What's new

Talaga bang galing sa diyos ang mga pagdurusa?

Ace106

Forum Guru
Elite
Joined
Dec 22, 2018
Posts
3,349
Reaction
3,989
Points
1,246
Talaga bang galing sa diyos ang mga pagdurusa?

Nakakaranas tayo ng pagdurusa araw-araw lalo na tayo ay nasa pandemic ngayung panahon, sinasabi ng ilan na ita ay galing sa diyos para parusahan tayo pero ano ngaba ang sinasabi ng Bibliya?
Sinabi sa santiago 1:13 na:
"Kapag dumaranas ng pagsubok, huwag sabihin ninuman: “Sinusubok ako ng Diyos.” Dahil ang Diyos ay hindi masusubok na gumawa ng masama, at hindi rin niya sinusubok ang sinuman na gumawa ng masama"

Malinaw na sinabi ng bibliya na di sumusubok ang diyos kaya itong mga nararanasan na problema natin ay di galing sa diyos. Kaya mali na sisihin ang diyos sa mga problemang dumadating satin


Kung ganon bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa?
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Since pinahintulutan ni god na maghari si satanas sa mundo eh can we attribute ung mga magagandang nangyayari sa mundo kay satanas o ung masasama lang??
 
Di ang diyos ang kumukontrol sa lupa kaya syempre kung may magandang nangyayari example na cure ang virus eh di run sya may gawa non
 
Syempre hindi kasi di yan ang original na layunin niya hahahaha, sasabihin ko sayo pag dumating na ang kaharian niya, dun mo makikita ang totoong pagtutulungan hindi ngayun hahahaha
 
Okie... I mean ung pag nagkakaisa ang mga tao. Nagtutulungan etc. Di din sya may gawa non ryt??
Actually, may isang pagkakaisa na hindi man gaano kapansin-pansin sa ibang mga tao, pero magiging kapansin-pansin sa gitna ng tunay na mga Kristiyano ..

Yamang marami ang mga nagsasabing Kristiyano sila, dapat na naipapakita nila y'on sa kanilang paraan ng pamumuhay at pagsamba .. Tama?

Katunayan, kung ang gawain at impluwensiya ng mga Kristiyano ay pambuong daigdig, dapat na nagkakaisa sila .. Hindi ba?

Pero, kitang-kita natin, na ang mga nagsasabing relihiyong kristiyano sa kabuuan ay hindi nagkakaisa, bagkus ay nagkakabaha-bahagi pa nga dahil sa iba't-ibang interpretation nila sa Kasulatan ..

May nabanggit si Yortz nung mga nakaraang araw about sa pagiging iisa ng turo ng mga religion na ito, like hellfire, lahat ng mabubuting tao pupunta sa langit, wawasakin ng Diyos ang lupa, may kaluluwang naglalakbay, etc.
pero kung tungkol sa pagkakaisa ng lahi, at ibang mga bansa, hindi nila ito nagagawa, kundi mas pinahahalagahan pa nga nila ang Nasyonalismo, mga tradisyon, at kapag may isyu tungkol sa usapang pampolitika, doon sila nakikialam .. Iyan ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang mga relihiyong ito, Kristiyanong religion man o hindi, lahat sila, ay hindi nagkakaisa kundi nagkakabaha-bahagi pa nga ..

Kumusta ang mga Saksi ni Jehova? Kami ay relihiyong Kristiyano din .. pero hindi kami nakikibahagi sa anumang politikal na mga gawain, gaya ng pagboto o pangangampanya ng isang partido .. Tanging ang Kaharian ng Diyos lamang ang iisang gobyerno na inaasahan naming tatapos sa lahat ng problema sa mundo ..

Nagkakaisa ba kami sa buong mundo?

Oo, pagdating sa aming mga itinuturo, pagsamba at paniniwala, iisa ang aming saligan .. Katunayan, kami lang ang religion na napagkaisa ang 240 na mga lupain, at kami lang ang tanging religion na nagsikap na maipaabot sa halos 1,030 na mga wika ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos, sa maraming tao ...

Isipin mo na lang, kahit may tinatawag na United Nations, pero ang mga bansang kasali doon ay nagkakaroon pa din ng girian at mayroon pa ngang discrimination ..

Pero sa mga Saksi ni Jehova, anumang lahi, o bansang pinagmulan, o katayuan mo sa buhay, walang diskriminasyon, itinuturing naming kapatid ang mga Chinese na Saksi, o ang mga Amerikanong Saksi, kahit na alam natin na sa ibang bansa, ang mga Asian ay may malaking galit sa mga Chinese at sa mga Amerikano dahil sa kanilang masamang pakikitungo sa ibang Asian 🙂 Gets?

Kung mapang-angkin man ang binanggit kong ito, pero, ito ay base na din sa naoobserbahan ko ..

Magkaiba ang Kristiyanong Saksi ni Jehova, sa relihiyong Kristiyano na umiiral sa buong mundo ..
Iyan ang pagkakaisa na hindi man nakikita ng maraming tao, pero kapansin-pansin naman sa gitna ng tunay na mga Kristiyano ..
 
Syempre hindi kasi di yan ang original na layunin niya hahahaha, sasabihin ko sayo pag dumating na ang kaharian niya, dun mo makikita ang totoong pagtutulungan hindi ngayun hahahaha
Okay... I dunno why u find it funny na ur god allowed the devil to rule hir on earth which clearly affects you... Pero un nga... Nag aabang ka lang na makawala sa paghahari ni satanas and looks like u dont mind naman waiting kasi ung good parts ng paghahari ni satanas ata nararanasan mo... I wonder kung ung mga nagdudusa on a daily basis can find the humor sa pinagdadaanan nila as well..
 
Actually, may isang pagkakaisa na hindi man gaano kapansin-pansin sa ibang mga tao, pero magiging kapansin-pansin sa gitna ng tunay na mga Kristiyano ..

Yamang marami ang mga nagsasabing Kristiyano sila, dapat na naipapakita nila y'on sa kanilang paraan ng pamumuhay at pagsamba .. Tama?

Katunayan, kung ang gawain at impluwensiya ng mga Kristiyano ay pambuong daigdig, dapat na nagkakaisa sila .. Hindi ba?

Pero, kitang-kita natin, na ang mga nagsasabing relihiyong kristiyano sa kabuuan ay hindi nagkakaisa, bagkus ay nagkakabaha-bahagi pa nga dahil sa iba't-ibang interpretation nila sa Kasulatan ..

May nabanggit si Yortz nung mga nakaraang araw about sa pagiging iisa ng turo ng mga religion na ito, like hellfire, lahat ng mabubuting tao pupunta sa langit, wawasakin ng Diyos ang lupa, may kaluluwang naglalakbay, etc.
pero kung tungkol sa pagkakaisa ng lahi, at ibang mga bansa, hindi nila ito nagagawa, kundi mas pinahahalagahan pa nga nila ang Nasyonalismo, mga tradisyon, at kapag may isyu tungkol sa usapang pampolitika, doon sila nakikialam .. Iyan ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang mga relihiyong ito, Kristiyanong religion man o hindi, lahat sila, ay hindi nagkakaisa kundi nagkakabaha-bahagi pa nga ..

Kumusta ang mga Saksi ni Jehova? Kami ay relihiyong Kristiyano din .. pero hindi kami nakikibahagi sa anumang politikal na mga gawain, gaya ng pagboto o pangangampanya ng isang partido .. Tanging ang Kaharian ng Diyos lamang ang iisang gobyerno na inaasahan naming tatapos sa lahat ng problema sa mundo ..

Nagkakaisa ba kami sa buong mundo?

Oo, pagdating sa aming mga itinuturo, pagsamba at paniniwala, iisa ang aming saligan .. Katunayan, kami lang ang religion na napagkaisa ang 240 na mga lupain, at kami lang ang tanging religion na nagsikap na maipaabot sa halos 1,030 na mga wika ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos, sa maraming tao ...

Isipin mo na lang, kahit may tinatawag na United Nations, pero ang mga bansang kasali doon ay nagkakaroon pa din ng girian at mayroon pa ngang discrimination ..

Pero sa mga Saksi ni Jehova, anumang lahi, o bansang pinagmulan, o katayuan mo sa buhay, walang diskriminasyon, itinuturing naming kapatid ang mga Chinese na Saksi, o ang mga Amerikanong Saksi, kahit na alam natin na sa ibang bansa, ang mga Asian ay may malaking galit sa mga Chinese at sa mga Amerikano dahil sa kanilang masamang pakikitungo sa ibang Asian 🙂 Gets?

Kung mapang-angkin man ang binanggit kong ito, pero, ito ay base na din sa naoobserbahan ko ..

Magkaiba ang Kristiyanong Saksi ni Jehova, sa relihiyong Kristiyano na umiiral sa buong mundo ..
Iyan ang pagkakaisa na hindi man nakikita ng maraming tao, pero kapansin-pansin naman sa gitna ng tunay na mga Kristiyano ..
U dont need to separate ung kind ng pagkakaisa meron kayo over sa meron or wala sa iba... May question is kung ung pagkakaisa ng tao ..including ung kind nung senyo is something that is allowed or attributed to satanas who according to TS is the ruler dito sa earth as allowed by god
 
Hmmmm .. Magandang question nga 'yan .. 🤔😅

So, para mas clarify, ang tanong mo ba ay,
ang pagkakaisa ba ng mga tao kasama na ang pagkakaisa ng aming organisasyon sa buong lupa ay ipinahintulot din ng Diyos sa pamamagitan ni Satanas?

Tama ba? or mali yung aking pagkaunawa sa iyong tanong? 😅

Puwede mo rin mas linawin pa 😅 Mahina ako sa Ingles eh .. Hahahaha !
 
Sure ka na may good part si satanas sa paghahari? Hahahahaha

"I dunno why u find it funny na ur god allowed the devil to rule hir on earth which clearly affects you"

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Hmmmm .. Magandang question nga 'yan .. 🤔😅

So, para mas clarify, ang tanong mo ba ay,
ang pagkakaisa ba ng mga tao kasama na ang pagkakaisa ng aming organisasyon sa buong lupa ay ipinahintulot din ng Diyos sa pamamagitan ni Satanas?

Tama ba? or mali yung aking pagkaunawa sa iyong tanong? 😅

Puwede mo rin mas linawin pa 😅 Mahina ako sa Ingles eh .. Hahahaha !
Yes paps. Hahahaha... And not just kung ipinapahintulot more on kung resulta din ba ng pamumuno ni satanas dito sa lupa ung mga magagandang bagay na nangyayari sa tao including yung pagkakaisa.
 
Puwede ka bang magbigay ng examples nung mga mabubuting bagay na nangyayari sa mundo? and samahan mo na din ng example kung ano yung pagkakaisa na nagawa ng mga tao under sa ruling ni Satan ...

Hehehe .. Para mas maelaborate lang natin 😅
 
Sure ka na may good part si satanas sa paghahari? Hahahahaha

"I dunno why u find it funny na ur god allowed the devil to rule hir on earth which clearly affects you"

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Huh?? Ikaw nagsabi na ung magagandang nangyayari eh di god ang may gawa db??

Direct nman ung tanong ko kung si satanas ang namamahala sa lupa eh pd ba sa kanya din attribute ung magagandang nangyayari sa mundo naten.... Yes or no question lang yan pero ang sagot mo lage is "di kay god ang ganto or ganyan" which is not the question im asking... So YES or NO??

Given na nga na may masasamang nangyayari sa mundo...and sabi mo dahil sa pamumuno ni satanas un...ang tanong ko eh ung magagadang nangyayari ba sa mundo (na u agreed na meron, and meron nman tlaga) eh dahil din kay satanas since sya nman ang namumuno?
 
Bakit gagawin ni Satanas yun? Hahahaha

Kahit si satanas nag Hahari sa mundo eh miron naman tayong kalayaan kung susundin natin sya o hindi, so pag ginawa ko ang mabuti mag credit ba yun kay Satanas eh ako gumawa? 😅
 
not just kung ipinapahintulot more on kung resulta din ba ng pamumuno ni satanas dito sa lupa ung mga magagandang bagay na nangyayari sa tao including yung pagkakaisa.
Actually, magkaiba ang pagkakaisa na under sa ruling ni Jehovah at under sa ruling ni Satanas ..

Bakit?

Sa ruling ni Jehovah, napagkakaisa niya ang mga tao na may iba't-ibang pinagmulan, lahi, wika, katayuan sa buhay, at iba pa.

Sa panahon na naitatag na ang kongregasyong Kristiyano, hindi na ni Jehovah ipinahintulot na makipaglaban o makipagdigma pa ang mga Kristiyano. At dahil hindi kami nakikibahagi sa sanlibutan, walang partido politikal kaming pinapanigan, or any issues sa sanlibutan na pinapanigan or di pinapanigan. Dahil dito, saanmang lugar kami nakatira, alam namin na hindi kami nababahagi o nahahati ang opinyon dahil sa political system or different issues na bumabangon sa sanlibutang ito. Neutral kami pagdating sa bagay na iyan.

Isa pa, saanmang bansa o lugar magmula ang aming mga kapananampalataya, ang turing namin sa kanila ay aming mga kapatid. Katunayan, kung maoobserbahan mo lamang, gaya din mismo ng naoobserbahan ko, kapag may mga kapatid kami na kakakilala pa lang namin, malapit na agad ang loob namin sa kanila, kasi, kilala na namin yung isa't-isa in terms of beliefs and standards. Nagkakaisa kasi kami pagdating sa aming mga itinuturo at pamantayan.

Kaya, hindi kami naiilang makipagsamahan sa aming mga kapatid saanman kami magpunta, bagkus, anumang kongregasyon ang aming puntahan, naroon agad ang mainit na pag-big na pangkapatid.

Kahit si Satanas ang namamahala ngayon sa mundo, napanatili ang pagkakaisa ng mga Saksi ni Jehova na hinding-hindi mangyayari kung wala ang tulong ni Jehovah. Ang pagkakaisa namin ay resulta ng pagsunod namin sa iniutos ng kaniyang Anak,

"Binibigyan ko kayo ng isang bagong utos, na ibigin ninyo ang isa’t isa; ibigin ninyo ang isa’t isa kung paanong inibig ko kayo." (Juan 13:34)

Hindi 'yon resulta ng pamamahala ni Satanas, ang totoo, gustung-gusto niya nga na magkabaha-bahagi ang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova kasi alam niyang payapa ang bayan na ito at hindi nakikisali sa mga digmaan o political system.

Nandito yung mga link kung saan may mga lugar na may discrimination or pagtatangi ng lahi, pero ang mga saksi, nananatiling nagkakaisa; at may mga lugar naman kung saan hindi nag-aaral ng pakikipagdigma ang mga saksi kaya ikinukulong sila. Sana mapanood mo yung mga video.

Gusto Kong Labanan ang Pagtatangi ng Lahi​
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Tularan ang Diyos na Hindi Nagtatangi​
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Kailan Magtatagumpay ang Matapat na Pag-ibig Laban sa Poot? [About naman ito sa mga Palestino at Judio]​
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Kristiyanong Neutralidad sa South Korea — Kasaysayan ng Pananampalataya at Lakas ng Loob​
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Kumusta naman pagdating sa ruling ni Satanas?


Wait mo na lang ulit yung sagot ko tungkol sa tanong na 'yan .. :D
 
ng magagadang nangyayari ba sa mundo (na u agreed na meron, and meron nman tlaga) eh dahil din kay satanas since sya nman ang namumuno?
Sa ruling ni Jehovah, ang pangunahing saligan ng pagkakaisa ay 'pag-big'

Colosas 3:14
"Pero bukod sa mga ito, magpakita kayo ng pag-ibig, dahil lubusan nitong pinagkakaisa ang mga tao."

Eh, bakit kahit Christian religion, kasama na yung sa inyo, ay hindi nagkakaisa?

Ibinubukod kami ni Jehova pagdating sa ibang Christian Religion. Bakit?

Dahil ang relihiyon na sasang-ayunan niya ay

[1] y'ong hindi makikibahagi sa gawain ng sanlibutang ito,​
[2] y'ong handang manindigan sa pamantayang itinatakda niya sa Bible,​
[3] at hindi nagsasagawa ng mga tradisyon ng tao​

at pinakahuli

[4] ay tatawagin niya ayon sa kaniyang pangalan mismo.​

Eh, bakit bukod yung religion ninyo sa ibang Christian religion?

Sa Bible, sinasabi na 'binigyang-pansin ng Diyos ang ibang mga bansa para kumuha sa kanila ng isang bayan na magdadala ng pangalan niya.' (Gawa 15:14)

Ang bayan na ito ang magdadala sa pangalan ng Diyos. Walang ibang relihiyon sa lupa ang matatag na nanindigan sa paggamit ng banal na pangalan ng Diyos na Jehova sa kanilang pagsamba, at kami lamang ang tanging organisasyon na nagbalik ng pangalan ng Diyos na Jehova sa Bibliya.

Yung King James Version nga, after 400 years lang, doon lang nila ibinalik ang pangalan ng Diyos sa Bible. Mas maraming beses na lumitaw ang name ni Jehovah sa revised version na iyon ng KJV kumpara sa 1611 na KJV.

Katunayan, mayro'n akong copy nung Bible na y'on. Kaya, alam ko sa sarili ko na sa simula pa lang, tama talaga ang ginawa ng mga Saksi sa pagsasauli ng pangalan ni Jehova sa Bibliya.

174126693_5341307722611361_8823826551768027752_n.jpg


Ano ang punto ko dito?

Isa lang ang relihiyong tatawagin ni Jehova ayon sa kaniyang pangalan. Wala ng iba pa. At mga Kristiyano din ang tawag sa kanila. (Gawa 11:26; 26:28; 1 Pedro 4:16)

Eh, bakit may ibang Christian Religion din?

Bago mamatay ang huling apostol na sumulat ng Apocalipsis, si apostol Juan. Inihula na ng Kasulatan na mayroong magiging mga huwad na Kristiyano - mga Kristiyano na manggagaling sa katotohanan pero hihiwalay at magtatayo ng kanilang sariling sekta.

Gawa 20:30
MULA NA RIN SA INYO'Y may lilitaw na mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mahikayat na sumunod sa kanila ang mga alagad.
1 Timoteo 4:1
Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
2 Pedro 2:1 at 3
Noong una, may mga huwad na propetang lumitaw sa Israel. Gayundin naman, may darating SA GITNA NINYO na mga huwad na guro. Lihim silang magtuturo ng mga maling aral na ang dulot ay kapahamakan. Pati ang Panginoong tumubos sa kanila ay kanilang itatakwil, kaya't di magtatagal at sila'y mapapahamak. [3] Sa kanilang kasakiman, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang aral na kathang-isip lamang. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila ay hindi natutulog.
2 Timoteo 4:3, 4
Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. 4 Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.

Ano ang punto ng mga tekstong iyan?

Na ang mga huwad na Kristiyano ay magmumula sa umiiral ng mga Kristiyano [mga tunay na Kristiyano], at hindi sila mananatili sa tunay na kongregasyon ni Jehova na itinatawag ayon sa kaniyang pangalan.

Sisikapin nilang akayin kahit y'ong mga nasa katotohanan na.

At ang mga turo ng mga tunay na Kristiyano ay hahaluan nila ng kanilang sariling mga ideya.

Ang ilan sa mga ito ay yung birthday, pasko, nasyonalistikong kaisipan anupat nakikibahagi sa politikal na mga gawain, pilosopiya ng tao, tatluhang diyos, kaluluwang hindi namamatay, at marami pang iba.

At ang mga turong iyan ay gustung-gusto ng mga tao.

Ang sabi sa 2 Timoteo 4:3, 4
Susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig.

Gustung-gusto nila ang mga ideyang iyan kahit na salungat ang mga iyan sa itinuturo ng Bibliya. Yung same-*** marriage, ipinahihintulot na din ng ibang religions. Yung pagkakaroon ng mga member na hindi kasal or live-in partner, ok lang din sa ibang religion. Yung mga tomboy at bading, ok lang din sa ibang religion. At pagboto ng mga political na mga kandidato, gustung-gusto din nila.

Kaya, hindi sila ang bayan na tinatawag ni Jehova ayon sa kaniyang pangalan, dahil sila ang mga nanggaling noon sa katotohanan, pero hindi nanindigan. Sino talaga ang sinasamba ng mga relihiyong ito?

Juan 8:44
Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya'y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan

Oo, ang sinasamba talaga ng mga ito ay walang iba kundi si Satanas na Diyablo.

Ano ngayon ang gusto kong i-point out dito?

Na ang mga Christian Religions sa kabuuan ay bumubuo sa tinatawag namin na "Sangkakristiyanuhan" - mga nag-aangking Kristiyano. Bakit?

Dahil imbes na akayin ang mga tao sa pagsamba kay Jehova na siyang karapat-dapat sambahin, inakay nila ang mga tao na sambahin si Jesus, ang Anak ng Diyos.

Kahit ipakita ko sa kanila yung teksto na sinabi ni Jesus na si Jehova ang sambahin, hindi nila tatanggapin, bakit? Mas gusto nilang sambahin si Jesus.

160574149_884418229079560_1996297279851893744_n.jpg


At imbes na umasa sa Kaharian ng Diyos at manatiling neutral sa politikal na mga gawain, gaya ng ginawa ni Jesus noon, hindi, hindi sila naging neutral bagkus ay mga supporter pa nga ng mga kilalang kandidato sa politika.

Ang resulta? Nagkaroon ng magkakaibang mga turo at interprestasyon sa itinuturo ng Bible.

Sa mas mabigat na pananalita, naging panggulo sila sa mga tunay na Kristiyano kaya hindi agad makilala ang mga ito.

Pero, gaya ng sinabi ni Jesus, may pagkakakilanlan ang tunay na mga Kristiyano. Ano 'yon?

“Binibigyan ko kayo ng isang bagong utos, na ibigin ninyo ang isa’t isa; ibigin ninyo ang isa’t isa kung paanong inibig ko kayo. Kung mahal ninyo ang isa’t isa, malalaman ng lahat na kayo ay mga alagad ko.”
(Juan 13:34, 35)

Ano ang punto?

Ang bayan na tinatawag ayon sa pangalan ni Jehova, sila ang tunay na nagkakaisa, mga tunay na Kristiyano, dahil taglay nila ang pag-ibig na walang pagpapaimbabaw, pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa sa gitna ng mundong ito kung saan laganap ang diskriminasyon at pagtatangi ng lahi. Oo, pinagkakaisa nito ang mga tao na may iba't-ibang pinagmulan, lahi at wika. Hindi sila nababahagi dahil sa political system or mga issue na bumabangon sa sanlibutan.


Kumusta ang pagkakaisa sa sanlibutan ni Satanas?

Yes, may mabubuting bagay naman tayong nakikita sa rulership ni Satan, gaya na lang ng, nakapagtatayo ng mga organization para magkaisa [daw] ang mga tao at mapanatili [daw] ang kapayapaan sa mundo, [United Nations] or yung organization na nagpapanatili ng ating magandang planeta, [One Green Planet] or, organisasyon na pangunahing nauugnay sa panggagamot at pagresolba sa mga sakit, [World Health Organization] at iba pa.

Pero, kahit na nagkakaisa ang mga tao pagdating sa ganiyang mga tunguhin, hindi pa rin nito permanenteng nasosolusyunan ang problema ng mga tao, gaya na lang ng diskriminasyon, digmaan, at pagkakabaha-bahagi. Gayundin, hindi rin nila maalis ang mga sakit na nagdudulot ng kamatayan, kundi, ginagamot lamang nila ito pero hindi permanenteng naaalis.

Ano yung punto ko dito?

Mayro'n naman talagang mabubuting bagay tayo na makikita sa mundong ito. Bakit?

1. Nilikha tayo ayon sa larawan ng Diyos. Kaya taglay natin ang kagustuhan na magkaisa at magpakita ng pag-ibig sa iba. Natural yon kahit ang isa ay hindi naniniwala sa Bible.

2. May kalayaan tayo. Kahit under tayo ng rulership ni Satan ngayon, hindi naman ibig sabihin non na imposible ng magkaisa ang mga tao. Gaya nung mga nabanggit ko na nga, may mga organization sa mundong ito na talagang nagkakaisa sa layuning mapabuti ang mundo. At natural kasi yon satin, may alam man tayo sa Bible or wala.

3. Ang pagkakaisa ng mga tao ay resulta ng paghahangad ng mga tao na mapabuti ang mundo. Gayunman, hindi pa rin maaalis nang lubusan ng mga tao ang discrimination at pagtatangi ng lahi, at iba pang mga problema sa mundong ito.

My Conclusion:

- Magkaiba ang pagkakaisa ng bayan ni Jehova sa pagkakaisa ng sanlibutang ito.

- Iba ang bayan ni Jehova sa mga Christian Religion dahil kami lang ang tanging organization na napagkaisa ang 240 na mga lupain at nakapapangaral sa halos 1,030 na mga wika. Nagkakaisa kami sa pagsamba at pagpuri sa aming Diyos, si Jehova.

- Ang sangkakristiyanuhan ay ginagamit ni Satanas para sirain ang pagkakaisa ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang maling mga aral na nakasalig sa kanilang baluktot na mga ideya mula sa Salita ng Diyos. Dahil sa salu-salungat nilang interpretasyon, naisasara nila ang isipan ng maraming tao para huwag paniwalaan ang sinasabi ng Bibliya.
 

Attachments

Back
Top