What's new

Closed Tamang panaho kaibigan ( relate nyo nalang)

Status
Not open for further replies.

ACEJAYSON24

Addict
Joined
Apr 16, 2016
Posts
24
Reaction
10
Points
78
Age
26
Tunay na Kaibigan? Sila yung mga taong tatawagin ka hindi sa pangalan mo kundi sa pangalan ng nanay mo, yung mga taong lalaitin ka ng harap-harapan pero pabiro, yung tipong mas kinikilig pa sila pag dumaan ang crush mo sabayan pa ng todong hampas sayo na parang wala nang bukas. Yung hindi matuloy tuloy na gala kasi kulang, na pag hindi pwede ang isa hindi na pwede ang lahat. Yung bigla-bigla na lang mang aagaw ng pagkain na akala mo sya ang bumili. Oh di ba ang saya, ngunit hindi lahat ng taong makikilala mo ay masasabi mong tunay na kaibigan dahil may mga taong sisiraan ka lang, may mga taong kaibigan ka lang pag may kailangan. Kung gaano kasaya makatagpo ng tunay na kaibigan ganun din ito kahirap matagpuan.

Sabi nila Friendship break ups are more painful than relationship break ups. Kung ako ang tatanungin YES! super duper ultra mega sakit daig pa nito ang hiwalayan ng mag kasintahan. Hahaha. Ok let me tell you my story. Kaibigan ko na sya since highschool, Yung sa lahat ng bagay nagkakasundo kami, walang humpay na tawanan, kwentuhan, chikahan, tungkol sa mga bagay-bagay. Pati nga kadramahan ng buhay namin halos nasabi na naming sa isat.isa. naalala ko pa nga tuwing vacant time namin wala kaming ibang gustong kainin kundi pancit canton sa canteen. Wala tayong magagawa tag tipid kami. Ahahaha. Yung gagala kami hanggang pang ice cream lang ang kaya ng bulsa namin. Nakakatawa di ba. Yung tipong project ng isa project ng lahat.Yung kayang sabayan ang kabaliwna kong taglay kahit minsan nakakahiya na para sa iba. Yung makagawa lang ako ng katangahan parang nanay ko kung magsermon with matching kotong sa ulo. Yung kayang initindihin yung sobrang paga moody ko. Ahahaha! Pasensya naman. Masasabi ko na ang swerte ko dahil nakatagpo ako ng tunay na kaibigan na tanggap ako kung ano ako. Hanggang tumuntong kami ng kolehiyo, dahil sa hindi lang basta magkaibigan ang turingan naming kundi magkapatid na sabay din kaming pumasok sa paaralang ito. Nung una parang wala lang lumipat lang kami ng paaralan pero yung pagkakaibigan naming anduon parin. Sa lahat ng oras lagi kaming magkasama, sa klase, sa canteen,sa duty, hanggang sa pag uwi. Minsan pa nga biniro kami ng isa naming kaklase magkaibigan nga kayo halos hindi kayo mapag hiwalay, kung nasan yung isa paniguradong andoon din yung isa buti hindi kayo nagkakasawaan sa mga muka nyo. Hahaha. Ang nasa isip ko na lang wala tayong magagawa ganun talaga. Ahahaha. Pero sabi nga nila walang permanente sa mundong ito, lahat nagbabago. Sa pag lipas ng panahon yung matibay na samahan na binuo namin ng matagal na panahon unti-unti iyong nawala, may mga bagay talaga na akala mo lang wala pero mahalaga pala para sa ibang tao, hindi mo namamalayan nakakasakit ka na pala ng damdamin ng iba. Siguro kapwa kami may pagkukulang na hindi na kayang punan ng isat.isa. kung kaya’t naging ganun ang kinahantungan ng aming pagkakaibigan. Walang alam ang ibang tao sa nangyayari sa totoong estado ng aming pagkakaibigan hanggang sa sila na mismo ang nakakapansin at mismong magtatanung sa akin na, nasan na yung best friend mo ? bat hindi mo kasama? Sa twing tatanungin ako ng ganun ng bawat taong hindi ko alam ang iisagot ko. Ano nga bang sagot? Dahil mismong sarili ko hindi ko alam ang sagot.

Aaminin ko para akong nalumpo ng nawala sya sa buhay ko, dahil hindi lang basta kaibigan ang turing ko sa kanya kundi isang kapatid. Kapatid na kasangga at kasama ko sa bawat landas na tatahakin ko. Pero sabi nga nila pag may umaalis may dumarating may plano ang Diyos para sayo magtiwala ka lang, at hindi ako nabigo, nalumpo man ako nung nawala sya sa buhay ko, ngunit muli akong nakatayo dahil na rin sa mga taong binigay ng Diyos sa akin na tumulong upang muli akong makabangon at ipamulat sa akin na hindi pa katapusan ng mundo, Gustuhin ko mang ibalik ang dati hindi na maari, nagtatalo ang sinasabi ng utak ko sa sinisigaw ng puso ko. At sa twing maaalala ko kung gaano naging kaliit yung tinggin ko sa sarili ko nung mga panahon na yun ang sakit lang isipin, yung mga paghihirap na naranasan ko ayoko ng balikan pa. masaya na kong makita syang masaya kasama ang ibang tao. At masasabi kong mas masaya ako ngayon dahil napatunayan ko mismo sa sarili ko na kaya ko kahit wala sya

Maraming salamat dahil naging parte ka ng mala roller coaster kong buhay, at higit sa lahat sa maraming taong pagkakaibigan. Siguro magigigng parte na lamang ng aking nakaraan ang masasaya nating alala, alalang magsisilbing salamin sa akin upang mas maging matatag para harapin ang mas matitindi pang problema, pinakita nito sa akin na hindi lahat may happy ending bandang huli. Wag kang mag alala yung sugat na iniwan mo dito sa puso ko maghihilom din ito tiwala lang pero hindi pa nga lang sa ngayon, sa tamang panahon.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top