Pangit pakinggan ang Death Penalty, pero ito ay isang mabisang paraan para makapag-isip ang sinumang may intensyong gumawa ng karumal-dumal na gawain sa panahon ngayon. Alam na natin ang mga rason kung bakit ito dapat ibalik kaya napapanahon na tanggapin na natin ito para mabilis ang pagsugpo sa mga malalang krimen. Kailangan natin ay maging praktikal sa pagharap sa problema at mabilis na hustisya. Nirerespeto natin ang CHR bilang bahaging institusyon ng ating Saligang-Batas pero dapat ay baguhin na nila ang pananaw sa kasalukuyang sitwasyon dahil hindi na effective yung mga existing nating batas na kayang gamitin ng mga salarin para lang makalusot sa kung anong kaso. We need drastic measures to solve our present problems. Napakarami nating batas na hindi na angkop sa panahon Yung paraan ng parusa ay pwedeng pag-usapan na lang sa huli like lethal injection at the least.