Sabi sa haka haka e kailangan daw valid id ang gamit sa registration. Sa tingin ko sa mga unang buwan ng registration magiging mahigpit ang government at hahanap sila ng mga mandurugas na masasampolan ng mas mahigpit na penalty. Kasi nag work ako sa foreign telco dati, ung sim card is about 500pesos doon tapos kailangan pumunta sa store para ipa activate at kasama ung imei ng device nila. Di sila makakagamit ng sim kapag di sila nag register. Pero wala naman problema sa kanila, sa 100 na tao, 1 lang ang nagrereklamo minsan wala pa nga. Sumusunod talaga sila kasi pwede i check sa system kung ilan text ung na send nila, ilang mins ung call nila, kung anong number ung tumawag sa kanila pero walang further details tungkol sa mga messages or personal info na nakikita ung telco. Mga list of transactuons lang talaga.