What's new

Closed Should christian eat pork?

Status
Not open for further replies.
PAKIBASA:

ROMANS 14:17
Sapagkat ang “PAGPASOK NG TAO“ sa “KAHARIAN NG DIYOS” ay HINDI!!!!! [[NABABATAY SA PAGKAIN AT INUMIN]]]] kundi sa PAGIGING MATUWID, PAGKAKASUNDO-SUNDO AT KAGALAKAN na pawang KALOOB NG ESPIRITO SANTO.


SI KRISTO NA NAGSABI NITO HA? BASA


MARCOS 7

Ang Nagpaparumi sa Tao
(Mateo 15:10-20)

14 Muling pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat at unawain ang aking sasabihin! 15-16 Walang pagkain na pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas dito.” d

17 Iniwan ni Jesus ang mga tao, at nang makapasok na siya sa bahay, siya’y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinhaga. 18 “Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin ninyo ako maunawaan?” tanong ni Jesus. “Hindi ba ninyo alam na hindi ang anumang mula sa labas ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya, 19 sapagkat hindi naman iyon pumapasok sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi.” Sa ganitong paraan ay ipinahayag ni Jesus na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.

20 At sinabi rin niya, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos. 21 Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang naguudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, 22 mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan. 23 Ang lahat ng ito ay nanggagaling sa puso at ang mga ito ang siyang nagpaparumi sa kanya.”
 
wahahaha.... Mahirap po makipag talo sa mga Muslims, kase hindi sila gumagamit ng Biblia... Quran ang kanila, na gawa lang nman ng tao... saka po yung sinasabi mong united kayo, edi sana lahat ng Muslim, ISIS na...... United kayo diba??? Napaka BABAW... peace po...
 
Si Cristi Miami nag sabi pedde Kainin lahat ng hayop maliban sa dugo pinalanginan niya lahat eh moses pa yan bro binago na sa panahon ni cristo just sayin wg kana mag basi sa moses history christian era na ngayun eh tapos na yung pagbaha sa boong mundo
 
Feeling all high and holy ka ata ts. bawal talaga kumain nga baboy noong nasa old testament pero nasa new testament ang pagbabago. tinanggal ni Hesus anhg kasalanan sa mundo so by any means kasali na dun ang pag kain ng baboy that is why okay kumain ng baboy. kaya dapat kumain ka na rin. hampalusin kita ng paa ng baboy eh.
 
Feeling all high and holy ka ata ts. bawal talaga kumain nga baboy noong nasa old testament pero nasa new testament ang pagbabago. tinanggal ni Hesus anhg kasalanan sa mundo so by any means kasali na dun ang pag kain ng baboy that is why okay kumain ng baboy. kaya dapat kumain ka na rin. hampalusin kita ng paa ng baboy eh.
ahahaha wag paps sayang..
 
Ang baboy ng topic na to....kaybigan maghilamos kana at gumising....iwasan mo masyadong magbasa ng fairytale..millinial na naiiwanan kana....
 
wala pa ata sumagot sa tanong ko,

walang katapusang bangayan ito kung hindi niyo alam ang origin ng pagbabawal na iyan

at kung kailan wala ng bisa ang pagbabawal..

Go on guys wake-up, marami puedeng pag-abalahan na mas mahalaga..

(1 Corinto 8:8,9,13)
8. Ngunit ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Diyos; kung hindi tayo kumakain, hindi tayo nagkukulang, at, kung kumakain tayo, wala tayong kapurihan sa ganang atin.
9. Ngunit lagi kayong mag-ingat na sa paanuman ang awtoridad ninyong ito ay hindi maging katitisuran doon sa mahihina.
13. Kaya nga, kung ang pagkain ay nagpapatisod sa aking kapatid, hindi na ako muling kakain ng karne, upang hindi ko matisod ang aking kapatid.

Bible Says - Tiyakin natin ang mga bagay na higit na mahalaga. - Filipos 1:9,10
 
alam nyu ano ang bawal talaga? yung MASAMANG GAWAIN. Kahit anong relihiyon sasang-ayon dito. Basic knowledge lang.
 
tanong lng, ako lang ba o meron din na nagbabasa ng kasulatan/awit/tula/storya sa bibliya na hindi binibigyan ng kahulugan ang bawat talata/pangungusap sa biblia?
i mean, oo may katwiran, oo may kahulugan, pero sa tingin ko isinulat siya ng buo, dapat buo din siyang ipapaliwanag? kasi kung hindi yung buong storya ang ipapaliwanag maiiba ka kahulugan o tema ng kasulatan.

just saying...
 
Lahat tayo ay may sariling paniniwala na dapat respetuhin. Muslim ka man o kristiyano. Tama naman yan.

Pero para sa mga katulad kong kristiyano pag ang Diyos na kasi ang nagpaliwanag ito ang dapat una nating paniwalalan bago ang iba. Katulad nitong paniniwala na bawal kumain ng baboy, eh ang Panginoong Jesus na nga ang nagsabi na yun lang mga nanggagaling sa puso gaya ng masasamang isipan at gawain ang nagpaparumi sa tao sa mata ng Diyos. Ang Diyos naman ang nagsabi nito bakit hindi ito ang unang paniwalaan ng mga tao? Hindi ba katotohanan ang sinasabi ng Diyos?

Seryosong tanong. Ang baboy ba ay isang masamang isipan at gawain na maaaring manggaling sa puso ng isang tao? Simpleng tanong at simple rin ang sagot. Mga bagay na di na dapat pang pagtalunan dahil ang Diyos na ang nagpaliwanag nito. Salamat.
 
Marcos 7:19 Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain.


1 Timoteo 4:4 Sapagka't ang bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat
5 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.
 
Marcos 7:19 Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain.


1 Timoteo 4:4 Sapagka't ang bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat
5 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top