Parehas DRAM-less ang mga yan, so lower write performance and lifespan. Pero kung ang workload mo eh pang browsing or office use lang, kahit alin diyan sa dalawa mas ok pa rin kaysa sa HDD.
Based sa nahanap ko sa Google, mukhang controller lang ang pinagkaiba ng dalawa. SM2256 daw yung sa Sandisk SSD Plus, while SM 2258XT daw yung sa HikVision. Di daw maganda performance ng SM2256. Sa warranty naman, binili na ng Western Digital ang Sandisk, so baka i-honor ng WD ang Sandisk SSD Plus kung sakali. Ang HikVision? Never heard.
Personally, di ako gumagamit ng DRAMless SSD's, tsaka di ako kampante sa ganitong price point. But between the 2 choices above, HikVision ang pipiliin ko. Same controller as Crucial BX500.