- Joined
- Nov 13, 2014
- Posts
- 21,749
- Solutions
- 1
- Reaction
- 303,437
- Points
- 35,242
Konting istorya muna kung kelan ko na experience ang unang SP ko. Ngyare ito nung 3rd yr high ako kaya medyo matagal na yun. Unang naramdaman ko talaga is biglang tumahimik na lang ang paligid at parang sarili ko lang yung maririnig ko. Pikit ako at patulog na ako nun tas naramdaman ko yung vibration sa katawan ko. Di ako sure kung nakakadilat ako o imagination ko lang parang may naaaninag akong babae na black n white ang kulay sa paanan ko then di ko maigalaw ang katawan ko tapos parang may sumisigaw sa tenga ko.Takot na takot ako nun gusto ko magdasal pero di ko magawa di ko magalaw ang kamay ko di ko alam kung gano katagal akong ganun. Maya maya kusa na lang humupa yung vibration feeling and naigalaw ko na yung katawan ko. Humawak pa ako ng rosario nun at lumipat ng kwarto kasi kala ko minumumu na talaga ako. Tapos kada pipikit ako nararamdaman ko na naman yung vibration feeling then natatakot na naman ako. Di po kasi talaga ako aware nun sa SP kaya takot na takot ako nun sa bagong experience ko na yun akala ko mamamatay nako haha. Di pa rin uso FB that time.
Fast forward tayo, ilang beses pa nga naulit ang SP sakin at parang nasasanay na ako at nakocontrol ko na sya. Una kasi mangyayare sakin kapag mag e SP ako is tatahimik ang paligid mo na parang sarili mo lang maririnig mo tapos mag uumpisa na yung vibration feeling sa katawan ng mahina na palakas ng palakas. Pwede mo pa ihinto kapag mahina pa lang pero nung hinahanap hanap ko na yung feeling e hinahayaan ko na sarali ko na mag sleep paralysis haha.
Weird ba ako? Naisip ko lang din baka sa gantong paraan may magawa akong kakaibang bagay gaya ng mag astral project. WAHAHAHA. Naisip ko lang.
Sino sino pa dito ang may entry about sleep paralysis experience nila?