What's new

Sino ang Napupunta sa Impiyerno?

[XX='Gentleman007, c: 141549, m: 631158'][/XX] ang layo ng pilit mong kinukunek na mga talata sa sinabi mismo ng Panginoong Hesus , hahaahah kayo talagang mga taga watch tower pinipilit nyo yong bagay ninyo kahit na hindi nagkakakunek pinipilipit nyo yong mga talata para e push ang erroneous ninyong turo
 
At ang kamatayan at ang Libingan ay inihagis sa lawa ng apoy. SUMASAGISAG ito sa ikalawang kamatayan, ang lawa ng apoy.
-Apocalipsis 20:14
 
katoliko ako pero parang mas accurate ang iglesia ni cristo pag dating sa preaching. im just saying
Bat ndi mo po subukan aralin kung ano talaga ang itunuturo ng bibliya ikaw mismo ang magsuri batay sa mga katotohanan at pangangatwiran na nasa bibliya.
 
Last edited:
At ang kamatayan at ang Libingan ay inihagis sa lawa ng apoy. SUMASAGISAG ito sa ikalawang kamatayan, ang lawa ng apoy.
-Apocalipsis 20:14
Ikaw na mismo nagsabi na ikalawang kamatayan yong lawa ng apoy, ayon sa apocalipsis ay dyan ihahagis ang mga makasalanan , nahuhuli kayo sa sarili ninyong salita na, erroneous yong aral ninyo
Dyan yong sinasabi ng Panginoon sa Talata ng Mateo 18 na apoy na kung saan ihahagis ang mga makasalanan
 
Last edited:
Ang pananalitang ito ay sa aklat ng Apocalipsis lamang lumilitaw at maliwanag na makasagisag. Ibinibigay mismo ng Bibliya ang paliwanag at katuturan ng sagisag na ito sa pagsasabing: “Ito ay nangangahulugan ng ikalawang kamatayan, ang lawa ng apoy.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa mga paglitaw nito sa aklat ng Apocalipsis, ipinakikita rin ng konteksto na makasagisag ang lawa ng apoy. Ang kamatayan ay sinasabing ihahagis sa lawa ng apoy na ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maliwanag na hindi maaaring literal na masunog ang kamatayan. Karagdagan pa, ang Diyablo, isang di-nakikitang espiritung nilalang, ay ihahagis sa lawang ito. Palibhasa’y espiritu, hindi siya maaaring mapinsala ng literal na apoy.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Yamang ang lawa ng apoy ay kumakatawan sa “ikalawang kamatayan” at yamang sinasabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na kapuwa ang “kamatayan at ang Hades” ay ihahagis doon, maliwanag na ang lawa ay hindi maaaring kumatawan sa kamatayang minana ng tao kay Adan (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.), ni tumutukoy man ito sa Hades (Sheol). Samakatuwid, tiyak na sumasagisag ito sa ibang uri ng kamatayan, isa na hindi mapawawalang-bisa, sapagkat walang binabanggit ang ulat na ibibigay ng “lawa” yaong mga naroon, di-gaya ng gagawin ng Adanikong kamatayan at ng Hades (Sheol). (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya naman yaong mga hindi masusumpungang nakasulat sa “aklat ng buhay,” na mga di-nagsisising mananalansang sa soberanya ng Diyos, ay ihahagis sa lawa ng apoy, na nangangahulugang walang-hanggang pagkapuksa, o ang ikalawang kamatayan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bagaman nililinaw ng nabanggit na mga teksto na ang lawa ng apoy ay makasagisag, ginagamit ito ng iba para suportahan ang paniniwala sa isang literal na dako ng apoy at pagpapahirap. Ginagamit nila ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., dahil sinasabi nito na ang Diyablo, ang mabangis na hayop, at ang bulaang propeta ay ‘pahihirapan araw at gabi magpakailan-kailanman’ sa lawa ng apoy. Gayunman, hindi ito maaaring tumukoy sa pagpapahirap sa mga may-malay. Yaong mga ihahagis sa lawa ng apoy ay daranas ng “ikalawang kamatayan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa kamatayan ay walang kabatiran, o kamalayan, samakatuwid, walang pagkadama ng kirot o paghihirap.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa Kasulatan, ang maapoy na pagpapahirap ay iniuugnay sa pagkapuksa at kamatayan. Halimbawa, sa Griegong Septuagint na salin ng Hebreong Kasulatan, ang salita para sa pagpapahirap (baʹsa·nos) ay ilang ulit na ginagamit upang tumukoy sa parusang kamatayan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa katulad na paraan, hinggil sa Babilonyang Dakila, sinasabi ng aklat ng Apocalipsis na “ang mga hari sa lupa . . . ay tatangis at dadagukan ang kanilang sarili sa pamimighati dahil sa kaniya, kapag nakita nila ang usok na mula sa pagsunog sa kaniya, habang nakatayo sila sa malayo dahil sa kanilang takot sa pahirap [sa Gr., ba·sa·ni·smouʹ] sa kaniya.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May kinalaman sa kahulugan ng pagpapahirap na ito, isang anghel ang nagpaliwanag: “Gayon ibubulid sa isang mabilis na paghahagis ang Babilonya na dakilang lunsod, at hindi na siya masusumpungan pang muli.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya naman, ang maapoy na pagpapahirap dito ay katumbas ng pagkapuksa, at sa kaso ng Babilonyang Dakila, ito ay walang-hanggang pagkapuksa.—Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Samakatuwid, yaong mga ‘pahihirapan magpakailanman’ (mula sa Gr., ba·sa·niʹzo) sa lawa ng apoy ay daranas ng “ikalawang kamatayan” na mula roo’y wala nang pagkabuhay-muli. Ang kaugnay na salitang Griego na ba·sa·ni·stesʹ ay isinasalin bilang “tagapagbilanggo” sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. (RS, NW, ED; ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..) Sa gayon, yaong mga ihahagis sa lawa ng apoy ay mapipigilan, o “mabibilanggo,” nang walang hanggan sa kamatayan.—
 
At ang kamatayan at ang Libingan ay inihagis sa lawa ng apoy. SUMASAGISAG ito sa ikalawang kamatayan, ang lawa ng apoy.
-Apocalipsis 20:14

Oh di maliwanag na ang kamatayan at ang libingan o hades ay inihagis sa lawa ng apoy ni siyang ikalawang kamatayan?ang problema diyan ano para sa inyo yong ikalawang kamatayan o yong lawa ng apoy yan ba ay literal o hindi literal diba yong libingan para sa inyo ay yong grave o yong sementeryo kung saan inililbing yong mga patay?

Apoc. 20:14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.

Pero bago yang apoc. 20:14 ito muna ang nasa 20:13 ng apoc.

Apoc. 20:13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.

Tanong kung ibinigay na ng Hades yong mga patay na nasa kanya eh di isa na lamang sementeryo o libingan yan na ayon sa inyo sa pagkakaalan ko ay literal nga na libingan ang tanong BAKIT IBUBULID YAN SA LAWA NG APOY.ano ang kasalanan ng literal na hades na yan pinaglibingan lang naman yan ng mga namatay na tao.
 
ikalawang kamatayan hindi literal na lawa ng apoy.. hay..
Literal yang ikalawang kamatayan na lawa ng apoy yan yong sinasabi ng Panginoong Hesus sa Mateo 10:28

Mateo 10: 28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.


Unang namamatay sa tao ay yong katawang lupa na pinapatay din ng mga nagsisipatay nito, ikalawang kamatayan naman yong makapupuksa sa mismong kaluluwa at katawan sa impierno
 
Maliwanag na ang salitang Hebreo na Sheol at ang salitang Griyego na Hades ay kapuwa nangangahulugan ng libingan. Ano kung gayon ang kahulugan ng Gehenna? Sa Hebreong Kasulatan ang Gehenna ay “ang libis ng Hinnom.” Tandaan, Hinnom ang pangalan ng libis na nasa labas ng mga pader ng Jerusalem na doon inihandog ng mga Israelita ang kanilang mga anak sa apoy. Nang malaunan dinumhan ng mabuting Haring si Josias ang libis na ito upang huwag nang magamit pa sa gayong karimarimarim na gawain. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ginawa niya itong isang malaking basurahan o tapunan ng dumi.



Kaya noong nasa lupa si Jesus ang Gehenna ay tambakan ng basura ng Jerusalem. Pinanatiling nagliliyab ang apoy doon sa pamamagitan ng paglalagay ng asupre upang sunugin ang basura. Ganito ang paliwanag ng Smith’s Dictionary of the Bible, Tomo 1: “Iyon ay naging karaniwang tambakan ng basura ng lunsod, na doo’y inihagis ang bangkay ng mga kriminal, at patay na mga hayop, at bawa’t uri ng dumi.” Gayunman, hindi inihahagis doon ang buháy na mga nilalang.

Palibhasa’y pamilyar sa kanilang tambakan ng basura, kaya mauunawaan ng mga mamamayan ng Jerusalem kung ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niya sa masasamang pinuno ng relihiyon: “Mga ahas, lahi ng ulupong, papaano kayo makakatakas sa kahatulan ng Gehenna?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maliwanag na hindi gustong sabihin ni Jesus na ang mga pinunong iyon ng relihiyon ay pahihirapan. Nang sinusunog na buháy ng mga Israelita ang kanilang mga anak sa libis na ito, sinabi ng Diyos na ang gayong kasuklamsuklam na bagay ay hindi man lamang pumasok sa kaniyang puso! Kaya malinaw na ginagamit ni Jesus ang Gehenna bilang angkop na sagisag ng lubos at walang-hanggang pagkalipol. Gusto niyang sabihin ay na ang mga pinunong yaon ng relihiyon ay hindi karapatdapat sa pagkabuhay-muli. Naunawaan ng mga tagapakinig ni Jesus na ang mga nagtutungo sa Gehenna, gaya ng basura, ay malilipol magpakailanman.

Ano kung gayon ang “dagat-dagatang apoy” na binabanggit sa aklat ng Bibliya na Apocalipsis? Ang kahulugan nito’y katulad niyaong sa Gehenna. Nangangahulugan ito hindi ng may-malay na pagpapahirap kundi ng walang-hanggang kamatayan, o pagkalipol. Pansinin kung papaanong sinasabi mismo ito ng Bibliya sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “At ang kamatayan at ang Hades [impiyerno, King James Version at Douay Version] ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy. Nangangahulugan ito ng ikalawang kamatayan, ang dagat-dagatang apoy.” Oo, ang dagat-dagatang apoy ay nangangahulugan ng “ikalawang kamatayan,” ang kamatayan na mula doo’y wala nang pagkabuhay-muli. Maliwanag na ang “dagat-dagatang” ito ay simbolo, yamang ang kamatayan at impiyerno (Hades) ay inihahagis dito. Ang kamatayan at impiyerno ay hindi literal na masusunog. Subali’t ang mga ito ay maaalis o malilipol, at mangyayari nga ito.
 
Uu nga may punto itong tanong mo paps , bakit nga naman ihahagis sa lawa ng apoy yong hades eh libingan lang naman siya ng mga patay na tao ( turo ng mga watch tower libingan daw ang hades)?
 
Oh diba ito yong problema,

"Sa mga paglitaw nito sa aklat ng Apocalipsis, ipinakikita rin ng konteksto na makasagisag ang lawa ng apoy. Ang kamatayan ay sinasabing ihahagis sa lawa ng apoy na ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maliwanag na hindi maaaring literal na masunog ang kamatayan. Karagdagan pa, ang Diyablo, isang di-nakikitang espiritung nilalang, ay ihahagis sa lawang ito. Palibhasa’y espiritu, hindi siya maaaring mapinsala ng literal na apoy.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.."

Ang Diablo ay espiritu hindi pi talaga yan masusunog sa literal na apoy....kasi ang interprerasyon ni literal.
 
Iwan ko boss kung makakakuha tayo ng magandang sagot sa kanila diyan nakikita ko kasi puro copy/paste sila.kasi bakit nga naman ihahagis pa yan eh sempleng libingan na lang yan eh una-una sa 13 ng apoc.naibigay na niya ang mga patay na nasa kanya.
 
Iwan ko boss kung makakakuha tayo ng magandang sagot sa kanila diyan nakikita ko kasi puro copy/paste sila.kasi bakit nga naman ihahagis pa yan eh sempleng libingan na lang naman yan eh unang-una sa 13 ng apoc.naibigay na niya ang mga patay na nasa kanya.
 
Yan ang hirap sa inyo yortz yong salita kasing "malilipol" pinakahuluganan mong cease to exist o titigil sa pagiral.
 

About this Thread

  • 354
    Replies
  • 11K
    Views
  • 39
    Participants
Last reply from:
Arlertz

Online statistics

Members online
875
Guests online
5,360
Total visitors
6,235
Back
Top