What's new

Closed SONA Comment

Status
Not open for further replies.
Sabi ni Duterte, kung titingnan mong mabuti parang pinaglalaruan talaga tayo.

In my interpretation, ito ay nakdirekta sa mga nagdadala ng droga dito sa bansa at dito nagpapayaman OR yung mga taga dito tlga at ginagawang negosyo ang droga upang yumaman.

"Do not do it in my country, because i will kill you", he said.

Siguro, ang purpose tlga ni Duterte sa pag patay ng mga small time drug dealers is gusto niya na wala ng Pilipino ang kumapit sa pag bebenta ng droga. Kasi kapag hindi na kumapit ang mga mahihirap sa pag bebenta ng droga mpuputol ang bentahan ng droga sa mga mamamayan ng Pilipinas which is the main consumer of this drugs. Kapag nangyari ito mga malalaking bentahan na lng ng droga ang matitira at mas madali na ito para sa gobyerno na madetect. In effect malalantad na yung mga druglords ng bansa at bababa narin ang benta nila.

Subalit kabaliktarang ang nangyayari, dahil sa ang mentality ng mga pinoy is kung anu ang bawal yun ang mas masayang gawin. Kasi matigas ako kapag nilalabag ko ang gobyerno, kasi astig ako, kasi matapang ako, kasi wala akong kinatatakutan, kasi panis kayo sakin, kasi napakaangas ko dahil notorious ako. Proud na proud ang mga pinoy kapag ganyan ang tingin sakanila ng mga tao. Cguro kahit anu pang solusyon ang gawin ng kahit sinong presidente walang mag babago kung hindi rin nman ito sasabayan ng mga tao.

Lahat ng tao may ideal na mundo at may mga magandang plano para dito. Magkakaiba lng tlga sila ng paraan kung papano nila ito makakamit.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top