What's new

Closed Sino si jehova?

Status
Not open for further replies.
ang ibig mo ba savihin tatawagin mo ang tatay mo sa pangalan nya ganun ba?ang presidente ang senador pwede mo tawagin sa katawagan nya pero ang ama mo hindi mo sya pede tawagin ng ganun lalo kong diyos ang pag uusapan na gets mo ba ako?
Hindi po ganun... Kung may respeto, diba sasabihin mo Presidente Duterte, Ginoong Jose... same sa Diyos. Amang Jehova, Diyos na Jehova.

Pwede mong gamitin ang titulo (pero dapat mo ring gamitin ang pangalan ng Diyos)
 
dc0bc9ac24.JPG

Ang Beth Sarim na ipinatayo ng mga Saksi ni Jehova upang
matirhan ng mga Propetang muling mabubuhay


Sa paniniwala ng katiyakan ng nalalapit na pagkabuhay na maguli ng mga maka-kasulatang mga Propeta at mga Patriarka, si Joseph Rutherford, Presidente ng Watchtower Bible and Tract Society ay pinasimulan ang pagtatayo ng isang bahay sa San Diego, California. Ang bahay na ito ay itinayo upang maging tahanan nina Abraham, Isaac, Jacob, Jose, Moises, David, Samuel at mga iba pang binabanggit sa Hebreo, kapitulo 11. Sa kabilang dako, nang ang mga nabanggit ay hindi nangagsidating, ang nakahihiyang pangyayaring ito sa Beth Sarim ay kinailangang pagtakpan.

Sa pasimula ng taong 1920, sinabi ni Rutherford,

333db0e270.jpg
“Habang tayo hanggang ngayon ay naririto, ang pagiral muli ng kagalakan ay nakatakdang matupad sa pagsisimula ng taong 1925. Sa panahong yaon ang panlupang bahagi ng kaharian ay mahahayag?” Paano ito mahahayag? Anong mga pangyayari ang magbubunsod sa pagdating ng kaharian?” [Millions Now Living Will Never Die, pp. 89]

Ipinaliwanag pa ni Rutherford,

“Samakatuwid tayo’y nakatitiyak sa ating pag-asam na sa taong 1925 ay magiging takda ng pagbabalik nina Abraham, Isaac, Jacob at ng mga matatapat na propeta ng nakaraan, partikular ay mga yaong nabanggit ng Apostol sa kapitulo 11 ng Hebreo, sa kalagayan ng perpektong pagkatao.” [Ibid, page 90]

Ito para sa mga Saksi ni Jehovah ay isang nakapananabik na Propesiya o hula nang panahong yaon. Ang mga Saksi sa buong daigdig ay naniniwala ng katiyakan ng pisikal na pagkabuhay na muli o ng pagdating ng mga nabanggit na patriarka at propeta. Subalit nang dumating ang taong 1925, sina Abraham at mga kasama ay hindi nagsidating, ang ilan sa mga tagasunod ni Rutherford ay umalis sa kawan. Ang mga iba naman ay naniwala at umasam na umaasa na marahil ay nahuli lamang sila sa kanilang pagbabalik, ang grupo na binabanggit sa Hebreo 11 ay darating din nahuli lamang marahil, at kanilang inasahan ang taong 1929. Subalit kahit hindi man ito nangyari noong taong 1929, ito ay nanatiling paksa ng malabis na pagkasabik at pag-asam.

3cb7ecb43e.gif
Si Joseph Franklin Rutherford, ang sumunod na Pangulo ng mga Saksi ni Jehova pagkamatay ni Charles Taze Russell ang kanilang founder.
Sa ganitong kadahilanan, si Rutherford, sa kaniyang pagkaunawa na kung darating sina Abraham at mga kasama ay tiyak na mangangailangan sila ng matitirhan, kayat siya’y nagbigay ng kautusan na ipagtayo sila ng isang bahay. Sa isang aklat na may pamagat na Salvation, binanggit ni Rutherford ang dahilan kung bakit ipinatayo ang bahay na ito:

“Sa San Diego, California, mayroong isang maliit na sukat ng lupa, kung saan, noong taong 1929, ay may itinayo doong isang bahay, na tinatawag na Beth-Sarim. Ang kahulugan ng Beth-Sarim sa wikang Hebreo ay ‘Tahanan ng mga Prinsipe;’ at ang dahilan kung bakit binili ang ari-ariang yaon at ipinatayo ang bahay ay sapagkat maaaring mayroong mapanghahawakang katunayan na may mga naninirahan sa mundo ngayon na may buong paniniwala sa Diyos at kay Cristo Jesus at sa kaniyang kaharian, at ang sinoman na sumasampalataya sa mga matatapat na lalaki ng nakaraan na sa nalalapit ay muling bubuhayin ng Panginoon, at babalik sa mundo, at mamahala sa mga usapin sa sanglibutan” [Salvation, page 311]

At ngayon nga na naitayo na ang bahay wala nang ibang magagawa kundi ang maghintay. At gayon nga ang kanilang ginawa, hanggang 1942.

Nang isinulat ni Rutherford ang kaniyang huling aklat ng kaniyang buhay, muli niyang nabanggit ang Beth-Sarim at si Abraham at mga kasama,

“…sa ganitong kadahilanan ang mga matapat na lalaki ng nakaraan ay maaasahang magbabalik o magbabangon mula sa kamatayan mga ilang araw mula ngayon. Ang mga kasulatan ay nagbigay ng magandang dahilan upang sampalatayanan na ito’y magaganap bago sumapit ang nalalapit na Armageddon.

“Sa ganitong pagasa ang bahay sa San Diego, California, na siyang bahay na may malisyang isinapubliko ng mga kalaban nating relihiyon, ay itinatag noong 1930, at pinangalanang Beth-Sarim, na ang ibig sabihin sa wikang Hebreo ay ‘Tahanan ng mga Prinsipe’. Ito ngayon ay inilalaan para sa mga Prinsipe sa kanilang pagbabalik” [The New World, page 104]

Mapapansin na sinabi ni Rutherford na “inilalaan”. Sa katunayan, ang kasunduan o deed (para sa ari-arian) ay naglalaman ng mahahalagang punto. Ipinaliliwanag rito,

“…na ang kaharian ng Diyos ay magkakaroon ng nakikitang mga kinatawan sa lupa na siyang mangangasiwa ng mga usapin ng mga bansa na nasa ilalim ng pamumuno ng di nakikitang pinunong si Cristo. At kabilang nga sa mga matatapat na kinatawan at mga nakikitang tagapamahala ng daigdig ay sina David, Israel o Jacob; Gideon, si Barak, at Samson, si Jefte at Jose, na nang nakaraan ay namuno sa Ehipto, at si Samuel na propeta at mga iba pang matatapat na mga lalaki na mga binanggit ang pangalan na may pagsang-ayon ng Biblia sa Hebreo kapitulo 11.”


“Ang kundisyon na nabanggit doon (sa kasunduan) na ang tinutukoy na Watchtower Bible & Tract Society ay siyang magiingat ng titulo sa habang panahon upang ilaan sa sinoman sa mga lalaki na ang pangalan na nabanggit sa itaas, bilang mga kinatawan ng kaharian ng Diyos sa lupa, na ang mga lalaking iyon ay magkakaroon ng karapatang magmayari, at gamitin ang nasabing ari-arian, na maituturing na makakabuti sa pagsasakatuparan nila ng kanilang mga gawain na isasakatuparan.” [deed dated 24 December 1929]

Sa kabilang dako, ay may kondisyon na inilagay sa kasunduan. Bago sina David, Abraham, o sinoman ay dumating.

“ ang nabanggit na si Joseph F. Rutherford sa kontrata (lease) o iba pang papeles na naisulat ay magkakaroon ng prebilehiyong manirahan sa nasabing ari-arian hanggang sa maisalin ang pagmamay-ari kay David o sinoman sa mga lalaki na nabanggit, at ang ari-arian kasama ang lote at gusali dahil sa naihandog na kay Jehova at sa pangangailangan ng kaniyang kaharian ay gagamitin ng gayon magpakailanman”. [deed dated 24 December 1929]

Ang kasunduan na pinirmahan ni Rutherford, ay may tatlong kapansin-pansing nakapaloob dito.

Una, ang Beth-Sarim ay itinayo sa layuning maging tahanan ng mga patriarka at mga propeta.

Ikalawa, kahit na si Rutherford ay pinahintulutang manirahan sa bahay na yon, siya’y maninirahan lamang doon hanggang sa sinoman na binabanggit sa Hebreo kapitulo onse ay dumating.

Ikatlo, na ang Beth-Sarim ay mananatili sa kaharian ni Jehova upang gamitin magpakailanman.

Kung kaya, ang Watchtower kung gayon ang magmamayari ng ari-ariang ito magpakailanman.

Marahil ay hindi na mahalagang ipaliwanag, subalit isa man sa mga nabanggit sa Hebreo ay hindi dumating upang kunin ang pagmamayari ng Beth-Sarim. Kayat ang naging resulta, ginugol ni Rutherford ang mga huling sandali ng kaniyang buhay sa napakagandang mansiyon, habang ang kaniyang mga tagasunod ay nagdurusa sa matinding kahirapan sa panahon ng matinding kapighatian o Great Depression noong panahon ng 1930.

Makalipas ang ilang taon pagkaraan ng pagkamatay ni Rutherford, ang Beth-Sarim ay ipinagbili. Noong 1948 ang bahay ay ipinagbili at ang pagtuturo na may kinalaman sa pagbabalik ng mga lalaki ng una ay matahimik na binitawan [Hindi na itinuro pa kailanman sa mga Saksi] noong 1950” (Millions Now Living Will Never Die: A Study of Jehovah’s Witnesses, Alan Rogerson, p. 48), Kung kaya masasabi natin na napatigil ang paglilingkod ng kaharian mga ilang taon lamang, kaiba sa sinasabi nilang magpakailanman. At hindi rin katakataka na marami sa mga kaanib nila sa kasalukuyang panahon ay wala ni katiting na ideya o kaalaman tungkol sa nangyaring ito sa kasaysayan ng kanilang relihiyon.

Mayroong isang yugto sa kuwentong ito. Noong 1975 ang Watchtower Society ay naglathala ng isang aklat na binabanggit ang Beth-Sarim. Subalit, ang mga impormasyon na nakapaloob sa mga pahina nito ay lalo lamang nagpalala sa kredibilidad ng kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova. Sa simula, sinasabing ang bahay ay ipinatayo para kina Abraham at mga kasama. Ang nasabing aklat na ito ay nagsasaad ng kakaibang kuwento.

7c58eee465.jpg
“Sa panahon, isang tuwirang kontribusyon ang isinagawa sa layuning maipatayo ang isang bahay sa San Diego para magamit ni kapatid na Rutherford. Hindi ito naipatayo mula sa gugulin ng Watchtower Society. At may kinalaman nga sa ari-ariang ito sinasabi ng aklat na Salvation na inilathala noong 1939 ang ganito: “Sa San Diego, California, mayroon doong isang maliit na sukat ng lupa, kung saan noong 1929, mayroong ipinatayong bahay, na pinangalanan at nakilalang Beth-Sarim”
[1975 Yearbook of Jehovah's Witnesses, p. 194]


Mayroong dalawang problema sa ipinahayag na ito ng 1975 Yearbook.

Una, sinasabi ng Watchtower na ipinatayo ang bahay para kay Rutherford, na sa katotohana’y, ayon kay Rutherford mismo, ito’y ipinatayo para sa mga patriarka at mga propetang binabanggit sa Hebreo 11.

Ikalawa, ang manunulat ng Yearbook na ito ay na nag-quote o sumipi o masasabing nag-misquote o maling pagsipi sa pahayag ni Rutherford – na ang naging resulta, nagkaron ng kontrahan sa naging mismong pahayag ni Rutherford sa nakaraan. Ang manunulat ng 1975 Yearbook ay sumipi o nag-quote mula sa aklat na Salvation, na isinulat ni Rutherford mismo, na bumanggit sa Beth-Sarim. Sa kabilang dako, ang manunulat ng Yearbook ay tumigil sa pagsipi ng buong sinabi sa Salvation. Sa bandang unahan ng artikulong ito ay aming sinipi ng buo ang sinasabi ng Salvation. At kung paghahambingin natin ang dalawang pahayag maliwanag nating mapatutunayan na ang Watchtower ay nagsinungaling.

Bagamat si Rutherford ay sinasabing nagtataglay ng karunungang makapanghula o prophetic wisdom, marami siyang hula na hindi nagkatotoo. Kabilang sa mga ito ay yaong muling pagparito nina Abraham at mga iba pang mga patriarka at propeta na binabanggit ng Biblia noong 1925. Upang ang mga suliraning ito na bumangon sa Watchtower ng mga nagdaang mga taon, sinisikap nilang mapagtakpan ang mga nakahihiyang mga pangyayaring ito, patuloy silang bumaling sa mga panghuhula na hindi nangyari upang hindi mahalata ang pagsisinungaling. Marahil ang pinakamalala sa lahat, na sa katunayan ay kanilang ginagawa, sila ay nagsinungaling maging sa kanilang mga kaanib.

Sa katotohanan, isa lamang ito sa napakaraming hula ng relihiyong Saksi ni Jehova na hindi nagkatotoo, Maraming beses din nilang hinulaan sa nakaraan ang petsa ng muling pagbabalik ng Panginoong Jesus, at kung itatanong sa kanila kung kangino nanggagaling ang mga eksaktong petsa na kanilang sinasabi na siyang petsa ng muling pagparito ni Cristo, ganito ang ating mababasa sa kanilang aklat:

“Wala kaming makitang dahilan para baguhin ang mga numero o mabago man namin kung aming nanaisin. Ang mga ito, ay aming pinaniniwalaang, MGA PETSA NG DIYOS, HINDI SA AMIN. Ngunit itanim sa isipan na ang katapusan ng 1914 ay hindi petsa ng pagsisimula, kundi ng katapusan ng panahon ng kapahamakan.”
(Watchtower, July 15, 1894, Reprints p. 1677)

Sa paniniwala ng mga Saksi, ang mga Petsa raw na kanilang sinasabi ay mga PETSA NG DIYOS, kaya daw hindi maaaring baguhin. Hindi ba lalabas niyan na ang Diyos ay maraming beses na nagkamali? Dahil sa katotohanan ay napakaraming beses na sumablay ang relihiyong ito sa pagbibigay ng eksaktong petsa ng muling pagparito ng Panginoon.

Ano naman ang sabi ng Biblia?

Maaari bang sumablay ang Diyos, kung siya ay huhula?

Isaias 46:11 “…aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”

At kung nangako ba ang Diyos ay maaari niya itong ipagpaliban?

2 Pedro 3:9 “Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.”

Kapag ang Diyos ang nagsalita, tiyak na magkakatotoo at hindi kailan man sasablay…

Ano naman ang sinasabi ng Diyos sa mga humuhula na hindi nagkakatotoo? Basahin natin ang pahayag mismo ng ating Panginoong Diyos:

Ezekiel 13:6-8 “Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.

Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita?

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios”.

Napakalaking kasalanan sa Diyos ang panghuhula ng hindi nagkakatotoo na sinasabi pang ang Diyos ang nagsabi o nagsalita, at pinapaasa pa ang mga tao na ang hula ay magiging totoo, sabi ng Diyos hindi ko sila mga sinugo, at ako’y laban sa kanila. Kung hindi sugo ng Diyos ang mga gumagawa ng ganitong bagay, kaninong sugo kaya sila?... kayo na ang sumagot mga kaibigan naming Saksi Ni Jehovah
 
Last edited:
Hindi nga ang mga saksi ang unang gumamit ng pangalang jehovah ang problema inaamin nila na ang pangalang ito ay nabuo nga lang ng mga makabago bakit ito ang ginamit nila dahil nga raw mas kilala ito kaysa sa YAHWEH sumatutal inimbinto lang ipinalaganap nila yong pangalang inbinto.

Yong pangalan ni prisedent duterte hindi inbinto pangalan nya talaga yon.ang Dios inimbintuhan nila ng pangalan ang linaw ng pag-amin ng mga saksi na wala na ngang nakakaalam sa bigkas ng YHWH kaya nga kailangan nilang magimbinto eh bumuo sila ng pangalan,ito ngayon ang ginamit ng mga saksi at sa kalaunan nagkaroon na ng mga salin pero hindi matatangging binuo nga ito.

Sa english daw na translate na ito as jehovah natural 14 century pa ito nabuo di kailangang ipagtaka yan.gusto nyo unbintuhan nyo uli ng pangalan ang Dios mahilig lang din kayo maglagay ng vowels kayo na maglagay o pumili ng vovels idagdag nyo sa YHWH halimbawa YoHWoH puede rin yon diba?o kaya parihas "a" ilagay nyo kayo na bahalang magbigkas sigurado mga ilang panahon mailalagay na rin yan sa salin ng biblia.
 
Hindi po ganun... Kung may respeto, diba sasabihin mo Presidente Duterte, Ginoong Jose... same sa Diyos. Amang Jehova, Diyos na Jehova.

Pwede mong gamitin ang titulo (pero dapat mo ring gamitin ang pangalan ng Diyos)
mayroon po ba na nasusulat na nanalangin ang panginoong jesus cristo na sinabi nya na o ama ko na jehova mayroon po ba natanong ko lang po hindi ko alam eh
 
Nasa matatandang manuskrito ng bible ang pangalan ng Diyos panong sasabihing mong wala.. mahigit 7000 times nga binanggit yun. Kahit ang kilalang bersyon ng bible na kingjames version ginawa nila yan You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
agree ako tinanggal lang ang pangalan ni Jehova btw catholic ako pero nung nagsimba ako sa kingdom hall may pinagkaiba talaga ang dalawa
 
Hmmmm.... bat ang daming bata ngayon...
May pangalang Jesus... Pero ni isa walang pinangalang Jehova?

Hmmm... coincidence or not...
 
I really hate those people who uses the name of god. Brod wag kang ***** if you want to share the words god wag dito sa PHC, dahil merong website para jan.
 
Jehovah siya ang tunay na diyos na lumikha ng lahat kasama ang kanyang anak na si jesus kaya kahit ano pa ang itawag sa kanya ang alam ko sya ay buhay at umiiral at nangako na babaguhin nya ang buong mundo upang gawing paraiso
 
Marami kasi s mga bibliya ngayon for sale tapos ang masaklap dun binago pa ang pangalan ng diyos
 
Mateo 7:13-14
Pumasok kayo sa makipot na pintuang-daan; sapagkat malapad at maluwang ang daan na umaakay patungo sa pagkapuksa, at marami ang mga pumapasok dito; 14 samantalang makipot ang pintuang-daan at masikip ang daan na umaakay patungo sa buhay, at kakaunti ang mga nakasusumpong nito.
 
Logic lng... Ang tatay mo pangalan jose... Tatawagin mo b syang jose lng.. Bk batukan ka ng tatay mo... Syempre dapat tawagin mo syang tatay... O ama naman sa Dios ama.. Sa isaias 63:16 ala nman nksulat sa jehovah..


lahat naman may pangalan di mo naman pwede sabihin yung titolo lang , halimbawa may sa skwelahan may dalawang teacher ka , tatawagin mo sir parehas? so hindi din malalaman kung sino yung tatawagin mo . at si satanas ang titolo ay ama din , "ama ng kasinungalingan
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 331
    Replies
  • 12K
    Views
  • 95
    Participants
Last reply from:
Ms_Mika_Dyosa

Online statistics

Members online
1,589
Guests online
3,344
Total visitors
4,933
Back
Top