, wala ng tanong-tanong kungdi magtiwala na lamang sa kanya.

Remember din. Sabi na ang pagkakasala raw ni Satan ay pride, kung kaya, pinatalsik ni God si Satan sa hell. Ang ibig sabihin ng pride ay satisfaction derived from one's own achievements or the achievements of those with whom one is closely associated, or from qualities or possessions that are widely admired. Andoon din ang katagang self respect. Opposite ng self respect is self denial.

Sa bible ay tinuturuan na maging self denial. Ang self respect ay confidence in one self, worth or behaving with honor and dignity.

Lahat ng mga tao ay ma pride. Ang akala niyo ba na ligtas na ang mga pastor or pare or mga religious leader sa katagang pride?

Hindi noh.

Pride din ang tawag kapag ang tao sa loob ng religion ay nag de debate patungkol sa paniniwala nito sa other religion. Lahat ng mga tao ay ma pride- literally speaking ay lahat ng mga tao na kahit ultimomg mga tao na nag-aaral at gusto maka achieve ng academic literate then after this, maghahanap ng pera by applying to a different jobs. Ang mga bata ay ipaaaral sa school at kapag naka award at naka honor ito, proud ang mga parents. Pride na iyon.

Tipong kapag binubogbog ng husband at wife, siyempre, kailangan niya ng self respect nito. Hihingi ang wife ng justice upang matapos na ang pagbubogbog ng husband sa kanya.

E ang justice? Wala naman din nakalagay sa bible. Sa part ng philosophy ng Satanism na mas mahalaga ang justice ng mga tao kaysa sa katagang kapag binato ng bato, batohin rin ng tinapay.

Tanong. Bakit nagkaroon ng death penalty at bakit nagkaroon ng prison para sa mga criminal sapagkat majority of the Christian people or those people who believe in God ay nangangailangan ng justice! Justice po.

The concept of Satan is pride at knowlede.

E lahat ng tao ay meron pride at lahat ng tao ay meron knowledge.

If oobserve niyo ng mabuti na bakit maraming relihiyon ang nagkawatak-watak dito sa earth or bakit maraming bible interpretation sa buong mundo.

...dahil sa knowledge.

Bakit alam ng tao kung ano ang tama at mali?

...dahil sa knowledge.

Meron nga na nagsasabi na it is either kasabwat daw ni God si Satan sapagkat alam ni God ang mangyayari sa buong sanlibutan and with the help of Satan sa tree of knowledge, kung kaya, nagkaroon ng knowledge si Adam at Eve. Nalaman ni Adam at Eve kung ano ang mabuti at masama, tama at mali.

...but depen-depende sa interpretation ng Adam at Eve pagdating sa knowledge in bible pero kung e te trace back history, kasama ang major branches ng Christian denomination ang Catholic or ang iba pang interpretation na patungkol sa tree of knowledge kung saan nagkaroon ng karunungan si Adam at Eve after eating of fruits.

Ang mga restoration movement or mga second great awakening ay medio huling-huli na dumating katulad ng Jehova Witness ay madaming interpretation ang patungkol sa knowledge.

Sabi ng mga majority of Christian na keyso mapupunta raw sa hell ang mga Satanist. Ika ng iba Satanist, majority of Christian ay mga hipokrito.

Quite totoo naman kase, dahil unaware na ang mga Christian na ang ginagawa nila ay pang philosopiya ng Satanism at kahit bali-baligtarin ang mundo ay hindi na sila makaka escape.

Meron nga ako nabasa dati-rati. Sabi, angel or the side of God lies everthing para lagyan ang fear ng mga tao pero ang Satan ay nagsasabi ng truth and nothing but the whole truth about being hipokrito ng isang tao.

Sa sulat na ke haba-haba. Nasa judgment na ng nagbabasa kung sino ang justified sa hindi justified.

Anyway, nabasa na ng tao ang isinulat ko so it means nagkaroon na rin ng knowledge kung ganun. Nagkaroon na ng awareness. Well, magkaka sin na nagbabasa, hehe 😁

Hindi ko naman sinasadya.

Sabi nga, dapat clear ang conscience ng tao. It is better for a child na inosente at walang kaalam-alam sa kung ano ang tama at mali dahil iyon lamang ang diretso makakarating in heaven unlike sa mga adults na madaming na alam at nagkaroon na ng karunungan. Nasa tao na rin kung tatanggapin nila ang information na nabasa dito or hinde pero as far as I know, since nagkaroon na ng karunungan ay aware na ang nagbabasa so meaning to say, dahil sa sinulat ko ay nagkasala na ang nagbabasa na dapat inosente sila.

Still disisyon pa rin ng nagbabasa kung tatanggapin nila ang isinulat ko o hindi. Iyon lang iyon 😁
 
Last edited:
Nope. Imperfect ang kaisipan mo kung ikukumpara sa perpektong kaisipan ng Diyos. :)Kaisipan mo lang din na ang Bible (at yang aklat mo kuno) ay grandiosity and self-righteousness ang pino-promote. ;)Nakakasiguro akong hindi kaisipan ng di-perpektong mga tao ang isinulat ng mga manunulat ng Bibliya, kundi, kaisipan ng perpektong Diyos ang kanilang isinulat, bagaman pinahintulutan silang ipahayag at isulat ang mga pananalita ng Diyos sa paraang mauunawaan ng di-sakdal na mga tao.

Parang ganito. Kung isa kang doktor at nag-aral ka ng medisina, hindi mo sasabihin sa pangkaraniwang mga tao na masama ang 'methamphetamine'. Hindi nila agad mage-gets y'on eh malibang ipaliwanag mo PALAGI kung ano iyon.Kaya ang gagamitin mong words is yung maiintindihan ng mga pangkaraniwang tao. Sa halip na 'methamphetamine' ang gamitin mo, malamang na ang gagamitin mong word is 'droga' or 'bawal na gamot'. Still, kaisipan mo pa din ang sinasabi mo kahit na ang ginamit mong wordings is yung sa pangkaraniwang tao.Same 'yan sa ginawa ng Diyos. Ipinasulat ng Diyos ang kaniyang salita sa paraang maiintindihan ng mga tao at ginamit niya ang di-sakdal na mga tao para maisulat yung mga pananalita Niya sa paraang mauunawaan ng mga tao. But still, kaisipan ng Diyos iyon, hindi kaisipan ng mga tao.
So those writers wrote ung word of god sa paraang mauunawaan ng lahat at ng di sakdal na tao.. basically pinasimple para maintindihan ng lahat right?? So bakit pag may nagiging criticism about sa contents ng bible eh nagiging dahilan nyo minsan na kesyo ang pang unawa ng diyos eh mas mataas sa pang unawa ng tao when he allowed it naman pla na maisulat sa ganong paraan??

Ang mga writers ba nung panahon na yon eh may pang unawa na kayang intindihin ang mensahe ni god at pinasimple lamang nila yon para sa maintindihan ng karaniwang tao?? May special knowledge ba sila at the time to be able to accurately write down ung mismong thoughts ni god?
 
bakit pag may nagiging criticism about sa contents ng bible eh nagiging dahilan nyo minsan na kesyo ang pang unawa ng diyos eh mas mataas sa pang unawa ng tao when he allowed it naman pla na maisulat sa ganong paraan??
Nope ulit.

Totoo namang ISINULAT IYON sa paraang maiintindihan ng mga tao ang mensahe ng Bibliya, pero kung tungkol sa pag-iisip, pagkilos, at mga pasiya ni Jehova, yun yung mga bagay na hindi natin LUBUSANG nauunawaan o hindi lubusang nauunawaan ng mga tao.

Halimbawa, isinulat ni Jonas ang kaniyang aklat sa patnubay ni Jehova. Ginamit ni Jonas yung kaniyang sariling mga pananalita upang maipakita kung anong naramdaman niya habang ginagampanan ang atas niya. Kung sa mga anghel ipinasulat ang aklat ni Jonas, malamang na hindi nila lubusang maitatawid ang nadama ni Jonas. Kaya, sariling pananalita ni Jonas yung ginamit niya nang isulat niya ang aklat na kalaunan ay naging bahagi ng Bibliya.

Kumusta naman yung kaisipan ni Jehova?

Hindi lubusang naintindihan ni Jonas ang naging pasiya ni Jehova. Hindi niya agad naunawaan ang kaisipan ni Jehova nang patawarin nito ang mga Ninevita dahil nakita nito ang 'tunay na pagsisisi' ng mga ito.

Kaya kung papansinin natin, yes, the book of Jonah was written by Jonah himself, para maitawid yung mismong nadarama niya as manunulat, at bilang isa na direktang nakaranas ng takot, at hirap sa atas na ibinigay sa kaniya.

Pero nang ipasiya ni Jehova na patawarin ang mga Ninevita, hindi iyon naintindihan ni Jonas, at malamang eh kalaunan niya na lang din natutunan na talagang mapagpatawad at maawain si Jehova. Pero isinulat niya pa din ang aklat niya pagkatapos niyang magampanan ang atas. Bagaman hindi niya agad naunawaan ang kaisipan ni Jehova.

Ano yung point nitong sinasabi ko?

Pagdating sa mga sumulat ng aklat ng Bibliya, totoo namang 'sariling pananalita' ng mga manunulat nito ang ginamit upang maunawaan ito ng mga tao.

Pero pagdating sa mga pagkilos at mga pagpapasiya ni Jehova na ipinasulat niya sa Bibliya, iyon yung mga bagay na kung minsan eh hindi natin LUBUSANG nauunawaan.

Kaya hindi namin basta LANG dinadahilan na 'mas mataas ang kaisipan ng Diyos sa kaisipan ng mga tao'.

Ang kaisipan ni Jehova, na tumutukoy sa kaniyang mga pagkilos at pagpapasiya, at saloobin, [na nakasulat sa Bibliya], ya'n yung mga bagay na kung minsan, hindi natin LUBUSANG nauunawaan bilang hindi sakdal na mga tao.

Ang mga writers ba nung panahon na yon eh may pang unawa na kayang intindihin ang mensahe ni god at pinasimple lamang nila yon para sa maintindihan ng karaniwang tao??

Kung ibabatay sa kung paano itinawid ang mensahe ni Jehova sa mga manunulat nito, tiyak na itinawid iyon sa paraang maiintindihan ng mga manunulat nito.

1 Corinto 13:1 Kung nakapagsasalita ako ng mga wika ng tao at ng anghel pero wala akong pag-ibig, gaya lang ako ng isang umaalingawngaw na gong o maingay na simbalo

Ang punto ng tekstong iyan eh kung itinawid ang mensahe ng Diyos sa paraang hindi kayang mauunawaan ng mga tao, magiging imposible sa mga manunulat nito na maisulat ang mensahe ng Diyos.

Kaya tiyak na itinawid ang mensahe ng Diyos sa mga manunulat nito sa paraang maiintindihan nila ito.

Katunayan, yung atas nga ni Pablo bilang apostol ng mga bansa, na kalaunan eh naging manunulat ng mga liham sa NT (New Testament), eh 'malinaw' ding ipinabatid iyon sa kaniya.

Gawa 9:16
Ipapakita ko sa kanya ANG LAHAT ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin. (Magandang Balita Biblia)

Gawa 9:16
Sapagkat ipakikita ko sa kaniya NANG MALINAW kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang pagdusahan dahil sa aking pangalan. (NWT)

Acts 9:16
for I will make CLEAR to him how much he must suffer and endure for My name’s sake. (Amplified Bible)

Pero hindi naman ibig sabihin nito na may special knowledge sila para isulat ang kaisipan ng Diyos, gaya ng itinatanong mo dito.

May special knowledge ba sila at the time to be able to accurately write down ung mismong thoughts ni god?

Ang totoo nya'n, hindi naman sila kinailangang bigyan ng Diyos ng special knowledge para lang maisulat ang mga kaisipan ng Diyos. Ang isang halimbawa niya'n ay si Pedro. Isa sa mga naging manunulat sa Kristiyanong Griegong Kasulatan (o, NT).

Pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kaniya (o, kanila).

Gawa 4:13 Nang makita nga nila ang pagkatahasan nina Pedro at Juan, at mapag-unawa na sila ay mga taong WALANG PINAG-ARALAN at PANGKARANIWAN, sila ay namangha. At nakilala nila tungkol sa mga ito na dati silang kasama ni Jesus.

Kaya, wala silang special knowledge pagdating sa pagsulat nila ng kaisipan ng Diyos. Pero ano ang sinabi ni Pedro kung tungkol sa kanilang mga isinulat?

2 Pedro 1:21 Sapagkat ang hula ay hindi kailanman dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao, kundi ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.

Kaya, si Pedro eh nagpakitang wala siyang special knowledge para isulat ang mga hula na nasa Bibliya, kundi ang sabi niya ay guided siya ng holy spirit.

Kaya hindi kailangan ng mga manunulat ng Bibliya, that time, ng special knowledge to accurately write down yung mismong thoughts ni God. Ang banal na espiritu ni Jehova ang ginamit niya upang gabayan ang mga manunulat nito at sa gayon ay maisulat ng may katumpakan ang salita ng Diyos.
 
Kung ikakatuwiran niya na "sa Bible eh ipinahintulot din naman ng Diyos ang pang-aalipin" at gagamitin niya iyon upang gamitin ang iba at sasaktan sila, iyon ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos.

Ang slavery na ipinahintulot ng batas ng Diyos sa bansang Israel ay nag-exist lamang hanggang noong mga taon ng unang siglo C.E. Doon na natapos ang batas ng Diyos sa pagpapahintulot ng slavery para sa mga Judio noon.

After ng panahong iyon, tapos na ang Mosaic Law about sa slavery. Tinapos na ni Kristo ang layunin ng kautusang Mosaiko kaya tapos na ang batas na nagpapahintulot sa mga Judio na magkaroon ng mga alipin noon.

Roma 10:4 Si Kristo ang wakas ng Kautusan, para maging matuwid sa harap ng Diyos ang bawat isa na nananampalataya.

Though, ang mga Kristiyano, (mga Judio na napasailalim ng batas Mosaiko noon at nakumberte sa pagka-Kristiyano noong panahon ni Jesus), ay nagkaroon din ng mga existing na alipin. Gayunman, yamang wala na sila sa ilalim ng Mosaic Law, wala na din ang batas na nagpapahintulot sa kanilang 'saktan' ang kanilang alipin.

Kaya nga ang sabi ni Pablo, nang si Onesimo ay pabalikin nito sa kaniyang panginoon, or amo, that time [si Filemon], sinabi niya na tanggapin ito "hindi na bilang alipin kundi higit pa sa alipin, bilang minamahal na kapatid. Minahal ko siya nang husto, pero mas mamahalin mo siya, dahil alipin mo siya at kapananampalataya sa Panginoon. (Filemon 16)

Kaya hindi na ipinahihintulot ng Diyos na 'saktan' ang mga alipin noon dahil wala ng batas para sa kanila. Gayunman, yung mga Judio na mayroong mga alipin that time na naging Kristiyano, ay tinagubilinan na tanggapin sila, hindi na bilang alipin, kundi bilang minamahal na kapatid.

Ang kamalian ng mga relihiyon at ibang mga tao after maisulat ang buong Kasulatan, ginamit nila ang Bible as basis para mang-alipin ng ibang tao. At gaya ng alam natin sa kasaysayan, hindi naging maganda at hindi naging makatarungan ang pagtrato ng mga tao (specifically, yung mga puti noon) sa pakikitungo nila sa kanilang mga alipin (sa mga itim).

Kaya, ang kanilang katuwiran na wala namang isinasaad sa Bible na 'huwag mang-alipin' ay isang maling interpretasyon para bigyang katuwiran at bigyang daan ang slavery NGAYON dahil tapos na ang kautusan ng Diyos sa bagay na iyan.
Ahhh yung fulfillment of the covenant pala ang sagot don… which mosaic laws were fulfilled?? Ung 600plus na kasama ang 10 commandments or iba ung sa 10utos??

So which one is it??

Kung ikakatuwiran niya na sa Bible eh ipinahintulot din naman ng Diyos ang pang-aalipin at gagamitin niya iyon upang gamitin ang iba at sasaktan sila, iyon ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos.

Or

Gayunman, yamang wala na sila sa ilalim ng Mosaic Law, wala na din ang batas na nagpapahintulot sa kanilang 'saktan' ang kanilang alipin.

So ang nababahala mong god allows yung batas na ‘saktan’ ang mga alipin up until ung laws na un was fulfilled by jesus…

So ur admitting it?

I agree na with u na no one should have a reason to advocate for slavery… regardless kung basehan ang bible or not… iba lang ata tayo ng reasoning… my opposition to it eh dahil immoral un… ang opposition mo eh dahil di na applicable ang batas na un anymore…

Nope ulit.

Totoo namang ISINULAT IYON sa paraang maiintindihan ng mga tao ang mensahe ng Bibliya, pero kung tungkol sa pag-iisip, pagkilos, at mga pasiya ni Jehova, yun yung mga bagay na hindi natin LUBUSANG nauunawaan o hindi lubusang nauunawaan ng mga tao.

Halimbawa, isinulat ni Jonas ang kaniyang aklat sa patnubay ni Jehova. Ginamit ni Jonas yung kaniyang sariling mga pananalita upang maipakita kung anong naramdaman niya habang ginagampanan ang atas niya. Kung sa mga anghel ipinasulat ang aklat ni Jonas, malamang na hindi nila lubusang maitatawid ang nadama ni Jonas. Kaya, sariling pananalita ni Jonas yung ginamit niya nang isulat niya ang aklat na kalaunan ay naging bahagi ng Bibliya.

Kumusta naman yung kaisipan ni Jehova?

Hindi lubusang naintindihan ni Jonas ang naging pasiya ni Jehova. Hindi niya agad naunawaan ang kaisipan ni Jehova nang patawarin nito ang mga Ninevita dahil nakita nito ang 'tunay na pagsisisi' ng mga ito.

Kaya kung papansinin natin, yes, the book of Jonah was written by Jonah himself, para maitawid yung mismong nadarama niya as manunulat, at bilang isa na direktang nakaranas ng takot, at hirap sa atas na ibinigay sa kaniya.

Pero nang ipasiya ni Jehova na patawarin ang mga Ninevita, hindi iyon naintindihan ni Jonas, at malamang eh kalaunan niya na lang din natutunan na talagang mapagpatawad at maawain si Jehova. Pero isinulat niya pa din ang aklat niya pagkatapos niyang magampanan ang atas. Bagaman hindi niya agad naunawaan ang kaisipan ni Jehova.

Ano yung point nitong sinasabi ko?

Pagdating sa mga sumulat ng aklat ng Bibliya, totoo namang 'sariling pananalita' ng mga manunulat nito ang ginamit upang maunawaan ito ng mga tao.

Pero pagdating sa mga pagkilos at mga pagpapasiya ni Jehova na ipinasulat niya sa Bibliya, iyon yung mga bagay na kung minsan eh hindi natin LUBUSANG nauunawaan.

Kaya hindi namin basta LANG dinadahilan na 'mas mataas ang kaisipan ng Diyos sa kaisipan ng mga tao'.

Ang kaisipan ni Jehova, na tumutukoy sa kaniyang mga pagkilos at pagpapasiya, at saloobin, [na nakasulat sa Bibliya], ya'n yung mga bagay na kung minsan, hindi natin LUBUSANG nauunawaan bilang hindi sakdal na mga tao.

Kung ibabatay sa kung paano itinawid ang mensahe ni Jehova sa mga manunulat nito, tiyak na itinawid iyon sa paraang maiintindihan ng mga manunulat nito.

Ang punto ng tekstong iyan eh kung itinawid ang mensahe ng Diyos sa paraang hindi kayang mauunawaan ng mga tao, magiging imposible sa mga manunulat nito na maisulat ang mensahe ng Diyos.

Kaya tiyak na itinawid ang mensahe ng Diyos sa mga manunulat nito sa paraang maiintindihan nila ito.

Katunayan, yung atas nga ni Pablo bilang apostol ng mga bansa, na kalaunan eh naging manunulat ng mga liham sa NT (New Testament), eh 'malinaw' ding ipinabatid iyon sa kaniya.

Pero hindi naman ibig sabihin nito na may special knowledge sila para isulat ang kaisipan ng Diyos, gaya ng itinatanong mo dito.

Ang totoo nya'n, hindi naman sila kinailangang bigyan ng Diyos ng special knowledge para lang maisulat ang mga kaisipan ng Diyos. Ang isang halimbawa niya'n ay si Pedro. Isa sa mga naging manunulat sa Kristiyanong Griegong Kasulatan (o, NT).

Pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kaniya (o, kanila).

Kaya, wala silang special knowledge pagdating sa pagsulat nila ng kaisipan ng Diyos. Pero ano ang sinabi ni Pedro kung tungkol sa kanilang mga isinulat?

Kaya, si Pedro eh nagpakitang wala siyang special knowledge para isulat ang mga hula na nasa Bibliya, kundi ang sabi niya ay guided siya ng holy spirit.

Kaya hindi kailangan ng mga manunulat ng Bibliya, that time, ng special knowledge to accurately write down yung mismong thoughts ni God. Ang banal na espiritu ni Jehova ang ginamit niya upang gabayan ang mga manunulat nito at sa gayon ay maisulat ng may katumpakan ang salita ng Diyos.
So tama ung punto ni darkcloud… na ang mga bible writers eh may limited knowledge at biases kagaya nating mga tao… their comprehension of god’s message was just the same as ours even of they are pangkaraniwan at walang pinagaralan…

Kasi guided sila ng holy spirit?? Kaya ba nagawa nilang maunawaan ang mensahe ni god??

Eto example.. ung mga naging prophecies nyo… was it a teaching senyo na message galing yon kay jehova mismo or sariling pangunawa nyo lang or ng GB nyo??

Sabi ng isang GB nyo na ang doctrines nyo eh galing mismo kay jehova yet u failed so many times sa predictions nyo…

Wat more pa ung mga turo at sulat ng sabi mo nga eh mga illiterate at ordinary people lang…
 
Last edited:
So which one is it??
Lahat ng kautusan sa Kautusang Mosaiko .. Ibinuod na kasi y'on ni Jesus, ayon doon sa Mateo 22:37-39. Puwede mo rin tingnan yung binanggit ni Pablo sa Roma 13:9

So ang nababahala mong god allows yung batas na ‘saktan’ ang mga alipin up until ung laws na un was fulfilled by jesus…

So ur admitting it?

I agree na with u na no one should have a reason to advocate for slavery… regardless kung basehan ang bible or not… iba lang ata tayo ng reasoning… my opposition to it eh dahil immoral un… ang opposition mo eh dahil di na applicable ang batas na un anymore…
Actually, ang pagkakasabi ng kautusan ng Diyos sa bagay na iyan ay "KUNG saktan ng isang tao ang kaniyang alipin sa pamamagitan ng isang tungkod" .. Hindi niya sinabing "SAKTAN ng isang tao ang kaniyang alipin sa pamamagitan ng isang tungkod at kapag namatay ang isang iyon sa kaniyang kamay eh ipaghihiganti iyon."

Magkaiba kasi yung direktang iniutos sa isang bagay na hindi mo naman iniutos.

Exodo 21:20 “At KUNG saktan ng isang tao ang kaniyang aliping lalaki o ang kaniyang aliping babae sa pamamagitan ng tungkod at ang isang iyon ay mamatay nga sa kaniyang kamay, ang isang iyon ay ipaghihiganti nang walang pagsala."

So yung possiblity na baka may mangyaring ganoon eh nasa isip na ng Diyos .. Kaya bago pa mangyari, nagbigay na siya ng batas upang hindi gamitin ang gayong pagkilos upang hindi makatarungang saktan LAMANG ang kanilang alipin ..

Yes, hindi natin talaga maintindihan nang lubos eh kung bakit hindi na lang direktang iniutos ng Diyos na 'huwag saktan ng isang tao ang kaniyang alipin.'

Pero gaya na nga ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi ibig sabihin na dahil hindi niya ipinagbawal na 'saktan' ang alipin eh gusto na niyang mangyari iyon ..

At gaya nga ng nasabi ko na sa isa kong post, sa mga ganyang ulat kasi lumalabas ang tunay na nasa isip at puso ng isang tao eh .. Kung talaga nga bang mapagpakumbaba niyang tinatanggap ang katuwiran ng Diyos or hahayaan niyang yung kaniyang sariling hindi sakdal na kaisipan ang mas mangibabaw at hayaang maglayo sa kaniya sa Diyos ..

Kaya nasa indibiduwal na lang talaga iyon ..

Bilang karagadagan, hindi rin talaga sa lahat ng bagay o sa mga bagay na gusto natin eh kailangang magbigay ng espesipikong pagbabawal ang Diyos ..

May mga pangyayari/sitwasyon na talagang ipinahihintulot niyang mangyari eh

Iyon ay upang makita kung ano talaga ang epekto ng desisyon ni Satanas, ni Adan at ni Eva sa paghiwalay nila sa Diyos .. Halimbawa na lang nito ay ang pag-abuso nga sa kapangyarihan .. na kahit mismong mga naging hari noon sa Israel eh naging gayon ..

Kaya, hindi puwedeng palaging makikialam si Jehova sa gayong mga bagay dahil nga ang isyu talaga dito ay kung sino talaga ang pinakamabuting tagapamahala sa lahat .. kung si Jehova ba o si Satanas ..

Kaya kung hindi nagbibigay si Jehova ng espesipikong utos/pagbabawal sa isang gawain, hindi ibig sabihin nito na wala na siyang pakialam doon ..

Dahil mas alam ni Jehova kung ano yung mga bagay na dapat/hindi dapat gawin/iutos/pagpasiyahan, o ipahintulot at di ipahintulot ..

Pero if a person still insists na 'mali' talaga ang Diyos o 'mali' ang ginawa ng Diyos dahil hindi niya ginawa ang ganito o ganyan, eh Bibliya na mismo ang nagsasabi:

Kawikaan 18:13 Kapag sumasagot ang isang tao bago niya marinig ang mga detalye, Kamangmangan iyon at kahiya-hiya.​

Ang punto, hindi natin alam ang lahat ng detalye kung paano gumagawa ng pagpapasiya ang Diyos sa mga bagay na ipinahihintulot niya at hindi ipinahihintulot, so kung magco-conclude tayo na ang Diyos ay tiwali, masama, hindi makatarungan at hindi maibigin, maituturing tayong mangmang sa paningin ng Diyos dahil hinuhusgahan natin siya nang hindi naman natin alam ang lahat ng mga detalye.

Kasi guided sila ng holy spirit?? Kaya ba nagawa nilang maunawaan ang mensahe ni god??

Yes. Tama po.

ung mga naging prophecies NYOwas it a teaching senyo na message galing yon kay jehova mismo or sariling pangunawa nyo lang or ng GB nyo??
Hindi po NAMIN prophecies iyon.. About prophecies, ang prophecy ay galing sa salita ng Diyos, hindi sa AMIN.. Ang pagkakaunawa namin NOON sa mga prophecy ang mali.. Kaya hindi ang prophecy galing sa salita ng Diyos ang mali kundi ang aming unawa noon.. Inaamin po namin iyan.. Nagkamali kami ng unawa NOON sa mga prophecy na nakasulat sa Bibliya... Aminado po kami diyan..

At, again, WALANG ANUMANG SINABI/BINANGGIT sa publikasyon namin na ang mga petsang inilathala namin sa pag-aakalang sa taon na iyon darating ang wakas ay SIYANG SINALITA NI JEHOVA SA AMIN, bagaman ang ideya tungkol sa wakas ay galing sa Bibliya.

Kapag ang mga propeta ng Diyos noon ay direktang inuutusan na manghula sa pangalan ni Jehova, pansinin mo kung sa paanong paraan nila iyon sinasabi:

"ITO ANG SALITA NA SINALITA NI JEHOVA." (Isaias 1:2; Jer. 1:4; Ezek. 1:3, check mo na lang yung mga verse na yan)

Totoo namang kami ay tinatawag sa pangalan ni Jehova at nangangaral tungkol sa kaniya, pero never ginamit sa publikasyon namin ang mga pananalitang "ITO ANG SALITA NA SINALITA NI JEHOVA" at pagkatapos ay idinugtong namin at inihayag namin ang mga petsa kung kailan darating ang wakas, wala ni isa.

May mga publikasyon na may mga petsa lang kung kailan inaakala namin darating ang wakas, y'on lang ang mga makikita mo.. Pero anywhere sa publikasyon namin eh wala kang mababasa na sinabi namin na "IYON/ITO ANG SINALITA NI JEHOVA"..

Well, baka hindi mo lang yata talaga nauunawaan yung tungkol sa bagay na iyan kaya pati ikaw eh ginagamit na din 'yang gasgas na katuwiran na' yan na failed prophecies daw namin.. 😉
 
Last edited:
Magkaiba kasi yung direktang iniutos sa isang bagay na hindi mo naman iniutos.
Agree.. yan nga point ko… HINDI NYA DIREKTANG INUTOS NA WAG MANGALIPIN at sa halip eh ang iniutos nea yung batas sa pang aalipin… despite the fact na aware si god mo na ”yung possiblity na baka may mangyaring ganoon(which is ung pangaabuso at pananakit) eh nasa isip na ng Diyos”

Pero if a person still insists na 'mali' talaga ang Diyos o 'mali' ang ginawa ng Diyos dahil hindi niya ginawa ang ganito o ganyan, eh Bibliya na mismo ang nagsasabi:

Kawikaan 18:13 Kapag sumasagot ang isang tao bago niya marinig ang mga detalye, Kamangmangan iyon at kahiya-hiya.​

So mali akong iinsist na mali ang diyos dahil for me eh mali ang kautusan ng slavery…

So for you TAMA ba yung utos nea about slavery??

Ano ba ang tamang position jan for you? Na wag magconclude kung tama or hindi ang batas ni god? Na sabihing di natin lubos naiitindihan??

So pag sa ibang utos nea ba pd ding gawing dahilan yan? Na reserve muna ang pag sang ayon or di pang sang ayon sa ibang utos ni god? Very outspoken kayo about sa maling practices ng iba kasi sabi nyo hindi yun ayon sa utos or sulat sa bible… eh kung isagot din nila senyo yang verse sa kawikaan na yan at sabihan kayong mga mangmang at kahiya hiya?? Fair lang ba do u think?? Kasi nga hindi natin alam ang lahat ng detalye kung paano gumagawa ng pagpapasiya ang Diyos sa mga bagay na ipinahihintulot niya at hindi ipinahihintulot

so kung magco-conclude tayo na ang Diyos ay tiwali, masama, hindi makatarungan at hindi maibigin, maituturing tayong mangmang sa paningin ng Diyos dahil hinuhusgahan natin siya nang hindi naman natin alam ang lahat ng mga detalye.
Pero you have no problem concluding na tama at tumpak at totoo ang turo ni god mo ryt?? Pag opposition lang sa turo nea ang maling iconclude, ryt? Gaya ng tama ang conclusion nyo na mali ang practice at understanding ng iba sa bible at practices nila at tama yung senyo kasi ganon ang nakasulat…

Hindi po NAMIN prophecies iyon.. About prophecies, ang prophecy ay galing sa salita ng Diyos, hindi sa AMIN.. Ang pagkakaunawa namin NOON sa mga prophecy ang mali.. Kaya hindi ang prophecy galing sa salita ng Diyos ang mali kundi ang aming unawa noon.. Inaamin po namin iyan.. Nagkamali kami ng unawa NOON sa mga prophecy na nakasulat sa Bibliya... Aminado po kami diyan..

At, again, WALANG ANUMANG SINABI/BINANGGIT sa publikasyon namin na ang mga petsang inilathala namin sa pag-aakalang sa taon na iyon darating ang wakas ay SIYANG SINALITA NI JEHOVA SA AMIN, bagaman ang ideya tungkol sa wakas ay galing sa Bibliya.

Kapag ang mga propeta ng Diyos noon ay direktang inuutusan na manghula sa pangalan ni Jehova, pansinin mo kung sa paanong paraan nila iyon sinasabi:

"ITO ANG SALITA NA SINALITA NI JEHOVA." (Isaias 1:2; Jer. 1:4; Ezek. 1:3, check mo na lang yung mga verse na yan)

Totoo namang kami ay tinatawag sa pangalan ni Jehova at nangangaral tungkol sa kaniya, pero never ginamit sa publikasyon namin ang mga pananalitang "ITO ANG SALITA NA SINALITA NI JEHOVA" at pagkatapos ay idinugtong namin at inihayag namin ang mga petsa kung kailan darating ang wakas, wala ni isa.

May mga publikasyon na may mga petsa lang kung kailan inaakala namin darating ang wakas, y'on lang ang mga makikita mo.. Pero anywhere sa publikasyon namin eh wala kang mababasa na sinabi namin na "IYON/ITO ANG SINALITA NI JEHOVA"..

Well, baka hindi mo lang yata talaga nauunawaan yung tungkol sa bagay na iyan kaya pati ikaw eh ginagamit na din 'yang gasgas na katuwiran na' yan na failed prophecies daw namin.. 😉
Ay sori.. MALING UNAWA NYO PALA SA PROPHECIES and not maling prophecies nyo… ayan kinorek ko na…

Yan nga usually naririnig ko na kesyo MALI ANG UNAWA NOON sa mga hula na yun… ilang beses ng mali ang unawa nyo… SO PANO KA NAKAKASIGURO NA TAMA NA ANG UNAWA NYO NGAYON AFTER FAILING TO UNDERSTAND IT SO MANY TIMES?

ah hindi ba sinabi ni jehova ung mga hula nyo mismo directly… so anong point neto:

May mga publikasyon na may mga petsa lang kung kailan inaakala namin darating ang wakas, y'on lang ang mga makikita mo..”

Bakit kayo naglalagay sa mga publication nyo ng mga AKALA nyo lang???

Bakit kayo nagtuturo ng mga MALING PANGUNAWA nyo lang???

Ano ulit ung sabi sa kawikaan?? Mga mangmang at kahiya-hiya ryt??

Tingin mo ba paniniwalaan yan mga failed pang unawa nyo kung di yan itinuro na galing yan kay god jehova nyo???

9B3AF05F-8A88-4D88-BB57-69CD2C006B2C.png
D8BE6467-4ABF-4FE9-B528-C53732FC2F08.png
7F55769D-B884-4495-AEF1-1B56EA5F61F3.png

Clearly well stated sya as part of your doctrine… at malaki naging impact nean sa mga members nyo noon… dami nagbenta ng properties at nagcash in ng insurance nila dahil jan…

Actually nga mas dumami members nyo nung time na yan eh… tapos bumaba ulit nung di nagkatotoo…
5AAA035B-8359-40DF-9D24-66300BAC8CFB.png

Kahit sabihin mo na wala nman nakalagay na ITO ANG SINABI NI JEHOVA blah blah eh clear nman si GB Sam nyo sa annual convention nyo last year na:

“What im about to reveal to you today, jehova is behind it…not the governing body…not any human here on earth…but jehova god.”

Told u i was reading about timeline ng JW and i stumbled upon those info a few days ago…tinatamad pa lang ako magtopic… 😊
 
Attachments

Last edited:
Agree.. yan nga point ko… HINDI NYA DIREKTANG INUTOS NA WAG MANGALIPIN at sa halip eh ang iniutos nea yung batas sa pang aalipin… despite the fact na aware si god mo na ”yung possiblity na baka may mangyaring ganoon(which is ung pangaabuso at pananakit) eh nasa isip na ng Diyos”

So mali akong iinsist na mali ang diyos dahil for me eh mali ang kautusan ng slavery…

So for you TAMA ba yung utos nea about slavery??

Ano ba ang tamang position jan for you? Na wag magconclude kung tama or hindi ang batas ni god? Na sabihing di natin lubos naiitindihan??

So pag sa ibang utos nea ba pd ding gawing dahilan yan? Na reserve muna ang pag sang ayon or di pang sang ayon sa ibang utos ni god? Very outspoken kayo about sa maling practices ng iba kasi sabi nyo hindi yun ayon sa utos or sulat sa bible… eh kung isagot din nila senyo yang verse sa kawikaan na yan at sabihan kayong mga mangmang at kahiya hiya?? Fair lang ba do u think?? Kasi nga hindi natin alam ang lahat ng detalye kung paano gumagawa ng pagpapasiya ang Diyos sa mga bagay na ipinahihintulot niya at hindi ipinahihintulot

so kung magco-conclude tayo na ang Diyos ay tiwali, masama, hindi makatarungan at hindi maibigin, maituturing tayong mangmang sa paningin ng Diyos dahil hinuhusgahan natin siya nang hindi naman natin alam ang lahat ng mga detalye.

Pero you have no problem concluding na tama at tumpak at totoo ang turo ni god mo ryt?? Pag opposition lang sa turo nea ang maling iconclude, ryt? Gaya ng tama ang conclusion nyo na mali ang practice at understanding ng iba sa bible at practices nila at tama yung senyo kasi ganon ang nakasulat…

Ay sori.. MALING UNAWA NYO PALA SA PROPHECIES and not maling prophecies nyo… ayan kinorek ko na…

Yan nga usually naririnig ko na kesyo MALI ANG UNAWA NOON sa mga hula na yun… ilang beses ng mali ang unawa nyo… SO PANO KA NAKAKASIGURO NA TAMA NA ANG UNAWA NYO NGAYON AFTER FAILING TO UNDERSTAND IT SO MANY TIMES?

ah hindi ba sinabi ni jehova ung mga hula nyo mismo directly… so anong point neto:

May mga publikasyon na may mga petsa lang kung kailan inaakala namin darating ang wakas, y'on lang ang mga makikita mo..”

Bakit kayo naglalagay sa mga publication nyo ng mga AKALA nyo lang???

Bakit kayo nagtuturo ng mga MALING PANGUNAWA nyo lang???

Ano ulit ung sabi sa kawikaan?? Mga mangmang at kahiya-hiya ryt??

Tingin mo ba paniniwalaan yan mga failed pang unawa nyo kung di yan itinuro na galing yan kay god jehova nyo???

View attachment 1798082
View attachment 1798083
View attachment 1798084

Clearly well stated sya as part of your doctrine… at malaki naging impact nean sa mga members nyo noon… dami nagbenta ng properties at nagcash in ng insurance nila dahil jan…

Actually nga mas dumami members nyo nung time na yan eh… tapos bumaba ulit nung di nagkatotoo…
View attachment 1798089

Kahit sabihin mo na wala nman nakalagay na ITO ANG SINABI NI JEHOVA blah blah eh clear nman si GB Sam nyo sa annual convention nyo last year na:

“What im about to reveal to you today, jehova is behind it…not the governing body…not any human here on earth…but jehova god.”

Told u i was reading about timeline ng JW and i stumbled upon those info a few days ago…tinatamad pa lang ako magtopic… 😊
ang sikreto dyan, paps. Move on, move on lang. iyang yung keyword para makalusot sa mga sumemplang na propesiya.

kahit maliwanang pa sa araw yung mga nakatala mismo sa bibliya, pilit pa ring gagawang ng justifications. swerte talaga yung god nila, imagine mo matapos mo lipulin ang mga tao several times, i-condone ang incest at slavery, i-favor ang one ethnicity over the other, in the end uunawaain at iwo-worship ka pa.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top