What's new

Trivia Single parent ka Makakatulong ba ang Bibliya?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,217
Points
2,570
Naging permanente at kapansin-pansing bahagi na ng maraming lipunan sa ngayon ang mga pamilyang may nagsosolong magu
lang. Nagtataka ang mga sosyologo sa maraming bahagi ng daigdig kung bakit ang tradisyonal na pamilyang binubuo ng asawang lalaki, asawang babae, at mga anak ay napapalitan ng ibang anyo ng buhay pampamilya.

Kung ikaw ay nagsosolong magulang, ma-
ging tapat sa iyong mga pananagutan sa bahay. Magkaroon ng kasiyahan sa gayong mga gawain, sapagkat malaki ang nagaga-
wa nito sa dagdag na kaligayahan ng iyong mga anak. Pero kailangan ang tamang pag
sasaplano at pag-oorganisa.

Sabi ng Bibliya: “Ang mga plano ng isang masipag ay tiyak na tungo sa pakinabang.” (Kawikaan 21:5)

Baka kailanganin mo ring matutong gami-
tin ang iyong mga kamay sa mga traba-
hong panglalaki na hindi nakasanayan. Sa pagkonsulta sa marurunong na kaibigan, mga nagtuturong aklat, at matutulunging propesyonal, ang ilang nagsosolong ina ay nakapagpipinta, nakapagtutubero, at nakapagkukumpu-kumpuni ng sasakyan.

Sa Awit 68:5, inilalarawan ng Bibliya ang Diyos na Jehova bilang “ama ng mga uli-
lang batang lalaki.” Ang mga inang umaasa sa Diyos para sa patnubay ay nakasusum-
pong sa kaniya ng pinakamabuting halim-
bawa para sa kanilang mga anak. Pinahaha
lagahan din nila ang nagpapalaki sa kani-
lang mga anak na nag-iisa ang tulong mula sa responsable, maygulang na mga babae. Oo, kailangan ng mga nagsosolong magu-
lang ang maibiging pagtulong ng iba sa kanila.
FB_IMG_1632868544072.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top